"Sa pagpili ng minamahal, puso dapat ang unang pinapakinggan." Yan ang sagot sa'kin ni Mama kung paano niya nalamang si Papa na ang katadhana niya.
"E, ma? Paano mo naman mapapakinggan ang puso mo e hindi naman abot ng tenga ang dibdib natin?" Inosente kong tanong sa kanya.
Ngumiti si mama at hinimas niya ang buhok ko.
"Sa pakikinig sa sinasabi ng puso, hindi tenga ang ginagamit. Pakiramdaman mo. At kapag nadinig mo na ang puso mong tumitibok ng malakas at parang mabibingi ka, siya na ang nakatadhana para sa'yo." Sabi pa ni mama habang may maliwanag na ngiti sa kanyang mga mata.
Pero,
Paano ko pa maririnig ang puso ko kung kukunin na ito at papalitan ng bago.
Maririnig ko rin kaya ang tibok ng bago kong puso?
Paano kapag hindi?
Paano kung hindi na ito tumibok?
Paano?