Chapter 7

8 1 0
                                    

"Anak, wala na ba talagang paraan para makausap mo ulit si Jeremy?" my mom asked me bigla. Napaayos naman ako ng upo. Eto na talaga yung aasahan ko. Si Mama lang din naman halos nakaka-usap ko kase si papa, nasa ibang bansa. Uuwi siya next year sa birthday ni Jace.

"Mom.. ano pang way? I did everything." Bakat naman ang lungkot sa aking boses. I even tried talking to his mom before pero almost out of reach na si Je. Lagi siyang busy. Umiyak ako sa harapan ng mom niya not to let her know na kaawa awa ako pero kase alam na rin ng mom niya yung about kay Jace. Gulat na gulat siya na dapat daw malaman na ni Jeremy but I forced her not to tell him kase baka maguluhan siya sa work niya but now, I think I've made the wrong decision.

"Intayin mo siya for 5 years.." sabi naman niya. Easy to think, no? Andaming pwedeng mangyari sa limang taon, hindi ko nga alam baka may asawa na siya don at may anak pa.

"Gusto ko, ma. Gusto ko magintay pero nata takot ako na baka wala na akong iniintay." Let's be honest here. I don't want them to pity me pero I love Jeremy so much na I want to close my heart sa ibang tao.

"Then bakit ayaw mong buksan ulit puso mo?" nagulat naman ako sa tanong niya. Well, of course, I still love Jeremy ngayon at hindi ko alam kung kailan ako magsasawang magmahal magisa.

"Kanino?" I asked. wala naman akong maisip na tao except for ---- oooh. "kay Christian." she said. Pwede bang masama ang dalawang broken hearted? Ako? Broken hearted kay Jeremy, Siya? Mukhang durog ang puso eh.

Napatingin naman ako kay Jace na natutulog. Hindi ko alam isasagot ko, hindi ko rin naman sure kung anong nararamdaman ko. "Ayaw mo ba siya bigyan ng chance? He's a good man, Audrey. Try mo lang." sabi naman niya sa akin. Hindi naman ganon kadali yon eh.

"Bakit, ma? Gusto mo bang buksan ko puso ko?" tanong ko naman kay mama. Agad rin naman niya akong sinagot. "Hindi naman anak. Sana lang hindi mo pigilan sarili mo na magmahal ulit.. Go with the flow lang." sabi naman niya sa akin. Alam ko naman na ang ibig sabihin niya na huwag kong balewalain yung pagmamahal sa akin ni Christian. Eh wala pa naman eh. Nagfirst move na ba na alam kong meron talaga?

Paano kung meron na, iniiwasan ko lang talaga?

Life has been rough to me nung nawalan na ako ng komunikasyon kay Jeremy. Paulit ulit na lang na masakit masakit masakit. Paulit ulit na lang akong umaasa na alam kong tong sakit na 'to, eh papalitan ako ng magandang hilom pagdating niya. LIMANG TAON? Lumaki ng limang taon anak namin na wala siya at kasalanan ko 'yon.

Pero kung dumating man ang panahon na magkita kami, hindi ko ipagkakait ang anak ko sa kanya. Hindi ko itatago sa anak ko kung sino ang tatay niya 'cause everybody deserves to know the truth kahit na masakit. Basta sa ngayon, papalakihin ko yung anak ko with or without Jeremy and it's fine with me... sana. Papalakihin ko siya with all the love and care he deserves. Aasikasuhin ko rin ang store ko. In short, My family and my work lang muna.

-

It's Christmas Eve already. Parang kahapon lang tinatanong ako ni mama about me and Je and me and Christian, ngayon, pagbangon ko, Christmas Eve na. Lumalaki laki na rin 'tong si Jace. We're invited sa clubhouse namin para magcelebrate ng Christmas kaso I'd rather stay here sa bahay. Naghanda kami kase reunion naming magpapamilya every Christmas and dito naman daw kami magcelebrate.

I also invited Christian, of course. Gusto niyang makita si Jace. Nasubok nga ang baking skills ko kase andami kong ginawang cupcakes and cakes. Nasubok din ang pera ko kase marami kami sa side ni mama and what more sa side ni papa. All of us are close to each other.

"Ang gwapo ni Jace, Audrey!" sabi naman sa akin ni Tita Grace habang nilalaro laro niya si Jace. Buhat buhat ko kase si Jace, kanina pa nagliligalig. Imbis na mag-ayos ako this night, nanay na nanay ang peg ko ngayon. "Mana yan sa daddy niyang pogi, diba Jace?" patay malisya naman ako sa sinabi ko para iwas tanong.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now