HARING ARBOK: Ang kapatid ko ay nasa kaharian ng Ruby kung saan doon siya namumuno...
ZIA: Kung ganoon kakampi natin ang kaharian ng Ruby...
HARING ARBOK: Tama ang nasa isip mo Sang'gre Zia...SA KAHARIAN NG DIAMOND...
GALANG: Mahal na reyna..
INANG REYNA: Bakit ka naririto Galang??
GALANG: Mahal na reyna may pinasasabi po si Hinaya sa inyo..
INANG REYNA: Ano iyon Galang??
GALANG: Mahal na reyna kunin nyo po ang susi ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao.
INANG REYNA: Bakit kailangan ng susi ng lagusan??
GALANG: Upang pumunta si Sang'gre Dianna sa mundo ng mga tao upang mag-tago kay Adhara. Si Adhara ay kinukumpleto ang walong mahiwagang bato upang gamitin niya sa pagsakop sa buong encantandia...
INANG REYNA: Pakisabi kay Hinaya Salamat..
GALANG: Masusunod mahal na reyna..Umalis na si Galang..
Agad naman na sinabi ni Inang Reyna kay Dianna ang..INANG REYNA: Mahal kong Sang'gre Dianna pumunta ka sa mundo ng mga tao upang magtago kay Adhara..
DIANNA: Ano po? Pupunta ako sa mundo ng mga tao?? Mahal na reyna kailangan ko bng gawin iyon??
INANG REYNA: Oo anak upang maprotektahan ka laban kay Adhara.
DIANNA: Ina sino ba c Adhara??
INANG REYNA: Si Adhara ay reyna dati ng Jade ngunit tinanggal siya ni Hinaya dahil siya ay masama kaya ibinigay ni Hinaya ang korona kay Evelyn na siya namang naging reyna ngayon ng Jade. Si Adhara ay umalis sa palasyo at hindi namin alam kung saan siya pumunta. Ngayon susugod na naman siya upang kunin naman ang mahiwagang bato sa lahat ng kaharian. kaya pumunta ka sa mundo ng mga tao at itago mo ang mahiwagang bato ng Diamond..
DIANNA: Masusunod mahal na reyna..
IMAO: Sang'gre Dianna sumunod ka sa akin at meron akong ibibigay sa iyo..Sumunod nga si Dianna kay imao..
SA TAHANAN NI HINAYA...
HINAYA: Galang narito ka na pala..
GALANG: Opo mahal na Sang'gre..
HINAYA: Ano ang sabi ni Inang reyna??
GALANG: Maraming salamat daw po..
HINAYA: Kung ganoon walang ano man. Ginagawa ko lang ang makakabuti sa encantadia dahil iyon ang sumpa sa akin ni Haring Sakurafa..
ADHARA: Hinaya...
HINAYA: Adhara ano ang ginagawa mo rito??
ADHARA: Huwag kang matakot Sang'gre Hinaya sapagkat hindi naman kita sasaktan kung susundin mo ang gusto ko..
HINAYA: At ano naman ang dapat kong sundin Adhara??
ADHARA: Bigyan mo ako nang kapangyarihan nang sa ganoon makuha ko ang mga mahiwagang bato sa mga kaharian...
HINAYA: Susundin ko yan hinihiling mo ngunit kapag hindi kumpleto ang mahiwagang bato hindi mo magagamit ang kapangyarihan ng mahiwagang bato hang'gat hindi kumpleto ito..
ADHARA: Kung ganoon bigyan mo na ako ng kapangyarihan nang sa ganoon ay makumpleto ko na ang mahiwagang bato..
HINAYA: Ang maiibibigay ko lng sayong kapanyarihan ay manggaya ng anyo ng isang encantado..
ADHARA: Paano ko naman gagamitin iyon sa labanan??
HINAYA: Matalino ka Adhara kaya alam mo kung ano ang gagawin mo..
ADHARA: Kung ganoon ibigay mo na sa akin..Ibinigay na nga ni Hinaya kay Adhara ang kapangyarihan na hinihingi ni Adhara...
SA KAGUBATAN..
ADHARA: Ngayon may kapangyarihan na ako..
EDGAR: Ano na ngayon ang balak mo Adhara??
ADHARA: Ang gusto ko alamin mo kung nasaan ang mga mahiwagang bato nang sa ganoon ay makuha ko na. Hahahahahaha..
EDGAR: Masusunod Adhara..Hinanap na nga ni Edgar kung nasaan ang mahiwagang bato nakarating siya sa kaharian ng Jade at sumilip siya kung ano ang nangyayari doon..
SA KAHARIAN NG JADE...
REYNA EVELYN: Ngayon sa inyong apat ibibigay ko ang mga mahiwagang bato ng sa ganoon ay magamit ninyo sa labanan..
Janna sa iyo ko ibibigay ang mahiwagang bato ng Jade upang iyong pangalagaan ito ay nagpapalakas ng mga hayop sa buong encantadia..
JANNA: Maraming salamat mahal na reyna ipapangako ko na aalagaan ko ang mahiwagang bato na ito kapalit man ang aking buhay...
REYNA EVELYN: Perla ibibigay ko naman sa iyo itong mahiwagang bato ng Pearl upang iyong pangalagaan ito ay nagbibigay ng tubig sa buong encantadia..
PERLA: Maraming salamat mahal na reyna ipapangako ko sa mahiwagang bato na ito na aalagaan ko ito kapalit din ang aking buhay..
REYNA EVELYN: Alexandra ibibigay ko naman sa iyo itong mahiwagang bato ng Alexandrite upang iyong pangalagaan ito ay nagbibigay ng hangin sa buong encantadia..
ALEXANDRA: Maraming salamat mahal na reyna pangako babantayan ko ito..
REYNA EVELYN: Elen binibigay ko naman sa iyo itong mahiwagang bato ng ........ABANGAN...
TANONG: Sinong diwata ang gustong makumpleto ang mahiwagang bato??
Thanks for voting my story..
At sana lagi nyo lng supportahan ito.
Salamat.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA
FantasyIto pong kuwento ko na ito ay hindi kagaya ng encantadia. marami po akong binago na sana magustuhan ninyo. Ginawa ko po ito para pasayahin ko kayo.. Sa bawat kabanata ay may tanong ako sana masagot ninyo.. Yung sagot ninyo i-comment na lng sa akin s...