Eroplanong Papel III

112 35 3
                                    

Pang anim na araw ko na ngayon sa bakasyun bawat araw na lumilipas binibilang ko dahil excited na kong umuwi at makita siya. Walang lumilipas na oras na hindi ko siya iniisip. Bawat oras hinihiling ko na sana magaling na siya. Na sana sa pag uwi ko nakatayu na siyang tatakbo papalapit sakin para yakapin ako.



Kalagitnaan ng gabi ng may hindi ako inaasahang tawag mula kay Zen. Tinanong ko yung sarili ko. Si Zen ba talaga to ang tumatawag? Dapat nagpapahinga na siya ngayon. Sinagot ko yung tawag at narinig ko na muli ang malambing niyang boses.




[ Hi bakit gising ka pa?] Tanong niya mula sa kabilang linya. Di ko alam kung bakit ako nakangiti. Parang ang saya ko ngayun.




"Hehehe~ ano kasi. Wala lag di ako makatulog." Nagsinungaling ako dahil ang totoo niyan kaya hindi ako makatulog dahil iniisip ko siya.



[Umuwi ka na gusto na kitang makita. Miss na kita Ali.] Bigla akong nalungkot sa sinabi niyang yun. Ayokong isipin na bakit gusto na niya kong makita? Nagpapalam na ba siya? Wag naman po please. "Hehe bukas uuwi na ko para sayo."




[Ali kapag nakauwi ka na. Wag kang aalis sa tabi ko ha. Gusto ko nandun ka lagi. Kahit tulog o gising ako gusto ko hawak mo ang kamay ko. Gusto kong ikaw ang una at huli kong makikita bago ako matutulog. Gusto ko pag gising ko nasa tabi kita-] di ko na mapigilan ang mga luha ko tumulo na naman ng walang pahintulot. Tinatakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko para hindi niya marinig ang pag iyak ko. [ may sikreto sana akong sasabihin sayo. Nung araw na magising ako na nasa tabi kita. Hinalikan kita sa ulo nun. Sorry kung naggawa ko yun.] Gusto kong sabihin na okay lang sakin pero di ko nagawang magsalita dahil sa oras na magsalita ako maririnig niya ang pag iyak ko. [Alam mo Ali gusto kita.] Nabigla ako sa sinabi niyang yun. [ mula nung araw na makilala kita I was always wanting na makita kita. Nagtitiis ako kahit na sa malayu tinitingnan kita. Nagagalit ako sa mga gumagawa sayu ng masama. Gusto kong puntahan ka at protektahan pero nung mga oras na yun wala akong lakas ng loob para lapitan ka para magpakilala sayu. Nagpapasalamat nga ako sa eroplanong papel na yun dahil dun nakilala kita, dahil dun nalaman ko ang pangalan ever since na makita kita sa school nagustuhan na kita. Ewan ko pero lagi kang hinahanap ng mga mata ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ka man lang nakikita. Nalulungkot ako kapag nakikita kong malungkot ka. Ikaw ang nagiisang tao na nagpapasaya sakin. Yung flower na nakita mo sa locker mo? Ako ang may gawa nun. Ako ang naglagay nun. Hehe! Ilang beses ko ng tinangkang sabihin sayu ang totoo. Ang totoong nararamdaman ko pero kinakain ako ng lupa sa hiya. Wala akong lakas ng loob para aminin sayu kung gaanu ka kahalaga sa buhay ko. Pero dahil na dumating na si lakas ng loob sa wakas nasabi ko na rin sayu kung gaano kita kamahal.] Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko natakip parin ako aa bibig ko para di niya marinig ang pag iyak ko. All this time hindi ko pa siya kilala eh may gusto na pala siya sakin. Gusto na pala niya kong lapitan kausapin pero di niya magawa dahil nahihiya siya. Gusto kong sabihin na Zen gusto rin kita. [ Ali- uwi ka na ha? Pasalubong ko loko.] Medyo napangiti ako dun. [ Ali Mahal kita. Mahal na mahal kita. Di ko mapaliwanag kung bakit. Siguro walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga, kung bakit kita mahal. Basta Ali... Mahal na mahal kita.] Nagpaparty na yung puso ko sa mga narinig ko. Namumula ako na umiiyak parin di dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa. [Mukanh tulog ka na. Matulog ka na ha yung mahimbing kasi bukas gusto ko nasa tabi na kita. Gusto ko bukas hawak ko na ang kamay mo. Good night Ali. Iloveyou.] Nag end na yung call. Di ko na nagawag makasagot. Umiiyak ako di ko maipaliwag sa sarili ko kung bakit pero bakit ganun parang yun na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya. Sa tono kung paano siya magsalita parang nagpapaalam siya. Wag please wag po please. Wag nyu syang kukunin sakin. Wag nyung hahayaang mawala siya sakin. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.



Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon