Eroplanong Papel IV

154 33 31
                                    

3:00am ganung araw rin. Nagising ako sa malakas na ring ng phone ko. Si Naitan tumatawag pinindot ko agad yung answer button para sagutin. "Hello Naita--"

[S-si Z-zen w-w-wala n-na.] Ilang segundo akong nakatulala nakatingin sa kawalan. Di ko alam kung lumilipad ba ang isip ko o wala lang talagang tumatakbo sa isip ko ngayon. Si Zen wala na? Naulit ko pa yung sinabi ni Naitan. Naibaba ko yung phone ko mula sa pagkakadikit nun sa tenga ko. Feeling ko babagsak ako, babagsak ang katawan ko. Nakakabagsak ang balikat ko kasabay nun ay ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Mga luhang parang naguunahan sa paglabas. Napasapo ako ng mukha ko gamit ang palad ko. At kahit takpan konna yung mga mata ko tumutulo parin ang luha ko. Pumasok si daddy sa kwarto ko. "Anong nangyari bakit ka umiiyak?"

"Si Zen wala na." Niyakap na lang ako ni daddy. At sa pag sabi ko nun mas lalo akong umiyak. Parang wala ng pag hintong mangyayari sa pag iyak ko feeling ko di na ko nauubusan ng pag iyak. Dito ba riniserba ng mga luha ko ang pangbubully sakin. Kahit anong gawing pananakit nila sakin hindi ako umiiyak. Para ba dito yun. Para sa sa lalakeng kailan ko lang nakilala at naging dahilan kung bakit ako masaya. Ang lalakeng minahal ko ng totoo kahit hindi niya alam.

Yung tawag na yun. Yun na pala yung huling tawag na matatanggap ko sa kanya. Yun na pala yung huling beses na maririnig ko ang malambing niyang tinig. Sabi ko di ba wag muna?

Umaga na kami nakauwi ni papa. Dapat bukas pa kami uuwi pero dahil sa nangyari umuwi na kami. Pumasok ako sa isang kwarto na yun. Wala pang masyadong tao tanging si Naitan at mommy lang niya ang nandun. Dahan dahan akong lumapit sa isang mahabang kahon na yun. Ito ang ayaw kong makita ito yun. Ayaw kong makita siyang nakahiga sa loob ng kahon 'to. "Ang daya mo. Di ka tumupad sa usapan. Bakit ka ba nandyan? Lumabas ka nga dyan. Di ba sabi mo hahawakan ko pa ang kamay mo? Di ba sabi mo gusto mo pa kong makita? Bakit hindi ka tumupad sa usapan?! Zen! Bakit mo ko iniwan!? Paano na tong pasalubong ko sayu!? Sino ng kakain nito? Zen bakit di mo ko hinintay? Bakit di mo hinintay sabihin ko sayo ng personal na mahal na mahal din kita. Zeeeeeen! Mahal na mahal kita! Mahal na mahal na mahal kita." Tulou tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Di ko na napapansin yun. Lahat ng patak ng luha ko dun bumababa sa kabaong niya. "Ang daya mo Zen. Hindi mo pa nga tinatanggap yung jacket." Lumapit sakin si Naitan, bigla niya kong niyakap habang hinihimas himas ang likod ko pinapatahan niya ko. "Zen. Ang daya mo. Bakit di mo ko hinintay?"








Recognition na sa school at kasama ako sa mga honorable. First honor. Umaga nun dumaan muna ako sa puntod ni Zen. Dahan dahan akong lumuhod nilagay ko yung bulaklak na dala dala ko at nagtirik ng kandila. Umupo muna ko dun. Dahil gabi naman ang recognition walang dahilan para umuwi ako agad. Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung librong paborito kong basahin nagulat ako dahil sa unang pagbuklat ko ng libro nakita ko yung Eroplanong Papel na naging dahilan kung bakit kita nakilala. Biglang nagfaflashback ang bawat oras na kasama kita. Nakatingin ka sakin at nakatingin ako sayo. Ang sarap isipin na nakilala kita at naging bahagi ka ng buhay ko. Napansin kong parang may nakasulat dun sa eroplanong papel. Kaya agad kong binuksan yun. Binasa ko gamit ang isipan ko.



-Hi Aliceny Del Fuente! Hi I'm Zen Villamanda and I love you. :)-

Pagkatapos ko basahin yun. Nakita ko na lang na may pumapatak na luha sa papel. Napansin ko na lang umiiyak na pala ako habang nakangiti. Kinuha ko yung ballpen sa bulsa ko. At nagsulat sa papel na yun.

-Hi Zen Villamanda! I'm Aliceny Del Fuente and I love you too. :* -

Napangiti ako sa sinulat ko. Tinupi ko na ulit yun at binalik sa pagiging eroplanong papel.

"Alam mo bang matagal ka na niyang mahal." Napatingin ako sa likuran ko. Nakatingala ako ngayon. Si Naitan pala. Ngumiti lang ako sa kanya. "Matagal ka niyang sinusundan naging stalker mo siya. At simula nung araw na nagkakilala kayu kinausap niya ang mga kaklase mo na wag ka ng saktan." Nakatingin siya sa mga ulap habang nakapamulsa. Ako naman napatingin sa lapida niya. Binasa ko ng mahina ang pangalan niya.

"Zen Villamanda.. I love you too."

Hindi natin kilala, hindi natin alam kong sino ang tamang taong nakalaan para satin at makakasama natin habang buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi natin kilala, hindi natin alam kong sino ang tamang taong nakalaan para satin at makakasama natin habang buhay. Bigla na lang yan dadating sa buhay natin at maghi-hi. Pahalagahan natin ang bawat tao na dumadating aa buhay natin. Hindi natin alam kung kailan sila mawawala. Lahat tayu papanaw. Hindi nga lang natin alam kung kailan. Ikaw may nararamdaman ka ba sa isang tao? Wag mong hayaang dumating na mawawala siya sayu. Ngayon pa lang siguro dapat mo ng sabihin sa kanya. Kung hindi niya tanggapin? Okay lang atleast sinabi mo di ba? Si Zen at si Aliceny ay laging pinagtatagpo ng tadhana. Pero tadhana rin ang pumipigil na magkakilala sila. Pauwi na si Aliceny nun naghihintay ng jeep na darating hanggang sa tumabi sa pagkakatayu niya si Zen. Doon niya unang nakita si Aliceny pero hindi niya pinansin yun. Nalaglag ang notebook na hawak hawak ni Zen. Pinulot niya yun. Pag angat niya wala na sa tabi niya si Aliceny. Nakita na niyang nakasakay na pala ng jeep.




Lahat ng tao ay may halaga sa buhay ng isa pang tao. Nagmamahal tayu, nasasaktan, at iniiwan. Pero habang buhay ka pa ang oras ay mahalaga.

Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon