Sandra's POV
Tahimik lang kami sa kotse wala kahit isa sa amin ang nagsalita. Pick Up Truck yung ginamit ni Tito Jay para sa byahe namin ngayon kaya nasa Cargo bed ako pati sila Mama at Papa nakaupo. Prefer kasi naman yung mahangin eh hehehe. Si Tito Jay ang nagmamaneho sa harap at katabi naman niya yung asawa niya na si Tita Charm. ilang minuto yung lumipas ng nagsalita si papa
" Anak? Galit ka parin ba kay papa?"
Actually I'm not mad medyo nainis lang siguro, hindi niya kasi tinupad kahapon ang pangako niyang sasamahan niya akong pupunta sa park. Alam kong OA pero wrong timing talaga si papa eh! May event kasi dun sa park at nandun ang mga paborito kong anime characters. Kahit birthday present lang nila yun sakin masaya na ako. Advance Lang? Actually, bukas pa talaga yung birthday ko hihihi
"Hindi mo kasi tinupad ang pangako mo papa"
" Sorry anak hindi ko natupad ang pangako ko may importanteng client kasi ako nung araw na iyon eh, pero huwag kang magalala anak may supresa naman kami ng mama mo" Supresa? ano naman kaya yun?
"Ano ba yun papa?" tanong ko sa kanya
" It's not considered a suprise if sasabihin namin sayu diba?" Ehhhh andaya.
" Hulaan mo" Nakangiting sabi ni mama sakin.
"Mama naman di naman po ako manghuhula eh" I pouted
"Ikaw talaga anak" They laughed. Tumango si papa kay mama parang sign na isabi nalang sa akin. Ano kaya yun?
Lumingon si mama sakin tas binigyan nya ako ng isang nakakangilabot na ngiti. Jeezzz "Isang Barbie Doll"
ano daw?"What?" gulat na tanong ko tanong kay mama
"Isang Barbie Doll" nakangiting ulit na sabi ni mama sakin
"Mama naman eh..alam nyo namang ayaw ko nun" ano ba yan, sa lahat ng pwedeng ibigay nila sakin barbie doll pa? eh ayaw ko nun, natatakot ako sa mga mukha nila. Isang supresa talaga
"Biro lang anak don't take it seriously" Sabi ni papa sabay tawa
AISHHH NAKAKAINIS!
"Papa naman eh!" Kainis period ko pa naman ngayon aahhhhhh
" Alam m---" Di ko pa natapos yung sasabihin ko ay pinutol na ni papa yon"Cherry Blossoms" Ano daw? Cherry Blossoms?
"Eh ano namang meron sa Cher-- Wait, you mean pupunta tayo sa...?Seryoso?
" Oo, pupunta tayo dun. Yung lugar na punong-puno ng Cherry Blossoms anak." Masayang sabi ni papa "Yung paborito mong lugar na matagal mo nang gustong puntahan" Seryuso sila?
Di ko kasi inakala na maalala pa yun nila papa. Pangarap ko kasing makapunta sa lugar na iyon dahil sa mga anime na napapanood ko. Ang ganda tingnan ng nga puno na iyon. Kapag malungkot ka pupuntahan mo ang lugar na iyon at makita mo lang ang mga punong iyon ay mawawala lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo. Na kwento rin papa sakin na dun daw niya mismo sa tapat ng cherry blossoms nakilala si mama.
BINABASA MO ANG
A promise made under a Starry sky
Teen FictionIf you can't remember something will you try to remember what it is? Aalahanin nga ba ni Sandra kung sino siya at kung ano ang nangyari sa kanya noon? Kung aalahanin nga niya may maalala ba siya? Maalala niya ba SYA? Pero paano kung maalala nga niya...