Aking Guro Ako ay nasasaktan sa tuwing na aalala ko ang mga masakit na mga salitang ibinigkas mismo ng iyong mga labi ilang taon na ang nakaraan. Ako'y iyong ikinumpara sa ibang studyante at iyong mga mag-aaral na mas nakaka higit sakin. Labis akong nanlumo sa aking mga narinig na mismo sa iyo pa nang galing. Halos di ako makapaniwala ikaw din pala ay ganyan. Isa ka sa mga taong aking kinasusuklaman. Parang may igunuhit na linya ang iyung mga kataga na mistulang isang matalim na kutsilyo sa aking puso at diko tanya kung gano ito ka lalim. Isinupal-pal mo mismo sa akin na parang wala nga talaga aking halaga at kayang gawin, na di ako sapat para sayo, para sa mga tao, pra sa sarili ko mismo. Ansakit isipin dahil ang totoo nya'y umasa ako, umasa ako na dika katulad ng ibang tao. Umasa ako na matutulungan mo ako mismo na walang panghuhusga sa iyong isipan at sa iyong mga mata. Akala ko ay may kakampi na'ko. May matatakbuhan ako sa tuwing pakiramdam ko'y inaapi ako ng mundo. May balikat na masasandalan at ma iiyakan, may taong mapag susumbungan. Sabi ng karamihan ikaw daw ay parang pangalawang ina namin, isa ka daw sa mga gumagabay sa tuwing kami'y nalilihis ng daang piniling tahakin. Siguro Oo tama sila. Parang pangalawa ka nga naming ina. Dahil katulad ka mismo ng aking Mama. Ikunokumpara ako sa iba.
Di na niniwala sa mga bagay na kaya kong gawim. Ikaw ay guro, yan ang iyong piniling propisyon. Ano nga ba ang isang guro??? Ano nga ba ang isang mabuting guro??? Taga turo sa mga kabataang tulad ko. Sa mga kabataang lito pa sa mundo at bulag pa sa katotohanan. Isa sa mga gabay at taga payo. Inaasahan ko at ng kapwa ko mag-aaral na jan mang galing sayo ang mga salitang nagbibigay liwanag saamin mga musmos na kaisipan. Mga salitang magbibigay inspirasyon sa bawat isa samin para lumaban at piliin ang daan ng tagumpay. Mga inspiradong mga salita at malalambot na dila na dahan-dahan at Ingat sa bawat pagbigkas para di masasaktan sa mga sensitibo naming mga puso't damdamin. Pero bakit ganon?? Iba ka?? Iba ka sa aking inaasahan....Gusto ko lang naman na may mapag lalabasan at mapag susumbungan, at akala ko ikaw yon. Akala ko lang pala. Dahil isa ka din pala sakanila, isa ka sa mga taong mapang husga.
BINABASA MO ANG
Mapang-Husga Na Guro
Short StoryDahil isa ka din pala sakanila, isa ka sa mga taong mapang husga.