Prologue
May mga bagay na kahit gusto mong panghawakan, hindi mo magawa.
May mga pagkakataong kahit gusto mong ipaglaban, hindi pwede… masasaktan ka lang.
Mahihirapan…
Masasakal…
Ikaw lahat ang makakaramdam ng sakit.
Ikaw lang ang kailangang umintindi.
Ikaw ang kailangang magpaubaya.
Para sa iba.
Para sa taong alam mong karapat-dapat sa lahat ng sakripisyo mo. Sa pagmamahal mo.
Pero sa huli, maiisip mo na lang nagkamali ka pala.
Lahat ng sakit naipon sa puso mo.
At wala kang ibang pwedeng magawa kung hindi ang sumuko.
Tanggapin ang katotohanang hindi na siya sa’yo.
Hindi na siya ang pagmamay-ari mo.
Hindi na pwedeng ibalik ang dati.
Hindi mo na siya pwede pang BAWIIN.
Pero wala na ba talaga?
Paano kung may pag-asa pa?
Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba?
Para sa pagkakataong ito.
Ikaw naman ang makaramdam ng tunay na kaligayahan.
Kaligayahang alam mong sa kanya mo lang matatagpuan.
Love hurts. Everyone knows that. But at the end of the day, you’ll see… that all the hurtings and sufferings are worth it. HE’S WORTH IT.
-
[A/N:] Pagpasensyahan na po yung prologue. Pagtyagaan na lang! Salamat kung may nagbabasa man nito. :">
~
Marielovesyou, XO.