Share ko lang tong nabasa ko. Wag ka sanang tamarin mag basa. Napaka ganda nito.
Ready mo na panyo.
''Best Friends'' - TOUCHiNG STORY
----
Siya si Sheila isang masayahing babae. Babaeng mahilig sa horror movies.
Isang araw naiwan siyang mag isa sa bahay nila. May business meeting kasi ang magulang niya.
Shiela: heto na naman tayo! Boring na boring na naman. Buti nalang may nahiram ako kay bessy na horror movies makakapanood ako. Walang pasok bukas.
Naisip niya sobrang boring lalo kapag wala siyang kasama manood. Naisipan niyang tawagan ang kanyang bestfriend. Si Tammy.
Shiela: nako Tammy sumagot ka sumagot ka. Wala akong kasama dito.
Tammy: hello..
Shiela: hoy, bruha ka tagal tagal mong sagutin ang telepono.
Tammy: pasensya na bessy may ginagawa kasi ako.
Shiela: hmmmpp... Lagi ka nalang may ginagawa diyan. Pwede ka bang pumunta dito mamaya? Samahan mo ako nood tayo ng horror movies.
Tammy: bakit wala na naman ba parents mo diyan?
Shiela: alam mo na lagi silang busy. Ano pupunta ka ba maghahanda ako ng kakainin natin at mga snacks.
Tammy: sige punta ako diyan mamayang 6pm.
Shiela: sige promise yan ah! Magluluto na ako ngayon, ilang oras nalang at mamimili ako ng snacks diyan sa 711.
Tammy: sige mag-iingat ka paglabas mo.
Shiela: ok ikaw din ingat mamaya.
Si Tammy ang matalik na kaibigan ni Shiela. Mas matapang at pasaway kay Shiela. Boyish kumilos. Kabaligtaran ni Shiela girly na girly kumilos.
Matapos ang kanilang usapan. Dali-daling pumunta si Shiela sa 711. Namili siya ng mga chicharia, tsokolate at anim na latang beer.
Shiela: mahilig dito si bessy tamang tama wala sila mommy. Pwede kami mag-inom.
Pagkatapos mamili at makapagbayad ay umuwi na si Shiela.
Shiela: hmmm... Ano kaya lulutuin ko for dinner?
Text ko nga si Tammy.
To: Bez Tammy Bez ano ba gusto mo ulam para mamaya?
From: Bez Shiela
Nagreply agad si Tammy sa kanya:
To: Bez Shiela Bez adobong baboy nalang, damihan mo yung sili ah, huwag masyadong masabaw.
From: Bez Tammy
Shiela: aba demanding ang bestfriend ko ah! Makapagluto na nga.
Adobong baboy ang paboritong ulam ng matalik na magkaibigan. At gustong gusto ni Tammy ang luto ni Shiela.
Pagkatapos magluto ni Shiela ay nagring ang kanilang telepeno. Dali-dali niya itong sinagot.
Shiela: hello??
Walang sumasagot sa kabilang linya.
Shiela: siraulo to ah!! Sabay baba sa telepono.
Shiela: lakas ng trip non ah!!
Mag aala-sais na. Naghihintay na si Shiela kay Tammy.
Nang biglang may nag doorbell.
Tiningnan ni Shiela kung sino yon. Si Tammy.