CHAPTER 4
IRITADO si Wesley nang dumating sa Paradise View. Hindi niya nagustuhan ang pag-uusap nila ni Lora. Maraming beses nang gusto niyang sumuko sa pagpaparamdam niya sa dalaga. Pero hindi niya tuluyang magawang sukuan nalang ito. Hindi kaya ng puso niya, baka nga mabaliw siya kapag nagkataon.
Kung minsan ay naiisip niyang mali ang strategy niya. Naghahayin siya ng maraming babae sa harapan ni Lora para naman ma-realize nito kung ano ang tinatanggihan nito. Na siya, si Wesley Araneta, magandang lalaki, habulin ng mga babae ay basta lang nito tinatanggihan? May mga pagkakataon kasi na tila may nahihimigan siyang selos sa dalaga kapag magtatanong ito kung sino na naman ang bagong babae na ipinaparada niya sa harapan nito. Tinotodo niya ang pagpapaselos at nakikipaglapit ng husto sa kahit na sinong babaeng bumabalandra sa kanyang harapan. Babaeng sa palagay niya ay papasang pagseselosan ni Lora. Pero sa huli, siya din lang ang nalulubog dahil sa sobrang pagpapa-sweet niya sa mga iyon ay tinototoo ng mga ito maski may inihahain siyang limitasyon na walang romantic commitment. Lahat ay for fun lamang.
Kapag alam niyang matatali na siya sa isang babae o inaangkin na siya ng isang babae ay wala na siyang ibang choice kundi ang humingi ng tulong kay Lora para magpasagip. Na sa isang banda ay magandang bagay rin naman dahil kahit sandali, kahit saglit lang, kahit pakunwari lang para rito, nagagawa niyang isigaw sa buong mundo na sa kanya si Lora. Kahit doon lang sa puntong iyon ng buhay niya ay nagiging masaya na siya. Kahit sandali lang, maligaya na siya.
At kinabukasan, balik na naman siya sa dating gawi. Hahanap na naman siya ng babaeng makakapantay kay Lora. O kung maaari ay hihigit rito dahil nahihirapan na rin siyang pakitunguhan ang damdamin niya para rito na parati naman nitong binabalewala. Gusto na niyang mag-move on dahil parati naman nitong binabasag ang puso niya.
Kaya lang, paano siya magmo-move on kung buong buhay niya, parati niyang kasama si Lora? At ang isipin palang na lalayo siya rito at mabubuhay na wala ito ay hindi niya kaya. Kaya bilang amyenda sa damdaming parating nasasaktan, umaasa siya na baka isang araw, makahanap siya ng tulad ni Lora sa mga babaeng nakakasalamuha niya. O baka magbago ang ihip ng hangin at mahulog rin ang damdamin sa kanya ni Lora sa pamamagitan ng silent proclamation niya rito na parati nitong binabalewala. Parati nitong iniisip na biro dahil idinadaan naman nga niya sa biro.
Bakit hindi? Kinakabahan siya at iyon ang paraan upang itago iyon.Mabibigyan niya ng kahihiyan ang kanyang sarili.Matagal niyang pinaghandaan ang pagco-confess, hinintay ang tamang panahon, pagkatapos ay tatawanan lang siya nito at pararatangang nanloloko? Samantalang buong damdamin niya ang inihayag dito.
"O? Wesley, akala ko ba mamaya ka pang after lunch makakarating?" Nagtatakang bungad ni Tyron─ang pasimuno sa pagtatayo ng Paradise View─pagkapasok niya sa opisina ng flower plantation.
Padaskol na naupo siya sa isang swivel chair. "I change my mind, dude!"
"Problem, bru?"
"Nah!" Iritadong napaungol siya. "Wala dude. I'm just having a bad day today."
"Let me guess. Nag-break kayo ng current girlfriend mo?"
Umiling siya. "Alam mong wala akong serious girlfriend at the moment." Paalala niya rito. "Yung dalawang nagbabalak na akong itali sa katawan nila ay nadispatsa ko na."
"Hmm, siguro nabasted ka ng babaeng napili mong seryosohin?"
"Palagi naman niya akong binabasted."
"Baka hindi ka niya talaga gusto, tigilan mo nalang siya. Ano nga ulit pangalan nung tinutukoy mo?"
He sighed. "Ilang beses ko nang sinabi sayo na Lora ang pangalan niya di ba?"
"Sorry naman bru! Alam mo namang pangalan lang ni Gaizchel ang nagmamarka sa utak ko."
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...