Wesley Part5

2.6K 59 0
                                    

CHAPTER 5

"SAAN KA PA pupunta?" Nagtatakang tanong ni Lora kay Wesley habang binabaybay na nila ang daan patungong mall.

"Obviously, I'm going out with you two." tugon nito at bumaling sa kandong na si Venice. "Sasakay tayo sa maraming rides, right Venice?"

"Yeah right!" pakwelang tugon naman ng bata.

"Paano ang girlfriend mong nasa plantation?" naiinis pa ring tanong niya.

Natatanga na yata siyang talaga. Bakit nga ba kasi pumunta-punta pa siya sa plantation? At bakit ba siya nayayamot kung meron man ngang panibagong babae si Wesley? Dapat ay sanay na siya.

Hay! Kailan ba siya masasanay?

"Wala akong girlfriend na dinala sa plantation, okay?" Malamig ang tinig nito sa kanya.

Sa narinig ay lumuwag ang kanyang paghinga. Bakit nga ba nagsisikip ang kanyang paghinga?

'Mahal na ba kita, Wesley?Bakit parang nasasaktan ako sa kalamigan ng boses mo?'

She sighed and crossed her arms around her chest. Then started to lay her back on the back rest. Wala na siyang maisip gawin kundi ang manahimik at konsolahin ang sarili. Hindi maawat-awat ang pagririgodon ng puso niya habang magkadikit ang mga braso nila ni Wesley. Paanong nangyaring ganoon ang damdamin niya? Samantalang madaming beses na silang nagkakatabi sa iisang upuan. Kung minsan nga ay basta nalang itong umaakbay sa kanya.

'Ano bang ginagawa mo sa akin, Wesley? Nahihirapan na akong pakitunguhan ang damdamin kong ito para sayo. Hindi tayo talo, hindi tayo bagay, hindi... hindi... hindi...'

'Oo, hindi nga kayo bagay, dahil tao kayo. Taong magkaiba ang pananaw sa buhay at sa pakikipagrelasyon. Masasaktan ka lang kapag siya ang minahal mo. Hindi siya pang-long time at ideal relationship. Isaksak mo iyan sa kakarampot mong utak, Lora Quijano!'

"Aaahhh!!!"

Napahiyaw siyang bigla at sinapo ng dalawang kamay ang ulo. Parang napupuno na naman ang utak niya ng maraming bagay at isipin.

"Lora! Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tinig ni Wesley ang nagpahinto sa pagmumuni-muni niya. Noon lang din niya na-realize ang kanyang ginawa na maski ang taxi driver at si Venice ay nag-alala sa pagsigaw niya.

"Wala. Inatake lang ako ng migraine ko." pagdadahilan niya.

'Nakakahiya!'

"May dala ka bang pain killer? Kung wala, dumaan muna tayo sa pinakamalapit na drugstore."

"Huwag na, okay na ako. Nawala na ang sakit."

Tinakpan niya ng isang palad ang mga mata kasabay ng paghimil sa mga sintido ng hinlalaki at hintuturo. Hindi niya magawang sulyapan ang katabi.

"Agad-agad?" Nagdududang tanong ni Wesley. "Sigurado ka ba?"

"Oo nga! Ganito lang talaga ako."'Biglang nawawala sa sarili kapag katabi ka!'

"All right! Bawas-bawasan mo na ang pagtatrabaho mo ng hanggang madaling-araw. It's not good for your health. Sasamahan kitang magpa-check up bukas. Just to make sure you're okay."

'I don't need a medical doctor. All I need is a love doctor. Ang puso ko kasi ang may problema at hindi ang kalusugan ko.'

'All right! Baka kailangan ko na din ng psychiatrist dahil hindi na yata gumagana ng maayos ang utak ko.'

"Hindi ka na nagsalita diyan? Okay ka lang ba talaga?"

Napaigtad siya ng kabigin siya ni Wesley palapit rito. Bigla yatang naging extra sensitive ang mga senses niya. Sumobra ang pagpa-function ng sense of smell niya dahil napuno ang baga niya ng napakabangong amoy panlalaki nito. Kahit pa nga pinagpawisan na ito ay nananatiling napakabango ni Wesley.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon