Chapter 3

20 1 0
                                    

    Nakarating ako ng coffeeshop na pinagusapan namin ni Mr. Sungit ng mga around 10 minutes ng napagusapan namin na oras. Ako kasi yung taong ayaw na malate, kasi nakakahiya naman kapag malate ka dba?

    Nakadungaw lang ako sa may labas ng coffeeshop habang iniisip kung paano namin mapapaganda ang event for this year, gusto ko kasi laging perfect at organized lahat ng mga gagawin ko, kasi gusto kong maging proud sa akin ang parents ko lagi at gusto kong mapasaya ko sila dahil sa simpleng bagay ay mapansin naman nila ako. Ay! ang drama ko noh?

     "Mukhang malalim ang iniisip natin jan ah" nabigla ako ng may nagsalita na isang lalake sa gilid ko, nakita ko kung sino yun at si Mr. Sungit lang naman pala yun.

     "Oh, hi andito ka na pala" sabi ko habang inaayos ang aking pagkakaupo

     "Yeap! Actually kanina pa ako dito, pinagmamasdan lang kita, cutemodinpala" pagkasabi nya sa akin, pero di ko naintindihan masyado ang huling mga sinabi nya.

     "Ano ulit yon?" tanong ko,
"Ay wala sabi ko magsimula na tayo" pagsagot nya.

     Diniscuss namin kung ano anong gagawin namin para sa booth at ball. Madami kami naisip na gawin na mga pakulo at kung paano namin gagawin ang booth, may initial na din kameng plan para sa ball na pagmemeetingan pa namin kasama ng iba pang mga committee. Matalino pala talaga itong si Andrew ang gaganda ng ideas nya at alam nyo yung may sense lahat ng sinsabi nya, at hindi ko namalayang nakatitig nalang ako sakanya. May itsura naman kasi eh, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata nya, simple lang sya pero maapeal ang dating. Parang….. parang…. Parang gusto ko na sya, I mean madali akong ma-attract sa taong kagaya ni Mr. Sungit, yung responsible type

     Natauhan naman ako ng bigla syang magsalita. "Alam mo Vice pag nakakayaman lang ang titig eh siguro milyonaryo na ako ngayon" Napapangiti sya habang nag sasalita

     Ano daw? May endearment sya sakin? Pero sabagay vice naman nya talaga ako, hindi ko nalang inintindi at nagsalita ako “Ay oo pala, pa--pasensya kana, madami lang akong iniisip" pagsisinungaling ko

     "Madami na ba talaga ako jan sa isipan mo? kasi sa porma mo mukhang ako lang nasa isip mo" sabi nya

     "Iba ka din noh, hindi ka lang masungit may pagkafeelingero ka din pala” pang aasar na sabi ko sakanya. Napangiti nalang sya sa akin. Pero hindi naman din sya gaanong masungit sa akin eh, hindi ko nga ineexpect na magkakaroon kame ng ganitong conversation na masaya lang nagbibiruan.

Ngunit hindi ko mapigilang hindi macurious kung bakit ang sungit sungit nya sa clase may pa mysterious at silent type effect pa sya kaya agad ko syang tinanong, “Nga pala Drew bakit hindi ka ganito sa ibang classmate natin, I mean bakit ka nagsusungit o nagsusuplado sa kanila”

Napadungaw sya sa labas ng café at sumeryoso ulit sabay sabing “It’s just ayokong mapalapit sa mga tao, baka hindi ko kayanin”

Hindi kayanin? Hindi kita maintindihan” curious ko na tanong.

Chismosa ka din noh!” pag iiba nya sa usapan namin.

“Ay grabe sya!” pagsagot ko at napa pout. Hindi na ako nagusisa pa! eh pano ba naman kasi sabihan ka naman na chismosa! Hahah. Kasi naman din Alex, feeling close kana agad.

“Vice, please don’t pout” sambit nya

“At bakit di ako pwedeng mag pout?” tumayo ako ng bahagya at inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sakanya habang nakapout parin pang asar lang.

Nagulat sya sa ginawa ko at napanganga nalang na hindi nakapagsalita. Ngumiti ako nalang ako kasi parang ilang na ilang talga sya sa ginawa ko, dahil lahat siguro ng dugo sa katawan ay naipon sa mukha nya dahil halatang namula sya.

“HEHE. Cute!” sabi ko at napaayos na din ng upo.

“So, that’s all for today, text nalang ako for update Ms. Alex, I have to go” sabi nya sakin bago mabilis na umalis.

Sintu-sinto talaga yong taong yon, iwan ba naman ako magisa. Haay! Itetext ko nalang mga kaibigan ko, ayaw ko pa kasing umuwi

To: bes Chae; bes Phoeb
Mga bes, saan na kayo? Done na meeting namin

-sent

Napapangiti ako dito sa café, habang naiisip ko kung ano mga nangyari kanina sa meeting namin. Sana ganito nalang kame parati ni Mr. Sungit. Yung hindi sya magsusungit, I think I like him. Bumalik ako sa katinuan ko ng mapansin kong may mga text pala ako

2 messages received

From: bes Chae
Dito kame mall, go here kain tyo :D gutom ako eh.
Reply

To: bes Chae
Ok, going. Baboy ka talaga lagi ka nalang kumakain :-P

-sent

Chineck ko din kung sino pa ang nag text sakin

From: +639065588441
Hi! Thanks for coming today sa meeting! I had a great time, pasensya na kinailangan kong mauna. Ingat ka My Vice ( - Andrew

Kinilig ako sa text nya, hindi na ako nagreply dahil parang tumalon pa ata itong puso ko. Sumakay na ako ng cab papuntang mall kung saan andon sina Chae at Phoeb. Pero napalitan ng inis at badshot ako sa pangalawang text nya sakin

From: +639065588441
Sorry, misspelled. It’s Ms. Vice. Take Care

Wow! Misspelled ha! Ok na sana eh, paasa ka din pala!

___
A/N

Waaah! sana nagugustuhan nyo ung takbo ng story paki share naman sa iba oh. hahaha. tsaka vote.nyo na din. Maraming Salamat. 😁😁😁

Finding YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon