Pakyuzoned (ONESHOT)

21.1K 562 275
                                    

Copyright © 2013 Yeppeun

 

Pakyuzoned | One Shot Story

NOTE: Hindi ito sequel ng Hahazoned. Hihi. Dedicate kay Claire! This is for you! :D

Salamat pala kay @zeffayrei siya gumawa ng cover tska 'yung picture sa multimedia! :) <3

 FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

***

 

Dati friendzoned lang ang uso, 'yung tipong halos lahat ng istorya umiikot sa mag kakaibigan. Pero sa panahon ngayon iba na yata.

"Claire!" tawag ko sa pangalan mo pero tinarayan mo lang ako, 'yung tipong umikot pa ang mata mo at daig mo pa yata ang na exorcist sa ginawa mo. Galing mo! Artista ka na!

"Claire! May itatanong ako sayo!" seryoso kong sigaw sayo pero tulad ng kanina tinarayan mo na naman ulit ako, pero level-up na ngayon kasi tinaas mo na ang kanang kilay mo.

Bahagya akong lumapit sayo habang nakikipag-chismisan ka sa mga kaibigan mo. "Claire!!" tatlong dangkal na lang yata ang layo natin ngayon. Napansin kong huminto ka sa pag-sasalita at simpleng tumingin sa'kin ang dalawa mong kaibigan habang natatawa. Bigla kang tumayo sa kinauupuan mo at tumingin sa'kin.

Tatlong segundo kitang tinitigan ng seryoso at napansin kong ang dami mo naman yatang pimples ngayon? Bahagya kong inilapit ang ulo ko sa mukha mo at sinimulang bilangin ang mga pimples mo. "Isa." sabay turo sa ibabaw ng ilong mo. "Dalawa." sabay turo ulit sa noo mo. "Tatlo." napapailing ako sa pangatlong tigyawat mo, sobrang pula ang sarap putukin! "Apa--- Aray! Aray! Teka!!" bigla mo na lang ako pinaghahampas ng mga librong hawak mo! Puta naman oh!

"Ano bang problema mong hayop ka!?" taas-kilay mong sigaw sa'kin.

"May itatanong lang naman ako!" balik kong sigaw sayo habang panay himas sa braso ko.

Bigla ka na naman na exorcist habang naka-taas pa rin ang kilay mo. "Pwede mo naman itanong sa'kin hindi mo na kailangan bilangin pa ang mga tigyawat sa mukha ko! Pakyu ka!!" halos nag-uusok na ang ilong mo sa galit! Haha. Mukha kang tigreng nabinat. Ayan na naman ang pakyu mo, bakit ba ang hilig mong bigkasin ang salitang pakyu? Iba kasi ang pagkaka-bigkas mo. Hindi letter F ang sinasabi mo kundi 'yung hard na hard na letter P mo.

"Itatanong ko lang naman kung bakit simula noong nagka-problema ako doon na uso ang pogi problems?" naka-ngisi kong tanong sayo habang umiiling ako, narinig ko namang tumawa ang mga kaibigan mo habang naka-tingin sa'ting dalawa.

Bigla ka na lang tumingin sa kanila at sa iba pa nating classmate na unti-unti tayong inaasar. Nang tumingin ka ulit sa'kin dahan-dahan kang ngumiti sa harap ko. Aw shit! May tinga ka Claire, sayang naman ang pag killer smile mo. "Pogi problem ba kamo? Pakyu! Kapal ng mukha mong hayop ka!!" bigla mo na naman akong pinagha-hampas ng mga librong hawak mo. Shit, iba talaga pag gwapo. Kunwari ka pa Claire, alam ko naman na kinikilig ka sa'kin.

***

 

Kinabukasan, center of attraction ako pag pasok sa classroom natin, sabagay iba na talaga pag pogi.

Pakyuzoned (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon