Sa panahon ngayon, konti na lang ang mga bansang may prinsipe at prinsesa. Kaya mag imagine na lang tayong lahat na mayroong nage-exist na prinsesa at prinsipe sa bansa natin, ang Pilipinas, sa modernong panahon natin ngayon.
Every girl dreams to be a princess.
Sabi nila maganda daw maging prinsesa. Malaya kang ipagawa ang lahat ng gusto mo sa mga maids. May masasarap na pagkaing nakalatag sa mesa araw araw. Maraming pera sa bank accounts. Nakakaupo sa malalambot at magagandang upuan. Nakakatulog ng masarap sa kamang malaki at solong solo mo. Nakatira sa malaki at magandang palasyo. Paglalabas ka feeling mo artista ka kasi pinagkakaguluhan ka ng press. Lahat naiinggit sayo. Lahat gustong maging ikaw. At may bonus ka pang prince charming na mabait. Sinasalo ka palagi kapag nahulog ka. Tinutulungan sa lahat ng gusto mong gawin. At higit sa lahat pro-protektahan ka niya at ililigtas sa mga nangaapi sayo.
"Totoo kaya lahat ng sinasabi nilang may prinsipeng dadating sa buhay ko?" Bumuntong hininga na lang ako sa kakaisip ng mga sinasabi ng mga magulang sa anak nilang babae.
Ako nga pala si Sofia Catherine II. Isang prinsesa sa bansang kinalakihan ko. Nandito ako ngayon sa attic ng kwarto ko sa palasyo. Secret lang natin yun ha. Ako at kayo lang ang may alam nito. Kaya shhh lang tayo ha kundi ipapadakip ko kayo sa Royal Guards ko.
Nakatingin lang ako sa ibon na palingon lingon sa kanyang paligid. Siguro naghahanap siya nang makakain. Tinitigan ko lang ito hanggang sa ito'y lumipad. Gusto ko ding maging isang ibon. Malaya silang nakakalipad sa kahit anong lugar na gusto nila. Kahit pa isang tuktok yan ng puno o kasing baba ng lupang inaapakan natin ay kaya nilang e travel. Hindi tulad ko na kinukulong sa malaking palasyo at pinipilit pumuslit sa mga nakabantay sa akin. Gusto kong magexplore sa mundo. Sa lupang kinagisnan ko at ang mahalin ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Yun lang ang hiling ko.
"Kung nasan ka man, sana magpakita ka na sa akin. Gusto ko nang maging malaya at maramdaman ang pagmamahal na inaasam ko." Ang huling katagang nasabi ko bago ako tumayo at bumaba sa attic.
----
Okay lang ba guys? Hehe walang magawa sa life kaya naisipang gawin to. Salamat brandie_page sa pagsuggest ng title. At sa lahat ng RT members, sobrang love ko kayo :) Comment and Vote na din kayo!!
Punong puno ng stars na nagsusulat,
ItsjustmeHeMa☆
BINABASA MO ANG
A Princess Getaway
RomanceEvery girl dreamt to be a princess. Yan naman talaga sabi nila. They deamt of becoming one pero hindi nila alam ang lonliness na mararanasan. Siguro magbaback out ang lahat. Kaya sa storyang ito, ipapakita ko sa inyo ang buhay prinsesa.