Seventh Day

400 21 8
                                    

               Kumanta pa ko nung naglakad ako papunta sa classroom. Kakatapos lang ng sembreak namin. Ang saya ko dahil darating daw ngayong week si Tita Yana, kaibigan ni Mama.

               Bukod sa inaabangan kong chocolates, excited din akong makita si Nikki, anak ni Tita Yana. Best friend ko siya. Virtual best friend. Never ko pa siyang nakita or nakausap nang personal, pero naging close kami kahit na sa Facebook at Skype lang kaming naguusap. Ako 'yung unang nag-add sa kanya sa Facebook nun. Natakot pa nga ako, akala ko kasi hindi siya marunong mag-tagalog. 'Yun pala, matagal din pala siyang nag-stay dito sa Philippines.

               Mga 30 mins akong na-late nun. May banggaan kasi malapit sa'min. Napansin kong wala pa si Aaron, seatmate ko. Palagi kasing on-time 'yun dumating, minsan nga mas maaga pa. Nagkibit-balikat na lang ako. Tinamad lang siguro pumasok ng first subject. Lumipas ang second period, third period, hanggang makakain na kami ng Lunch; pero wala pa rin akong Aaron na nakita. 

               Kinalabit ko si Coleen na nasa harapan ko. Nilingon niya naman ako. "Bakit absent si Aaron?" pabulong kong tanong. 

               "Umalis. Pumunta sa ibang ibansa." 

               "H-ha?" Tama ba 'yung narinig ko?

               Sasagot na sana siya, kaya lang biglang pumunta sa side namin si Ma'am Bolado. Akala ko nahuli kaming nagdadaldalan. Natutulog lang pala 'yung nasa likod ko. Mamaya ko na nga lang tatanungin si Coleen.

            Nang matapos ang Ekonomiks subject namin, agad kong nilapitan si Coleen. "Tama ba 'yung narinig ko," sabi ko sa kanya, tinutulungan siya sa pagligpit ng gamit niya, "nasa ibang bansa si Aaron?"

               Tumango siya. "Nung bakasyon lang."

               "Kailan daw ang balik niya?"

               "Hindi ko rin alam eh," tugon niya.

               "Sige, salamat."

               Nakakainis naman si Aaron! Hindi man lang nag-inform. Ako 'tong seatmate niya tapos hindi man lang nakuhang  magkwento sa'kin kahit nung bago magbakasyon! May karapatan din naman akong malaman 'yun no. Ay mayroon nga ba? Oo naman! Ilang beses ko na siyang naging seatmate at kaibigan ko rin naman siya kahit papa'no.

               Hanggang sa mag-uwian, wala pa ring Aaron na nagpakita. At hanggang makauwi ako, badtrip ako. Kumain muna ko at naidlip. Nagising ako nung eight o'clock. Binuksan ko 'yung laptop ko. Naka-offline si Aaron. Pero kahit na mag-online un, hindi ko din 'yun kakausapin... baka isipin niya nami-miss ko siya, which was quite true, kaso diba dapat siya ang mag-initiate! Nakita kong online si Nikki... siya na lang ang kakausapin ko.

               Nag-chat ako sa kanya ng 'bes!'.

               Ilang segundo lang nag-reply din siya, "Oh, anung problema?"

               Alam niya talaga kung kailan ako may problema! "Eh kasi may kaibigan akong problemado. Yung seatmate niya kasi... at kaibigan ay nagpunta sa ibang bansa. Hindi man lang daw siyang sinabihan na aalis ito." 

               "Anong problema dun? Baka nago-overact lang 'yang kaibigan mo. Malay mo nagbakasyon lang," reply niya.

               Nagpasalamat na lang ako sa kanya at sinabi ko na lang na sasabihin ko ang sinabi niya sa 'kaibigan' ko. Baka nga OA lang ako.

Seventh DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon