A/N
Di ko akalain talaga na nasa fourth chapter nako!
Dedicated itong chapter na ito para kay notsolittlemissG AGAIN. HAHAHApero thank you kasi sya tutor ko.
oh ito na ang chapter 4 nyo. mga nangunuglit sakin. hahaha
----------------------
Nakarating na ako sa mall papunta sa food court dahil nandoon daw sila Chae at Phoeb. Habang naglalakad ako, naiisip ko pa din yung paasang text ni Andre Paasa! Hahaha Bitter much teh! Di ko sya nireplyan dahil dun pero biglang nag vibrate ang phone ko.
1 message received
From: Drew Sungit
Hey! Hindi ka nagreply? Walang load? :DSus! Bahala ka sa buhay mo! Nakita ko na din sila Chae at Phoeb na di kalayuan, at napansin kong itong si Chae ay nakabusangot ang mukha at si Phoebe naman ay mukhang pinipigilan ang tawa nya habang nakatingin kay Chae.
“Hi mga bes! I’m here” sabay beso sa kanilang dalawa. “Oh bes Phoeb bakit mukhang nalugi yang kasama mo ngayon ah, kulang sa pagkain?” pabiro kong tanong kay Phoeb
“Shut up Alex! Palibhasa ay may kadate ka kanina kaya ganyan ka makapagsalita” pagtatampo ni Chae
“ay! Ang Bessie ko ngtatampo? Hahah. Ano ba kasi nangyari? Hala! Kwento na dali” habang hinahagod ang likod ni Chae. Inirapan nya lang ako at nagmukmok na naman.
“Nako bes! Hayaan mo na yan si Chae bes! Kasi naman kanina, nung bumili sana kame ng ice cream habang hinihintay ka, sa pagka clumsy nitong si Chae, ay nabunggo nya yung isang lalake tapos naitapon ni Chae yung ice cream sa damit ng lalake! Ang dumi tuloy ng damit ng guy” natatawang isinasalaysay ni Phoebe ang ngyari sa akin. Pati ako di ko mapigilang hindi tumawa sa mga ikinuwento ni Phoeb. HAHAHA. Kasi naman ang clumsy nitong si Chae parang bawat galaw nya epic fail!
“Whaatt theee?? Chaee nagawa mo yun? HAHAHAH” pang aasar ko kay Chae. Hindi lang sya kumibo at tinakpan nya nalang yung mukha nya ng panyo nya.
“And you know sino yung nabangga ni Chae bes?” pagtatanong ni Phoebe sakin.
“Sino bes dali naiintriga na ako” pagsagot ko kay Phoebe. Pero bago pa naman magsalita ulit si Phoebe ay nagmamakaawang sabi ni Chae “Please! Wag mo na ituloy bes! Wag mo na ipa-alala pa bes”
Hindi nya pinakinggan si Chae at sinabi nya kung sino yung nabangga ni Chae “Si Gabriel Paolo Alvarez bes, yung taong dahilan kung bakit sya nag business ad instead na kumuha ng Fine Arts”
Napahalakhak ako ng sobra sa nalaman ko, at pagtingin ko kay Chae ay alam kong nanlulumo talga sya sa nangyari. Crush na crush kasi ni Chae si Gabriel, na ginive up nya yung pangarap nya na maging isang painter para lang makasama si Gabriel kaya sya nagbusiness administration instead of Fine Arts ang kinuha nya kasi si Gabriel ay anak ng aming dean so akala ni Chae ay susundan ni Gabriel ang yapak ng kanyang ama, pero sa kasamaang palad hindi pala yun ang gusto ni Gabriel instead kumuha sya ng Architecture na course, kaya itong si Chae nagdudusa ngayon sa Business Administration kasi ayaw na syang ipaship ng mama nya ng course kasi babalik na naman sya sa first year.“OMG! Yung anak ni Dean?” HAHAHA “Destiny nga naman oh, tapos bes anong nangyari kay GabGab?” Gab Gab yung ginawa naming name sa crush ni Chae
“Oo bes, sya na nga. Ayun napahiya ng sobra si GabGab dahil sa ginawa nitong si Chae, kaya pinabili sya ng damit ni GabGab at pinalabhan kay Chae itong maduming damit nya” sabay kuha sa damit na nasa loob ng plastic.
“Ganon bes? Pero diba hindi ka marunong maglaba Chae? So ipapalaba mo lang sya kay manang?” pagtatanong ko kay Chae at umiiling ito
“Hinde bes, kailangan daw na si Chae talaga ang maglalaba at dapat may video daw talga si Chae na sya talaga yung naglaba ng damit” sabi pa ni Phoeb
“hala grabe sya, so it means bes matututo kanang maglaba tapos magkikita ulit kayo ni crush mo?” pagbibiro ko sakanya, na halatang halata na affected parin sya.
“oo bes, magkikita kame ulit, at wala na akong mukhang maihaharap sakanya bes at hindi ko alam paano ako magsisimulang maglaba” naiiyak na tugon ni Chae
“okay lang yan bes, basta siguraduhin mong maayos kana pag isasauli mo yang damit na yan sakanya. Halika na kain na tayo at akoy gutom na” pagpapakalma ko dito kay Chae. Pero natatawa parin kame dito ni Phoeb sa pagkapalpak nitong si Chae.
“wait bes, dami na naming naikwento ah, pero ikaw wala ka pang balita sa meeting nyo” pagtatanong ni phoebe sakin
“hay nako bes, date ka jan eh meeting yun” pagsagot ko kay Phoebe habang pinagpapatuloy ang pagkain ko.
“aye! Paatik ka pa bes eh. Dali na kwento ka na” pangungulit ni Chae
“Ano ba kayo wala nga, magkagroupmate lang kame so wala naman ibang dahilan yun” pageexplain ko sakanila.
Di na sila nag usisa, at nagsimula naman silang kumain din, nagusap kame about anything at masayang nagkwentuhan magkakaibigan, sinamahan naman din naming itong si Phoeb na mamili ng inutos ng nanay nya na mamili sa grocery pero may napapansin ako ditong kay Phoeb mukhang busy ata ito sa pagtetext ah.
“bes, sino yang katext mo, mukhang kilig na kilig ka ata jan ah” tanong ko kay Phoeb nagulat naman ito sa tanong ko, hmm. Parang may something ito ah
“ah wala bes, ito na lahat pinabili ni mommy punta na tayo” sambit nya, pumunta naman kame sa car ni Phoebe kasi sya ang may dalang car ngayon kasi may grocery syang bitbit. Hinatid nya kame sa aming mga bahay.
Nandito na ako ngayon sa bahay at dumiretso ako sa kwarto, haay! Kapagod na araw mga 8 pm na din kame nakauwi kasi nila Pheob, chineck ko yung phone ko kung may mga text ba at di naman ako nagkamali may text nga.
1 message received
From: Drew Sungit
Hi vice! Wala paring load? Napakasuplada naman, nga pala meet tayo bukas after class prepare na natin ang materials for our booth. See you!Replyan ko na nga lang.. nakakaawa namn yun.
To: Drew Sungit
Hi. Good eve. Sorry I just got home, nalobat kasi ako kanina, nagkayayaan pa kameng magkaibigan na lumabas. Yeah see you tomorrow, prepare ko na din yung ibang kakailanganin.
-sent
At wala pang isang minuto nagreply ulit si AndrewFrom: Drew Sungit
Wow! Nextym sama ako. :D sige alam kong pagod kana matulog ka ng mahimbing Ms. Vice. Good night. (
To: Drew Sungit
Yeap pagod nga. Good night din President :-P
Nilapag ko sa table ang aking cellphone sa table katabi ng kama at nakatulog narin.