Nanaginip ako kagabi.
May isang lalaki, nagmamakaawa.
Wag na daw ako magselos.
Ang pagkakatanda ko pa sa panaginip ko, naka shorts sya.
Naaalala ko kasi yung malaki at maputi nyang hita.
Hinabol nya pa nga ako sa escalator.
Pero di ko sya pinapansin.
Lumuhod sya sa harap ko habang humuhingi ng tawad.
Pero di ko sya pinapansin.
Tanda ko sa panaginip ko, wala namang "kami".
Kaya napangiti ako.
Kasi may sumusuyo sakin ng wala namang "kami".
Sya.
Malabo ang mukha nya.
Wala akong matandaan na mukha.
Pero parang ang pangalan nya ay....
Bigla akong nagising.
Maghahanda na ko para pumasok sa trabaho.
Humarap ako sa salamin.
Naalala ko ang panaginip ko.
Ang pagsuyo nya.
Ang pagyakap nya.
Napangiti ako.
Sya ba talaga ang nasa panaginip ko?
Parang imposible.
Malayo mangyari.
Buti na lang at may dapat akong puntahan bago pumunta ng opisina.
Mga bandang alas tres na ko nakarating sa opisina.
Nakita ko sya.
Sya.
Yung dating wala namang epekto sakin.
Yung dating normal ko lang kausapin.
Pero bakit ngayon, iba?
Naalala ko na naman ang panaginip ko.
Naalala ko kung pano ang paglalambing nya.
Naalala ko ang panunuyo nya.
Sya.
Dahil kapangalan nya ang lalaki sa panaginip ko.
Sya.
Sya na naging dahilan ng ngiti simula ng ako'y nagising.
Panaginip lang pero bat parang totoo?
Bakit nadala ko yung "kilig" nung nakita ko sya?
May iba kong naramdaman.
Pero di pwede eh.
Kasi bisor ko sya.
Kahit tropa turing ko sa kanya sa labas ng trabaho.
Kahit kabiruan ko sya.
Kahit sabay naming pinagtatawanan yung mga katawa-tawa.
Bukas naman kami sa mga pangyayari namin sa buhay.
Alam ko takbo ng buhay nya.
Nakita ko na din syang nagalit.
Kaya naiinis ako sa sarili ko.
Bat ba ko nagpapaapekto sa panaginip ko?
Sya.
Sya din naman yung dating kabiruan ko.
Dapat.
Dapat normal ko pa din syang kausapin.
Dapat di ako maapektuhan sa mga ginagawa nya.
Pero kinindatan nya ko.
Pero lagi nya kong tinatawag.
Pero nagpapapansin sya sakin.
Alam ko.
Alam ko ginagawa nya din yun sa iba.
Alam ko masayahin syang tao.
Alam ko di lang ako ang nakakapagpangiti sa kanya.
Alam kong wala syang nararamdaman sakin.
Natatalo ko ng panaginip ko.
Panaginip ka lang!
Walang dapat mangyari.
Walang dapat na hinging kapalit.
Sumakto pa na sumabay sya samin umuwi.
Sumakto pa na nagaya syang kumain.
Sumakto pa na gusto ko sya kasama.
Sumakto pa na gusto ko syang makita.
Makitang nakangiti.
Kahit sa pagkakataon lang na yun.
Kahit sa ganung oportotunidad.
Nasa harap ko sya.
Kumakain sya.
Masaya ko.
Tama na.
Panaginip lang yun.
Panaginip na di magiging totoo.
Dahil KATRABAHO lang ako.
Dahil mas BATA ako sa kanya.
Kahit na!
Ilusyon lamang.
Sa panaginip lang.
Nasa panaginip lamang sya manunuyo.
Sa panaginip lang sya malambing.
Ilusyon lamang.
Di makatotohanan.
Panaginip.
BINABASA MO ANG
Panaginip
RomanceA true to life experience. A dream wishing to go beyond. But reality is different. Cover: CCTO-google