Bukas

2.2K 61 27
                                    

 Hi Ate Chee! Kamusta na po? Nabasa po namin yung status niyo ah.  Sana po maging okay na kayo. Smile palagi ah? Miss na rin namin one-shots niyo po.  Ingat palagi God bless!

******

Dati-rati, hindi ako aniniwala sa love at first sight na 'yan.  Takte, ang bakla pakinggan.  'Yan pa ang sinabi ko noon.  Pero di ko akalaing ako mismo, mararanasan yung love at first sight na 'yun.  

Unang taon sa kolehiyo noong una kaming magkita--este noong una ko siyang makita.  Hindi naman siya ganoon kaganda gaya ng iba pero may kakaiba sa kanya, dahilan kung bakit natulala ako sa kanya.  Kainis kasi parang nahuli niya pa akong nakatingin sa kanya.  Baka isipin nun na minamanyak ko siya.  Tae, hindi no.

Sinabi ko naman kaagad sa sarili ko na, ' Isa lang 'yan sa mga babae na nakakuha ng atensyon mo, makakalimutan mo rin siya.'.  

Pero hindi eh. Hind ko siya nagawang kalimutan, at sa bawat araw na ginawa ng Diyos, palagi siyang nasa isip ko.  May kakambal nga ata siya eh, kasi nasa puso ko na rin siya.

Tila tadhana na nga ata ang nagpapalapit sa amin. Biruin niyo parehas kami ng course? Tapos halos lahat ng subject magkaklase kami.  Takte na tadhana na 'yan, di ako naniniwala dyan dati pero eto ako, parang ewan at bigla-bigla na lang nagsasalita tungkol sa tadhana na 'yan.

Mahigit isang taon na rin ang nakalipas simula nung makita ko siya.  Takte, sa library pa kamo niya ko nahuling nakatingin sa kanya.  Gaya nang nasabi ko kanina, simula noon, siya na ang palaging laman ng puso at isip ko.

Kung tinatanong niyo kung close kami, ang sagot diyan ay hindi.  Madalas siyang umupo sa bandang gitna na row.  Samantalang ako, sa likod.  Pero ayos na rin 'yun kasi natatanaw ko siya mula sa malayo.  Kuntento na ako doon.

" 'Tol, kelan ka ba aamin kay Yalin?", tanong ni Fredie, isa sa mga kabarkada ko.  

" Bawal torpe sa atin pre!", pagyayabang naman ni Ejo.  Nagsalita ang torpe rin...dati.  Aba, ako pa ata ang gumawa ng paraan para makagraduate 'yan sa katorpehan.  

" Tsaka na.", tipid kong sagot.  Nagtawanan naman ang dalawang loko sa sagot ko.

" Tsaka na? Mamaya maunahan ka pa ng iba dyan.", sabi ni Fredie.

" Oo nga, balita ko pa naman merong umaaligid--", aniya ni Ejo pero pinutol ko siya kaagad.

" Sino?", tanong ko.

" Ewan, yung patay na patay sa kanya simula high school pa lamang.  Parang 'yun eh.", sagot ni Ejo.  Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" O pano ba 'yan Lucifer? Baka maunahan ka na. Ge una na kami.", aniya ni Fredie at umalis na sila ni Ejo sa harap ko.

Totoo kaya 'yung pinagsasabi ng mga lokong 'yun? Takte, baka maunahan nga ako.

**

" O? Ba't mo pala ko inayang kumain? At aba, lumelevel-up ka na ah.  Sa mamahaling restarant pa talaga.", sabi ng isang babae na mas matanda sa akin ng mga tatlong taon.  May kagandahan at habulin ng mga lalake, pero taken na 'yan.  Ella nga pala, pinsan ko.

" Sariling bayad tayo.", bulong ko.  Napataas naman ang kilay niya at bingyan ako ng isang nakamamatay na tingin.

" Anong sinabi mo?", aniya ni Ella.

" Asenso na kaya ako, kaya nga libre kita eh.", sagot ko.  Tae, ililibre ko na lang para makausap ko ng matino.

" Good. So..spill it out Lucifer.", sabi niya. 

" Ha?", aniya ko. Parang alam na ata niya ang pakay ko.  Takte, nakakahiya naman.

" Pwede ba Lucifer? Kilala kita.  Hindi mo ko aayain dito kung walang rason.  So? Ano nga pala ang pag-uusapan natin?", tanong niya.  Kahit kelan talaga ang maldita.  Nakakapagtaka at nagkaboyfriend pa 'yan at natiis siya nito.  Nakakapagtaka rin at maraming naghahabol sa kanya. Eh ako? Wala. Wala ni isang babae ang naghahabol sa akin. Tae, di naman ako mukhang bahasan pero bakit kaya?

" Hoy, Lucifer.", biglang sabi ni Ella.

" Ah, ano nga pala.  May gusto akong itanong sa'yo.  Tsaka ano--"

" Straight to the point please.", aniya ni Ella. Sakto namang dumating na yung inorder namin.  Nakainom din ako sa wakas ng tubig.  Takte, nakakatakot talaga 'tong kasama si Ella.

" May gusto kasi ako sa isa kong kaklase.", sabi ko.

" Oh tapos? Di ka makaamin, kasi torpe ka. Kasi naduduwag ka? Tama ba ko?", sagot niya.  Takte, alam na alam na niya ang sasabihin ko.

" Oo, parang ganun na nga.", sagot ko.  Sumubo muna siya pagkatapos, tiningnan ako.

" Oh? Anong gusto mong gawin ko?", aniya pa niya.

" Patulong naman Ella.  Pano ba ko aamin? Tapos bigyan mo na rin ako ng mga advice.", wala sa isip kong sabi.

" Sus! 'Yun lang naman pala eh. Oh, sino pala 'yang malas--este napusuan mong babae?", tanong niya.

" Si Yalin.", sagot ko.  Halos maibuga na niya ang iniinom niyang juice sa akin.  Anak ng tinapa, tyak may alam 'tong si Ella.

" Si Yalin?! You mean Yalin Escape?!", halos matawa-tawa niya pang sabi.

" Oo, bakit ganyan pala reaksyon mo?", pagtataka kong tanong.

" Eh bestfriend ko 'yun eh!", sabi niya sabay tawa pa uli.  Takte, ba't di ko yun alam?

Gaya nang sinabi ko kanina, ayun, bingyan niya ako ng sangkatutak na payo.  Mukhang tuwang-tuwa pa nga si Ella sa mga sinasabi niya eh.  Nagkwento rin siya tungkol kay Yalin. May pagkamahiyain pala si Yalin. Type niyang lalake? Sus pasadong-pasado ata ako.  

Isang linggo na rin makalipas ng pag-uusap namin ni Ella.  Nandito ako sa mall, sabi niya kasi kasama niya si Yalin.  Itetext niya na lang daw ako kung saan kami magkikita ni Yalin. 

Halos mamatay na ako sa sobrang kaba. Takte, ngayon lang naman ako aamin. Para na nga 'kong mababaliw sa sobrang kaba eh.  Pano kung bastedin ako? Anak ng tinapa lang, pano na ko nyan?  Pero sabi ni Ella, wag daw akong matakot.  Tama.

Maya-maya pa, natanggap ko na ang text ni Ella.  Sabi niya nasa tapat ng Chow King si Yalin.  Agad-agad naman akong naglakad.  Takte, eto na talaga, aamin na ako.  Wala nang bawian, sayang yung suot ko na pinaghandaan ko talaga.

Nang malapit na ako sa Chow King, agad ko siyang natanaw.  Tila, huminto ang oras ng mga yaon.  Grabe, ang ganda niya.  Kahit simpleng blouse at jeans lang, ang ganda niya.  Mabuti nga nagawa ko pang lumakad kabila ng pagkamangha ko sa kanyang kagandahan.

Habang papalapit ng papalapit, isa-isang nawala ang mga tao sa paligid namin. Dahan-dahan naman siyang lumingon, at nagtama ang aming mga mata.  Natamaan na talaga ako.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.  Namula siya at agad na umiwas ng tingin.  Yes. Isang puntos para sa akin.

" A-Ano...", pautal-utal niyang simula. 

" Naaalala ko pa noong una kitang makita.  Takte, tinamaan na kaagad ako.  Ang ganda mo rin, lalo na pagnakangiti ka...", sabi ko.  Hindi siya makatingin sa akin ng derecho.

" That was two years ago already, pero alam mo bang haggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko? Akala ko dati, mawawala rin 'tong nararamdaman ko pero eto, buong-buo pa rin.", aniya ko.

" A-Ano kasi, pinagtitinginan--", sabi niya pero agad ko naman siyang pinutol.

" Hayaan mo silang pagtinginan tayo.  Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal kita, matagal na.   Mahal kita pero di mo lang alam.  Mahal kita pero di mo lang ramdam.  Pero sana ngayon, hayaan mo 'kong iparamdam ang pagmamahal ko sa'yo Yalin.", pagtapos ko.  Hindi pa rin siya makatingin sa akin ng derecho.  Takte, ano kayang sasabihin niya sa akin.

Maya-maya pa ay nagsalita na siya at sinabing:

" A-Ano kasi, zipper mo bukas kaya pinagtitinginan ka na ng mga tao."

-End

BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon