Chapter L1

1.1K 9 1
                                    

PAW’S POV

Nakasandal siya sa one side ng kotse niya habang ako naman nasa harap niya. Wala akong maaninag sa loob ng kotse niya, siguro naihatid na niya si Milly kanina pa. I really don’t know what to do and what to say kanina kaya heto ako, pumayag na makipag-usap sa kanya. Ano pa bang kailangan niya? Closure?! Fuq.

“I still love you.” Hindi na ako nagulat ng sinabi niya yan, ano pa bang ikagugulat ko? Ang ganda ko kaya! Sige lang Paw, magself-proclaim ka lang! buset! I mean, ganito naman palagi diba? Katulad last time, I am expecting and I assumed na may sakit si Milly kaya hindi siya maiwan ni Dawn, parang ngayon lang, clinche. Babalik yung mga Ex kung kailan Masaya na ang bida. Which is ako…

Kaso may mali, hindi ko pa kasi nararamdaman ang happiness ko with Dawn.

“Well, that sucks. I’d love you too.” I said as I stared into his deep dark eyes. Yung matang, nagsasabing minahal, minamahal at mamahalin niya ako.

I’ve really loved him back then, pero wala. Sinayang niya. Wala na. Ubos na lahat ng pagmamahal na naramdaman ko sa kanya 3 years ago, Kung sinabi niya siguro sakin yan last year? O kaya a month after naming magkakilala ni Dawn, siguro kami na ulit ngayon, pero hindi eh.. sabi ko naman, isa lang yan sa mga ‘what-if’s’ ng buhay ko,

Dahil alam kong na kay Dawn na ako.

Napayuko siya at nilaro yung mga susi sa kamay niya sabay ng pagngiti niya ng mapait.“Now, that hurts.”

I smiled for myself. I’ve always wanted to take a sweet revenge on him, pero hindi ko nagawa dahil maraming nangyari sa buhay ko after niyang mawala sa tabi ko, pero ngayon.. tadhana pa ang tumulong.

“Good. Bye then.” Sabi ko sabay talikod.

“I see that your love for me is in the past tense now, masisisi ba kita? Alam kong hindi, gusto ko lang makabawi sa nagawa ko sa’yo dati.” He said.

I took a deep breath first then I turn to him. “So, where’s your baby now?”

Napatingala siya sa akin at halatang nagulat siya sa tanong ko, he even gasped the moment I mentioned the word ‘baby’.

“I didn’t have one, Paw.”

Great! He called me Paw! Nabanggit ko namang Paw ang tawag sakin ng mga tao sa dati kong school diba? Yeah. Isa siya dun.

“Oh. So, you have two babies! Wait, or maybe three! What about four?” it’s obvious that I’m being sarcastic. How many babies do they have now? Sht!

He brushed his hair through his hands. He’s getting mad. “I’m sorry okay? Nakokonsensya ako sa mga sinasabi mo, I know I am guilty but please let me repay all of that.”

Ewan ko pero natawa ako, as in, sobrang tawa ko. “Of course! You’re guilty. You’re a priest for pete’s sake!” I said between my laugh.

Sht naman, seeing him like this, it’s priceless! Wala na akong mahihiling pa kundi ang pag-ibig na lang ni Dawn. Ang saya ko, ang saya ko.

Sa sobrang saya ko, napaluha na ako, sa harap niya pa.

“Paw…” he paused. “Sorry, I’m really sorry. Angelica aborted our baby, kaya walang baby ngayon. Ang dami ko nang nagawang kasalanan sa’yo, pero hanggang ngayon nasasaktan pa din kita… please, kahit isang chance pa, babawi ako.”

Napilitan kong pakalmahin ang sarili ko. Pinunasan ang mga luha, hindi na ako nasasaktan dahil nakabuntis siya ng iba na supposedly, ako dapat ang mabuntis niya. Umiyak ako dahil ang tagal kong tinago sa loob ko ‘to, kahit si Ethan ang bestfriend ko, hindi ‘to alam. Ang sakit pala, parang ang sikip.

Desperadang KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon