Chapter 5

27 1 0
                                    

Lunes na at ngayon na ang play ng Romeo and Juliet. Isa lang naman ako sa props at hindi ako isang actress pero malaki naman ang points kung manalo kami ng groupmates ko.

Kahit na kaunti ang naitulong namin sa play kung mananalo kami ay apektado kami rito. Sa una hindi ko alam iyon dahil hindi sinabi ng adviser namin about sa grade namin. Sana na lang hindi ako tumulong eh napagod ako sa kakagawa ng props namin.

Thankful na rin ako dito sa play dahil kung hindi ito magaganap malamang hindi na kami nagpapansinan ni Iñigo at hindi na niya naconfess yung feelings niya sa akin.

Pagkatapos yung pagtapat niya ng nararamdaman niya sa akin ay medyo nag-uusap na kami at nagngingitian kami hindi tulad ng dati na hanggang tingin lang namin iyon dinadaan.

Mukhang hindi pa rin alam ni Jeslyn ang mga nangyayari sa amin ni Iñigo kaya mas minabuting huwag ko munang sabihin ito sa kanya.

Medyo naguguluhan nga ako dito sa situation ko. Nagtapat na nga sa akin si Iñigo idagdag pa si Jun na nagtapat ang nararamdaman niya sa akin. Sa kanilang dalawa hindi ko alam ang pipiliin ko sa kanila.

Crush na crush ko nga si Iñigo pero biglang dumating sa buhay ko si Jun kaya unti-unting nagugustuhan ko siya. Oo, gusto ko na rin si Jun pero alam kong hindi pwede dahil iniisip ko ang kapakanan ng kaibigan ko.

"Ba't ka tulala diyan?" Nagising naman ako sa realidad ng tanungin ako ni Catie.

"Can I ask you something, Catie. Kung pagpipiliin ka between love and friendship anong pipiliin mo?" Tanong ko sa kanya.

Sa tanong kong yan sino ba dapat kong piliin diyan. It's not about Iñigo yung question ko kung 'di si Jun. Pipiliin ko ba ang tinitibok ng puso ko o pipiliin ko ang kaibigan kong nandiyan palagi para sa akin? Para kasi sa akin pareho silang mahalaga sa akin.

"Para naman sa akin KC I choose the both of them. For example, kaibigan kita and I don't love you paano natin patitibayin ang friendship natin kung walang namumuong love sa pagitan natin as a friend 'di ba. Pero kung about lovelife yan, kaibigan pa rin ang mananaig diyan. Kasi kung yung taong mahal mo ang pinili mo may posibilidad na iiwan ka rin niyan pero ang kaibigan ang pinili mo hindi ka niya iiwan dahil sa una pa lang nandiyan na siya sa tabi mo at nagpapasaya sayo." Sagot niya.

Nagtanong lang ako kung anong pipiliin niya sa dalawa nauwi na ito sa MMK. Galing nitong si Catie ah. Syempre naman inspired yan dahil nagpapansinan sila ni Ian. Pero thankful na ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng advice.

"Maiwan muna kita KC may aayusin lang ako sa backstage." Tumango lang ako atsaka niya akong mag-isa dito.

Nag-iisa lang ako dito dahil yung iba abala sa pag-aayos ng play. Hindi naman sila nagagalit kung hindi ako tumutulong dahil sa half ng materials nila ay galing sa akin.

Pupunta rin ang mga parents namin dito para manood ng play. Ayaw kong pumunta ng parents ko dito at manood dahil nahihiya ako kasi wala naman akong part doon sa play dahil nga tagagawa lang ako ng props atsaka hindi ko pa nasabi sa kanila na wala akong role doon sa play. Kita ko pa lang sa una na madi-dissapoint sila sa akin.

Aish! Ang dami kong iniisip kaya sumasakit ang ulo ko dito. Punta na nga ako sa classroom para matulog doon tutal wala naman akong gagawin dito kundi manood lang. Hindi na ako tutulong sa pagmanage ng mga props dahil marami naman ang mga groupmates kong nandiyan.

Dumaan muna ako ng locker room bago ako pumunta ng classroom. Kukunin ko lang yung librong binabasa ko. Mabilis akong maantok kung magbasa ako ng libro.

Nakuha ko na ang dapat kong kunin sa locker ko at pupunta na ako sa classroom pero bago ako maglakad palayo ay may tumawag sa akin sa likuran ko kaya lumingon ako. Pagkalingon ko medyo natulala ako sa nakita ko.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon