revised 15.11.15
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Brieanne's POV
Nagising ako ng sobrang aga. Siguro 4:30 am palang. Nagising ako kasi nagugutom ako kaya agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain.
Habang kumakain ako sa dining area, napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napansin kong lalo akong pumayat. Nakakainis. Tinapos ko na yung pagkain ko't nagpunta sa taas para ayusin ang gamit ko para sa school.
Habang inaayos ko ang mga kagamitan ko, tinignan ko uli ang phone ko at nakita kong may text nanaman galing dun sa unknown number.
From: 0906*******
Good Night. Sleep tight.
Bigla akong nakaramdam ng pagka-irita nung mabasa ko. Malakas ang paki-ramdam ko na pinagt-tripan ako ng kung sino sa school.
Hindi ko muna pinansin yun at kumuha nako ng uniform ko sa cabinet at naligo na.
**
After 30 mins. na pag-aayos, bumaba na ako't nagluto ng makakain nina Kuya't Mama. Si Daddy ba? 2 years na syang patay dahil na-aksidente sya. Tinakasan nga lang kami nung nakabangga sa sasakyan nya e. Nakaka-asar lang.
Pinagluto ko sila ng omelette at bacon and eggs. Sapat na siguro yun para sa kanila. Tinignan ko ang orasan ko't nakita kong 5:15 am pa lang pala.
Kumuha ako ng sticky note at dinikit iyon sa ref namin.
"Ma, Kuya. Pinagluto ko na kayo ng pagkain. 'Di na muna ako papahatid kay Kuya dahil alam kong pagod din sya. Pupunta na'ko ng school. Magb-bus nalang po ako.
- Brieanne"
**
Naglakad nalang akong papuntang bus stop at nag-abang ng bus.
Nung may dumating na bus, pumasok na ako sa loob. Ano namang gagawin ko kung di ako papasok diba? Duh.
Nag-swipe ako ng card at nagpunta doon sa likod na part dahil tahimik doon.
Sobrang peaceful ng scenery at tipid akong napangiti dahil medyo umaliwalas ang pakiramdam ko. Naputol ang ang katahimikan ng akking paligid ng may magsalita sa likod na upuan.
"Oh talaga? Edi wow!"
"WAHAHAHAHAHAHA gago! Malamang ganun!"
"Hindi e. Nasa bus ako ngayon. Oo, papunta ako dun. Malay mo kaklase kita diba?"
"Masaya yun! Sigurado ako!"
Tinignan ko ng bored yung nasa likod ko. Isang lalaking may bibiluging mata, matangos pero maliit ang ilong, may plump na lips pero ang laki ng bibig, may pantay-pantay na ngipin, may mababang boses at mayroong malaking tenga.
"Excuse me?" tanong ko sa kanya't napakunot ang noo nya.
"Teka teka tol. Mamaya nalang, text kita pag nakarating ako." sagot nya.
"What is it Miss?" tanong nya sa akin.
"Can you please lower your voice? Ang ingay mo. Hindi lang ikaw ang tao dito sa bus." malamig na sabi ko sa kanya pero nginitian nya lamang ako.
"Sorry ha? Na-excite lang. Alam ko namang di lang ako ng tao dito sa bus. But still, I'm sorry." sagot nya ng nakangiti pero inirapan ko lang sya.
"Whatever. Don't be noisy, Mister." mataray at malamig na sagot ko sa kanya't humarap na ulit sa unahan. Umagang-umaga naiinis ako. Akala ko pa naman magiging matiwasay ang pagbyahe ko ng mag-isa. Para syang si Kuya. Napaka-ingay.
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
FanfictionHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.