Chapter 32

81.4K 837 52
                                    

Ella's POV


Nagkukwentuhan kami ni JC habang naglalakad. May bitbit kaming ice cream dalawa na binili ni JC pagkatapos niyang magkuwento tungkol sakanila ni Gab.


Pagkaliko namin papuntang department store ay natigilan ako at nanlaki ang mga mata.


"Ella? Okay ka lang?" Napakurap ako at napatingin kay JC na nakakunot ang noo.


"JC, sa'n nga pala nakadestino si Gab?"


"Ahhh, sa Florida siya. Bakit?" 


Kumunot ang noo ko at tinignan ulit yong nakita ko.


Nasa Florida pala ha?


I saw Gab kissing someone else's lips and that guy wasn't JC. How dare she cheated on him!


Pumula ang pisnge ko dahil sa galit, "I think you need to recheck that because your girlfriend is with someone else right now." 


"Ano?" SInundan niya ang tinignan ko at nakita ko ang gulat at sakit sa mga mata niya.


"Gabby..." Umigting ang panga niya at kita ko ang galit sa mukha niya.


Umiling si JC at kinuha ang phone niya. Nilagay niya ito sa tenga. Tinignan ko sina Gab at nakita ko ang pagbunot niya sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata.


Tinignan ko ulit si JC at nakita ko na niloudspeaker niya ang phone.


"Hello?"

"Hello baby nasaan ka?"


What is he doing?


"Ahhhhm.. nasa... nasa mall ako! Oo nasa mall ako."


"Talaga? Sino kasama mo?"


"A-a-ahmmm. Y-yung c-classmare ko na b-babae! Yun! Yung classmate kong babae. Bakit baby?"


Nagsimula nang maglakad si JC papunta sakanila.Hinila ko ang shirt niya sa likod pero hindi siya nagpatinag at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.


"JC wait!" 


"Really?" Sabi ni JC nong nakalapit na kami sakanila.


Napabuntong hininga nalang ako at napailing.


Nakita ko naman na nagulat si Gabby.


"B-Baby I-I can explain...."

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon