First date as an official couple. Kaya naman excited tong si Reign. But before anything else, hindi alam ng parents ni Reign ang tungkol sa pagboboyfriend niya. Napaka strict ng papa niya at ang mama niya naman ay masyadong busy sa mga bagay bagay na hindi niya alam kung ano. Hindi sila nakakapag-usap as a family kaya outdated ang parents niya sa personal life niya.
"Ano na? Natawagan mo na ba si mama?" kausap ni Reign over the phone ang bestfriend nitong si Rosanna.
"Hindi pa. Wait lang. Atat masyado bes? Tatawagan ko na nga sana eh bigla ka namang tumawag." palusot ng bestfriend.
Kasabwat na naman ni Reign tong si Rosanna na magdadahilan sa mama niya para makipagdate sa boyfriend. At syempre ito namang si Rosanna magdadahilan na kunwari ipapaalam si Reign na may pupuntahan silang overnight birthday party. At ayun nga, nagtagumpay sila sa kanilang plano.
"Bestfriend, the best ka talaga. Salamat ha. Kaya mahal na mahal kita eh."
"hay naku Reign. Sige na babush na at baka malate ka pa sa first date nyu." sabay baba sa phone.
At nakarating na nga si Reign sa meeting place nila.
"Asan naba yun? Bakit parang ang tahimik naman dito?"
Ang tahimik ng paligid. Naglakad lakad si Reign and suddenly...
"BOOOOOOOOM!!!"
"NAKU PO KABAYO!!ANAK NG TIPAKLONG NA MAHABA ANG NGUSO!!" gulat na sigaw ni Reign.
Sweet pala talaga to si Aj. May pa fireworks fireworks. Tapos binigyan niya ng flowers si Reign.
"Surprise mahal ko. Nasurprise ka ba? Hahaha. Happy first date satin dalawa."
Nagulat si Reign nang biglang lumuhod si Aj at may kinuha sa bulsa nito.
"OMG, mahal ano ba yan?" todo kilig naman tong si Reign.
Isang panyo na galing sa bulsa ni Aj at ipiniring nito si Reign.
"Ang OA mo mahal. Akala ko kung ano na. Akala ko magpopropose kana. Hahaha. San mo ba ako dadalhin?"
"basta. Sumunod kana lang" bulong nito kay Reign.
Dinala niya si Reign sa isang napaka gandang garden na natatanaw ang buong Baguio. Oo sa Baguio, sa garden of Lapresa at dun sila nagpalipas ng gabi. Sobrang nag-enjoy si Reign. Pagkatapos nilang kumain ng mga pagkaing niluto pa talaga ni Aj, nag star gazing sila at nag bonfire habang nagjajamming.
Sobrang saya ng gabing yun. Gabi ng unang date ni Reign at Aj.