"Babae, andyan na service mo" Narinig ko na ang sigaw ng pinsan kong si Ate Keyla.
"Ah okay. Bye Ate"
So, this is it! 3rd year high school na ako! Haha! Sabi nila maganda daw sa CU, yun yung papasukan ko na university, kaso strikto daw.
"Hi :)" Bati ko sa mga kaibigan ko, kasabay ko kasi sila sa pagpasok.
"Goodmorning bey." Bati naman ng bestfriend kong si Amy.
"Walang good sa morning" Pft. Umagang-umaga umaapaw ang pagka-bitter ni Trish.
"Gandang bati a? HAHA! Goodmorning :)" Bungad din naman ng isa ko pang kaibigan na si Mikee.
"Tss. Wala naman tlagang good sa morning a? May mga boyfriend lng kayo kaya kayo ganyan, pero tingnan mo pag nagbreak kayo halos walang imik, laging tulala at bitter to the highest level!"-Trish
"Wala akong boyfriend" Aba. NBSB ata 'to. Haha
"Oh! Trish, dadali ka na naman. Kung di ka lang naming kaibigan, napagkamalan ka na naming tomboy. HAHAHA!" Nagtawanan kami sa banat ni Amy. Totoo naman kasi e
Pero sila ang dahilan kung bakit masaya ako sa buhay ko ngayon kahit na abnormal sila at mahilig mantrip, mahal na mahal ko sila.
After 30 minutes nakarating na kami. Ang daming tao!
*Booogsh
"Ouch!" Ugh. Feeling ko napilayan ako
"Ano ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo." WOW! Ang gentleman mo Kuya. Grabe, nakakamangha ka!
"Di mo man lang ba ako tutulungan?"
"Aba, di nga kita kakilala e." Tngna this. Ang sakit ng binti ko
"Jay, hanap ka na nila. Ano ba ginagawa mo dito?" Sino naman to? Hays.
"Aw" I tried standing up pero it's no use, ang sakit talaga.
"Miss, ayos ka lang ba? Pre, napano to? Tae. Wag mo sabihing ikaw may kasalanan dyan." Ang daldal naman neto, di na lang ako tulungan
"Do I look like I'm fine? Pwede tulungan mo na lang ako?" I don't mean to be rude pero ugh, ang sakit kasi e.
"Alright! Di mo ba talaga kaya lumakad?"
"Di talaga." Huhu! First na first day e :(
"Okay." Hays. Paano itoooo-- Omyg.
Binuhat nya ko. Yung parang bridal style? Ay, paksht. Pwe
"Ho-hoy! Ibaba mo nga 'ko!" Nakakahiya noh
"Miss, wag ka na maarte. Anong gusto mong gawin ko? Kaladkarin ka?" Okay, di na ko makikipagtalo.
"Oo na, sge na!"
"Teka.." Wait, si Freak nga pala. Hahahaha
"Ako na bahala sa kanya, Mc. Alam kong hanap ka na sa taas." Hanuuudaw?!
"Osge pre. Ingat a!" Bigla nya ko binaba, muntik pa ko mahulog ulit, buti na lang sinalo ako ni... Nino pa ba?
"Tss. Come on." Binuhat nya ko, then pumunta kami sa clinic ng school.
What a good start of my first day here in CU
---------
"Hindi naman ganun kalala yung bali blah blah blah blah.."
Ang haba ng sinabi ni Miss Annie. Sya yung nag asikaso sakin para matingnan yung bali ko.
"Miss, pwede na po ba sya pumasok sa klase?" Sabat naman nitong si Jay. Sya may gawa nito e
"Pwede na naman siguro, pero wag lang gaano maglikot ha? Dalaga ka na naman kaya alam mo na yan. Sa second period na lang kyo pumasok. 10 mins nlng naman e bell na. Sge Jay, ikaw na bahala sa kanya."
Sooooo, dto pa kami sa clinic for 10 minutes. Mejo awkward. Should I thank him? Ugh!
"Hmm. So.." Napatingin ako sa kanya, nagsalita sya bigla e.
"So, what?"
"Aren't you going to thank me?"
"Ikaw nga may kasalanan kung bakit ako nandito in the first place, so I should thank you for that?"
Charot! Di yan sasabihin ko noh.
"Uhm, thanks." Mabait din naman ako kahit papano. Hahaha XD
" I'm Jay Barretto. I'm sorry kung nabunggo kita kanina, badtrip lang ako kaya ganun pag-approach ko sa'yo. Tutulungan naman talaga kita e, kaso biglang dumating si Mc."
Woah. Hold it there! Mabait naman pala .Walang ma say ang ate mo XD
"Hm, tinanong ko na kanina kay Ma'am May yung sections natin. Hatid na kita sa classroom mo."
"Uh, okay." Wala akong magagawa. Di ko kabisado and school na to.
--
"Okay, class. Wala naman tayong gagawin ngayon dahil first day palang. So, do what you want pero wag kayo masyado maingay."
Bongga ng adviser namin noh? Hahaha!
"Be! Tignan mo, ang gwapo nya noh?" That's Kely. Classmate ko.
"Sino? Si Mark?" Yung mayabang? Ew
"Oo! Yieee! Ah! Pakshet! Palapit sya dito!" Aba't palapit nga.
"Wag kang assuming. Masasaktan ka lang. Malay mo yung nasa likod pala natin ang lalapitan nya. Duh!"
"Tanga! Wala ng nasa likod natin!"
"Minumura mo ko? Pasalamat ka, kaibigan na kita."
"Thankyou. Mwa mwa." Ugh.
"You're welcome. Pwe!" Nagtawanan kami. Wala e, sya pa lang kaclose ko dito. Yung mga baliw ko namang kaibigan e sa ibang section napasama.
Di naman samin lumapit si Mark. Etong katabi ko kasi ang assuming! Kaloka.
"Teka. Ano nga pala nangyari sa'yo? Bakit ka late?" Oo nga pala. Omg! I almost forgot. May bali nga pala ako sa binti :3 Btw, kinwento ko na kay Kely. Detalyadong detalyado!
"Really? Gwapo ba? Matangkad? Anong name?" Ang kyoray talaga neto.
"Hm. Di sya kagwapuhan pero malakas ang dating. Matangkad sya. Jay ang pangalan"
"Oh talaga? Pakilala mo ko a? So pano kayo nagpakilalanan?" Hm. Pano nga ba? Hah-! Teka nga, di ko man lang nasabi pangalan ko sa kanya! Nak ng tupa, men!
"Di ko nasabi sa kanya name ko. Sht." Feeling ko big deal yun. Feeling lang!
"Whuut?! Bakit?"
"Ewan ko din."
Hays, ang tanga mo talaga, Jozel Castillo!