TNWT - Totoo Na Walang TAYO

178 4 0
                                    

Masaya ako sa buhay. Kumpletong pamilya at maginhawa ang buhay. Kwela at mga totoong kaibigan ang kasama ko palagi sa school.  Sa kabila ng katangian kong hindi magaganda, andiyan parin sila para sa akin. What can I asked for? Feeling ko kumpleto na ko dahil sa kanila kahit wala akong girl friend.  3 years na, dahil na din siguro nasaktan ako noon ng sobra sa last relationship ko.

Ako nga pala si Matt. Nag-aaral sa Unibersidad na kilala dito sa amin. 4th year college na ko. Medyo kilala ako sa school, talented daw kasi ako. Mayroon akong transferee na kaklase sa ilan naming subject, si Ana. 3rd year student siya.Mabait, Maganda, Matalino, Mukhang Koreana, Simple kung manamit at Kalog sa lahat ng bagay, kaya nga siguro nagkasundo kami. Kakikilala ko lang sa kanya, crush ko siya. Kala ko pang karaniwang crush lang pero bakit parang kakaiba? Ewan ko. Bakit parang gusto ko lagi ko lang siyang kasama. Ang cute niya kasi eh. Kinikilig ako kapag napapatawa ko siya. Hindi niya ito alam at ayaw kong malaman niya, baka kasi may magbago sa amin.  Masaya siyang kasama. Hindi kami mag-bestfriend. Pero lahat ng gusto kong sabihin ay sinasabi ko sa kanya. Honest kami sa isa’t isa. Walang sikreto (yung feelings ko lang para sakanya yung di ko masabi). Kaya nga kahit yung nagugustuhan niyang si Bruce ay nilalait ko eh. Kaya minsan nabubusit na din siya sa akin.

“Ui sorry na. Joke lang”

“……”

“Libre na lang kita.”

“Osige. Gusto ko burger ah”

“Kahit ano pa yan. Pera mo naman toeh.”

“Ang daya mo talaga..”

Lingid sa kaalaman ko na mahal ko na si Ana. Pag sa school tinutukso lagi kami na mag-syota daw kami. Ako naman deep inside natutuwa pero siya parang wala lang. Kainis! Tumatawa lang siya sa mga nagsasabi sa amin nito.

I’ve never felt this way before. Kahit sa mga ex ko. Iba yung saya ko kapag kausap at kasama ko siya, hindi ko maipaliwanag. Pero hindi niya alam na may special feelings na ako para sa kanya. Hindi kasi ako nagpapahalata.

“Matt. Sino nga pala ang Crush mo sa skul?”

“Sino?  Wala akong type sa school eh. (ikaw lang)”

“Oh? Baka naman bakla ka! Ha Ha Ha!”

“Hindi ako bakla noh. “

“Aminin mo na. Magkaibigan pa rin naman tayo eh. HA HA HA!”

“Ah ganon?......”

“Uy. Joke lang. Tingnan mo to pag ako nagbibiro nagagalit agad.”

“…..”

“Sorry na. “

“Hindi naman ako nagagalit. Di ako makapagsalita kasi kinakaen ko na yung burger mo! HAHAHA!”

“Ang daya mo talaga. Bayaran mo yan sakin.”

“Mag diet ka nga. Tumataba na yang,,, pisngi mo.. (sabay kurot sa mukha niya)”

“Ang sama mo talaga! Ok lang maganda naman ako eh.”

Ang saya nanaman ng araw ko. Kumpleto kasi nakasama ko siya at first time kong nahawakan yung pisngi niya. Ayoko nang maghugas ng kamay. Nakatutulala lang ako sa kwarto ko. Iniisip siya.

 Hindi kami ganoon kahilig magtext at magkamustahan through chat. Pero kung ako ang tatanungin gusto ko siya laging kausap o katext man lang. Para kahit na papaano mabawasan ang pagkamiss ko sa kanya sa oras na hindi kami magkasama. Halos hindi ako makatulog tuwing gabi, siya lang ang nasa isip ko.

Text message received: “Good Morning Matt. May sasabihin ako sayo mamaya. See you.”

“Good Morning din. Ako din may sasabihin ako.” Message sent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TNWT - Totoo Na Walang TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon