si lara ay isang maganda at simpleng dalaga na nakatira sa malayong probensya,dahil sa kahirapan ng buhay gusto nya lumowas ng lungsod upang makapag trabaho at makatulong sa mga magulang, tamang tama din naman dahil isa sa mga kaibigan nya ay may alam na pwde nya pasukan ng trabaho. kasambahay nga lang peru tinangap nya nalang dahil alam nya naman na hangang katulong lang ang pwde nya pasukan dahil hindi nya nakapag tapos sa pag aaral kahit high school lang..
mang nestor/ama ni lara.mang nestor: lara anak hndi kna ba talaga mapigilan?
aling naneth: uu nga naman anak ,hindi mu naman kailangan lumayo para magtrabaho.
lara: inang,itang.. ayaw ko din ho naman sana peru sanay maintindihan nyo ako, guzto ko lamang makatulong sa inyo. alam kong hirap na kayo dahil matatanda na kayo,
aling naneth: o sya sige, basta palagi mu tatandaan anak ha, mahal na mahal ka namin ng tatang mu. at palagi ka mag iingat.
lara: opo inang, mahal na mahal ko din ho kayo
kinabukasan ay maaga ngang umalis si lara papuntang manila, dios ko sanay maging maayos lang ako pagdating ko ng manila,kayo na po ang bahala sa akin, saad ni lara, ng umupo na sya sa pang dalawahang upoan sa barko, tanaw nya ang karagatan at naaalala nya ang kanyang inang at itang, ng maya maya pay may naramdaman syang may tumabi sa kanyang kinauupoan. ng lingunin nya ito ay isang babae, maganda,maputi. at halos kasing tangkad at kaedad nya ang babae sa tingin nya, ng tumingin sya dito ay agad sya nitong nginitian.. ngumiti rin sya,
babae: hi ako nga pala si mara,pagpapakilala ng babae. lara,lara ang pangalan ko,sagot nya,
babae: talaga? wow magkatunog pa ang pangalan natin, mara at lara,
lara: uu nga nuh.. saan pala ang punta mu,saad ni lara,
mara: sa manila ang punta ko, dun kami nanirahan ng asawa ko, alam mu bagong kasal lang namin two weeks ago, umowe lang ako dito ng Mindanao dahil may imfortante akung inasikaso, magaan agad ang loob ni mara kay lara kayat nag kwento agad ito tungkol sa kanyang buhay.
lara: aah ganun ba, ang tangi nyang sagot,mukhang mabait ang babae kaya napanatag sya at kahit papano ay hndi nya naalala ang iniwang mga mahal na magulang..
tumatakbo na ang barko ng mga sandaling iyon, inaya sya ni mara kumain,guzto nya sanang tumangi dahil may baon naman sya at pangalawa tama lang amg pera na dala nya, at mukha naman nababasa ni mara ang kung ano ang nasa isip nya.
mara: halika kana lara, sumama kana sa akin ,kumain tayo, wag ka mag alala ako naman magbabayad ee,
lara: huhh, aamp, wag nalang. nakakahiya at saka may baon naman ako,
mara: dont be shy,come on.. wag kana mahiya sa akin, tara kumain na tayo at makahigop tayo ng mainit na Noodles.
wala na ngang nagawa si lara at sumama nalang sya dito, nagpunta nga sila kung saan nakakabili ng pagkain sa loob ng barko, habang nasa lamesa at kumakain panay pa din kwento ni mara tungkol sa napapangasawa nito,
mara: alam mu lara, ang swerte ko talaga sa napangasawa ko, bukod sa gwapo na at mayaman, mabait pa at malambing,
na impressed naman si lara sa mga sinasabi ni mara tungkol sa kanyang asawa, iniisip ni lara na sanay makatagpo din sya ng ganun klasing lalaki, minsan na kasi syang nagmahal nuon peru niloko lang sya nito at pinagpalit sa iba, kaya mula nuon hndi na sya nag nobyo pa uli, hndi pa handa ang kanyang puso na nasaktan ng labis nuon..nabigla pa sya ng bigla syang kinalabit ni mara, naisturbo tuloy ang kanyang pag mumuni muni.
lara: ha? anu yun mara,may sinasabi kaba?
mara: ang sabi ko, isukat mu nga itong sing sing ko, wedding ring namin to ng asawa ko, tingnan lang natin kung babagay ba sa kamay mu.. mukhang mag kasing sukat kc tayo ng daliri,
lara: naku mara,huwag na!!!
mara: sige na..try lang naman, at wala na ngang magawa si lara ng iniabot na sa kanya ang isang mamahaling wedding ring, at isinukat nya nga ito, at laking gulat nya na kasyang kasya nga ito sa kanyang daliri,
mara: o diba kasya din sayo, bagay na bagay din sa daliri mu lara!!! tuwang tuwa sila sa mga sandaling yun, ang hndi nila alam, nasusunog na pala ang barko, naghihiyawan na ang mga pasahero, parito paroon, hndi alam ang gagawain, may nag sipagtalonan na sa dagat ang ibang pasahero,
lara: mara mukhang nasusunog ang barko,
mara: uu nga halika ka dun tayo sa bahaging yun, agad silang nagtungo sa may kabilang banda kung saan nandun ang mga lifejacket, at nakalimutan na ni mara ang kanyang singsing na nasa daliri pa ni lara,
agad naman nakakuha ng lifejacket si mara subalit isa lang ito,mara: tumalon na tayo lara, humawak ka lang sakin,
lara:ikaw na mauna mara, sige na okie lang ako, at promise pag nakatalon kana tatalon din agad ako,
mara: sige promise mu haa!!! at yun na yung huli nila pagkikita ni mara..hndi na namalayan ni lara ang mga sumunod na nangyari dahil bigla nalang may bumagsak sa kanyang ulo na matigas na bagay,
agad naman nasaklulohan ang aksedenting nangyari dahil hndi pa masyadong malayo ang barko sa baybayin,
nagising si lara ng nakabenda ang buo nyang mukha, at hndi nya maigalaw ang buo nyang katawan..iminulat nya ang kanyang mga mata, at isang matipunong lalaki ang nasa tabi ng kanyang kamang kinahihigaan, nakatulog ito habang nasandal sa upoan, tiningnan nya ang lalaki, napaka gwapo nito, ang matangos na ilong, mapupulang mga labi, at tingin nya matangkad ang lalaki at napaka matcho nito, sinu kaya sya at bakit sya nandito sa tabi ko tanong ni lara sa kanyang sarili. iginalaw ni lara ang kanyang katawan subalit nagdulot lang iyon ng sakit sa kanyang buong katawan dahilan para mapaungol sya,aahhmp, kaya biglang nagising ang lalaki na nasa kanyang tabi,
Ruel Villa Cerna, isang kilalang tao nagmula sa mayamang pamilya, sya ang asawa ni mara rameriz villa cerna,
Ruel: sweetheart mabuti at gising kana, wag mu muna piliting ikilos ang katawan mu ha,malambing na pagkasabi habang hinahalikan ang kanyang daliri kung saan nakasuot ang wedding ring na pinasukat lang sa kanya ni mara nung nasa barko pa sila, pinilit ni lara magsalita ngunit hndi nya magawa dahil sa bendang nakabalot sa kanyang mukha puro ungol lamang ang kanyang nagagawa,
ruel: sweety magpahinga ka muna haa! masaya ako at nakaligtas ka,kaya pls magpakatatag ka, nandito lang ako sa tabi mu sweetheart hndi ako aalis, puro ungol lamang ang tanging naisagot ni lara, nais nyang itanung sa lalaki kung sinu ito at bakit tinatawag sya nitong sweetheart, nagtataka sya subalit alam nyang wala naman syang nobyo,
hndi pa din lubos maisip ni lara kung anu talaga ang nangyari sa kanya at papanu sya napunta sa lugar na yun na alam nyang hospital iyon, matagal tagal din syang nakatulog,iginala nya ulit ang paningin sa buong silid, nandun ulit ang lalaki sa may pinto ngunit may kausap ito, isang doctor, ang pinilit nyang pakingan ang usapan ng dalawa
ruel: doc kumusta na ho ang kalagayan ng misis ko,
Doctor: medjo matagalan pa amg iyong asawa mr villa cerna, matindi ang damage sa kanyang mukha, at natitiyak kung magdulot ito ng malaking peklat sa kanyang mukha,
ruel, doc gawin nyo ang lahat para maibalik sa normal ang asawa ko,
doctor: gagawin namin ang lahat ng aming makakaya mr villa cerna, ngunit ito lamang ang masasabi ko, kailangan natin maoperahan ang kanyang mukha, para maibalik sa normal ang kanyang mukha, turan ng doctor, at dahil dinig na dinig ni lara ang pinag usapan ng dalawa, ngaun tiyak na nya na napag kamalan sya ng lalaking ito na kanyang asawa, subalit nagkakamali ito, kaya pinilit nya magsalita, nais nyang sabihin sa mga ito ang kanyang pangalan,