HELLO :D
This chapter is dedicated to her :) I don't know her personally but I just want to thank her for reading this story and for following my account :D
That's all!
Enjoy reading ;)
~TILY
___________________________________________________________________
CHRISTIAN'S POV
Nagising ako dahil tunog ng maingay kong phone. Kinapa ko ito sa beside table ko at sinagot yung tawag.
"yes?" I asked with my husky voice dahil inaantok pa ako
"yes ka jan?! bumangon ka na tanghali na! Nandito ko sa labas ng bahay nyo." nabigla naman ako sa narinig ko at mabilis na bumangon mula sa masarap na pagkakahiga ko. Pagtingin ko sa phone ko, naka-end na yung call. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba para matingnan kung sino ang nasa labas. hindi ko kasi masyadong mabosesan dahil antok na antok pa ako pero pakiramdam ko si Nath yun.
Pagbukas ko ng pinto, hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Nakita ko agad si Nath, pero may kasama sya. Yung manliligaw nya. :/
"oh? What brought you here?" cold na tanong ko sa kanya. Parang wala lang naman sa kanya dahil full smile padin sya. Sobrang layo ung ngiti nya dun sa boses a narinig kong masungit kanina.
"Aayain ka sana namin eh. Pupunta kasi kami sa theme park. E diba dream natin na pumunta dun together?"
"ahh ganun ba? Sige kayo nalang. masama pakiramdam ko eh...tsaka ang dream natin tayong dalawa lang" pabulong ko lang na sinabi yung dulo, siguro hindi na nya narinig.
"hay nako, ang arte mo talaga! Dali na mag-ayus ka na!" tapos hinatak nya ako papasok ng bahay kaya naiwan yung kasama nya sa labas. Dinala nya ako sa kwarto ko na parang bata at pilit na pinagtulakan sa cr.
"Bilisan mo na maligo ka na! Wag ka ng magtampo, please???" shet. Yun yung hindi ko matatanggihan sa kanya eh... -.-
hindi nalang ako sumagot at naligo na.
"baba muna ko, papasukin ko lang si Cy." then narinig ko na yung pagsara ng pinto ng kwarto.
After 20 minutes ay lumabas na ako ng cr. Nagsuot lang ako ng white t-shirt tapos maong shorts at vans shoes. Kundi lang talaga si Nath ang pumilit sakin, di naman ako sasama jan.
Maya-maya ay bumukas yung pinto ng kwarto. Nasa harap ako ng salamin nun, nag-aayos ng buhok.
"Bakit ba ang tagal mong bumaba? Naiinip na si Cy dun"
"edi paunahin mo na sya. Alam mo namang mabagal akong mag-ayos eh"
"alam mo ikaw, ang arte mo! ano ba kinagaganyan mo???" halatang naiinis na sya sa kinikilos ko. Napansin na siguro nyang nagiging cold ako sa kanya
"Baket? Ganun pa din naman ako ha?"
"Ewan ko sayo!" tapos ay tialikuran na nya ko at bumaba. Sumunod nadin naman ako sa kanya. Nakita ko yung mokong na nakaupo sa sofa. At aba! Feel na feel nya ang pagkakaupo ah! Nakataas pa ang paa sa center table! tss
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND
Novela JuvenilMinsan talaga hindi natin maiwasan na mafall sa kaibigan eh. Why? Syempre, lagi natin silang kasama. Or kung hindi man, lagi naman silang nandyan para pasayahin tayo. Yung tipong, sa kanya mo nakikita yung ideal partner mo... yung tipong, pinaparamd...