Wala akong idea kung para saan ba ito, ang alam ko lang isa to sa paraan ko para makahinga man lang ako sa sakit na nadarama ko, sa mga hinanakit ko, lalo na't wala akong masabihan. Ang sakit, ang bigat na.
Maganda naman daw ako, mabait, swerte nya daw kse girlfriend nya ako, sabi nila ang swerte daw ng mapapangasawa ko, pero bakit ganun nya ako kadalas kung bitawan? tuwi-tuwina nalang bang mag aaway kami ay sasabihan nya akong "bahala ka na sa buhay mo pakasaya ka na ge" Ang sakit, sobra. 2yrs. & 10 Months na kami, mag ta-tatlong taon na kami! Madalas na akong nasasaktan emosyonal, madalas na akong napapagod pisikal at emosyonal, madalas na akong umiiyak, galing akong trabaho hindi nya ako kayang intindihin malamang pagod ako pero nagagawa pa din nya akong awayin, kailangan bang ako nalang palagi ang iintindi? oo sabihin nating iniitindi nya ako pero bakit parang hindi ko madama :'(.
Ang sakit pala talaga no? Kahit alam mong ginawa mo na lahat. Nagpaliwanag ka na lahat lahat pero wala pa ding silbi, Yung mga nasa isip nya yun lang talaga iintindihin nya? Paano naman yung side ko? Ganun ba talaga nya ako kabilis bitawan? Hindi man lang nya inintindi o pinakinggan ng maayos yung paliwanag ko, sa palaging away namin madalas na lang nya akong gustong hiwalayan baka ayaw na talaga nya. Sa mga salitang binibitawan nyang nakakasakit na talaga na para bang kinamumuhian nya ako, mga salitang tumatatak sa isipan ko na hindi ko inaasahang sakanya pa nanggagaling, mga salitang para bang wala akong ginawang hindi maganda, yung parang hindi kami naging masaya at puro sakit lang ang dulot ko sa kanya. Ganun ba talaga ako kasama? Ginawa ko naman lahat, natuto akong bumawe sa mga pag kakamali ko, hindi ako nag kulang.
Sabi nya mag paka totoo daw ako, sinungaling ba ako? Maging totoo? Oo nga no? Kahit ano kseng sabihin ko (mali pa din) kahit anong paliwanag ko (mali pa din) kapag ayaw mo ng away at gusto mo nalang manahimik (mali pa din) at kahit sabihin kong napapagod din ako at nasasaktan (mali pa din).
"walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari kung iimik pa ba o mananahimik nalang at sa tuwing magpapaliwang pakinggan mo naman ako, akala mo ikaw lang ang marunong tumama paminsan minsan tama rin ako, may tama rin ako"
-May tama rin ako by: Jr SiabocAng dami kong hinaing, ang dami kong gustong sabihin, nahihirapan na ako, napapagod din ako. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari, baka kse mamaya pagkagising ko hindi na ako tanga para habulin siya ng paulit-ulit.
-alou21 ; 02:56AM