"Kevin!" napatigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa aking likuran nang may marinig ako'ng tumawag sa akin. Nakita ko si Umin na tumatakbo palapit sa akin habang ingat na ingat sa hawak na paper bag. At nakakasiguro akong pagkain ang laman 'non.
Malakas na nagbuga siya ng hangin nang tumigil sa tapat ko bago ako malapad na nginitan. Kung umasta ang isang ito akala mo close kami.
"Himala! Maaga ka atang bumalik ngayon sa FIU. Sabay na tayo!" sabi niya sa akin pero sa hawak niyang siopao na nakatuon ang mga mata. Hindi na bago ang eksenang ito sa akin dahil wala pa atang pagkakataon na nakaharap ko ito na walang bitbit na kahit na anong uri ng pagkain.
Nailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Kung ang iba'y naglalaway pag nakakita ng masasarap na pagkain, ito'y buong katawan ang naglalaway marinig lang ang salitang 'pagkain'.
"Ayoko ng maraming kasabay pagpasok. Napaka-ingay!" matabang na sagot ko at pagilid na tiningnan ang masibang sumabay ng paglalakad sa akin. Kasalukuyang nilalantakan na nito ang bitbit na special siopao.
Dati kasi ay hapon na ako kung dumating sa FIU dahil wala naman akong gagawin dito kung aagahan ko, pero dahil dito sa buwiset na katabi ko ay kinailangan kong magbago ng nakagawian.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at sumibol ang nakakalokong tingin bago tumawa ng nakakaasar. Mukha lang talagang inosenteng hamster ang isang ito ngunit ang totoong katauhan nito ay isang nakakainis na payaso.
"Wag mo'ng sabihin nadala ka na dahil sa nangyari last week." nagawa pang sabihin nito na dahilan para tiningnan ko siya ng masama. Ngunit lalo lang naging mapang-asar ang ngiti nito.
"Gusto mo'ng ipalunok ko sa iyo ng buo yang kinakain mo." malumanay pero puno ng diing sabi ko sa lokong si Umin.
Pero dahil sa may sa abnormal ang isang ito ay sunod sunod ang ginawa nitong pagkagat sa siopao at saka malapad na ngumiti sa akin. Kitang kita ko sa gilid ng bukas na bibig nito ang mga kinagat na siopao. Kaadwa talaga!
"Baliw!" tanging nasabi ko na lang at mas binilisan ang paglalakad. Mas lalo itong nagmukhang hamster dahil sa pag-umbok ng magkabilang pisngi nito.
"Masyado kang pikon ang aga aga, eh! Hindi mo man lang ba na-enjoy ang magandang view habang nasa karagatan ka, ang sariwang hangin at magagandang chicks na nakasabay mo? Kung hindi... wala na akong magagawa sa kalagayan mo, pare. Hay... ang saklap maging isang Kevin Drew Li. Hay talaga!" nailing na sabi nito kasabay ang sunod sunod ulit na pagkagat sa siopao.
Matalim ang binigay kong tingin sa kaniya nang muli akong tumigil sa paglalakad at lingunin siya. Lakas talagang mang-inis ng isang ito. Wala naman akong naaalala na hiningi ko ang opiniyon niya.
"Alam mo, hindi ako magsasawang iparanas sayo kung gaano kamalas maging isang Xiumin Kim pag hindi mo itinikom 'yang bibig mo!" nagbabantang sabi ko.
At ang magaling na payaso ay harap harapang nagkibit-balikat lang bago muling nilantakan ang nangangalahati ng siopao.
"Buwisit!" asar na sabi ko na lang at pinasyang ipagpatuloy ang paglalakad kaysa sayangin ang oras sa isang ito.
Pero mukhang hindi umaayon ang araw na ito sa akin dahil hindi lang pala ang payaso ang may balak na inisin ako ngayon.
"Nice catch!" narinig kong sabi ni Umin mula sa aking likuran.
Muli kasi akong napatigil sa paglalakad nang biglang may bolang humagis sa direksyon ko at kung hindi ko agad 'yon nasalo ay sasakto ito sa mukha ko. At kung nangyari iyon ay lalo lang akong maba-bad trip.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasíaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...