Rebound

4.8K 87 7
                                    

It's our 1st monthsary!

I made sure that everything is perfect. Dinner for two sa favourite niyang restaurant, then I took a glance on the watch that he wanted. Binili ko for him. 

Excited at kinakabahan na ko. Grabe sana masurprise talaga siya dito sa ginawa ko.

Susunduin ko na nga sya sa gym.

Nadatnan ko si Nash na malalim ang iniisip.

"Honey, are you alright?"

"Shar! Kanina ka pa nandyan?" Mukhang gulat na gulat syang Makita ako.

"Hindi naman hon, bakit may iba ka bang ineexpect?"

"Ahhh.... Ehhh... Wala naman... Uuwi ka na ba?"

"Oo, magpapaalam lang sana ako sayo eh." Hindi ko alam pero nalulungkot ang puso ko. Bakit hindi ganun kasigla si Nash pag ako ang nakakasama niya. Pero nung napansin sya ni Angeli, abot langit ang ngiti niya.

"Hindi mo naman kailangan pumunta pa dito eh. Sana tinext mo na lang ako." Naiiritang sabi niya.

Lalo tuloy akong nalungkot. "I'm sorry Nash!"

Tumayo sya at pinulot ang bola, i-shinoot niya ito at nagsimula syang magdrible.

Umupo naman ako at inilapag ang gamit ko.

"Umuwi ka na." Sabi niya sakin. Walang emosyon sa mukha niya at hindi man lang sya tumitingin sakin. Mali ba ang ginawa ko na puntahan siya dito?

"Nash, kung nagagalit ka..."

Bigla niyang hinampas ng malakas ang bola sa sahig. Nagpatalbog talbog iyon ganun na lang ang kabog ng dibdib ko at sinabayan niya pa ng pagsigaw. "Sabi nang umuwi ka na eh!"

Kinabahan talaga ko ng sobra. Hindi ko pa nakitang nagalit ng ganun si Nash kahit kanino, lalo na sakin. Sa sobrang kaba ko ay binitbit ko agad ang gamit ko at lumabas na ko gym.

Naiyak na ko sa sobrang sama ng loob.

Bakit??????

 Hindi iyon ang Nash na minahal ko.

Hindi sya ang best friend ko.

Mula nang naging boyfriend ko sya, iba ang naging pakitungo nya sakin. Ginagawa ko naman lahat eh. Binibigay ko lahat ng kaya ko para lang sumaya sya, ano pa nga ba ang kulang?

Gusto kong bumalik sa gym at kausapin sya para ayusin to. Gusto kong tapatin sya na natatakot na ko sa kinikilos at pakikitungo nya sakin, siguro naman may karapatan ako dahil best friend ko sya.

Nagdesisyon na kong bumalik.

Pero.......

Iba ang nadatnan ko.

Isang mainit na halikan ang nasaksihan ko. Kitang kita ko ang higpit ng pagkakayakap ni Nash kay Angeli. Kinarga niya pa ito habang hinahalikan. Matapos ng ilang sandali ay ibinaba niya ito ulit.

"I miss those kisses. I miss you!" Parang asong sabi ni Nash at aktong hahalik syang muli pero umiwas si Angeli.

"I miss you too Nash." Malanding sabi ni Angeli.  "I want you back. Wala na kami Keiffer. This time, pwede na tayo, yun ay kung papayag ka."

Parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko. Nakita ko na naiwan ko pala ang envelope ko sa inupuan ko kanina. I need to get it, way ko na rin siguro para kumpruntahin sila pero nagsalita si Nash.

"Angeli, ikaw talaga ang gusto ko. Pinilit kong ibaling ang pagmamahal ko sa iba pero sayo pa rin ako na ti-thrill."

Napapikit ako sa narinig ko mula kay Nash. All this time rebound lang ako????

"Alam kong mali, best friend ko si Sharlene. Pero alam ko rin na may pagtingin sya sakin, matagal na syang may gusto pero di lang niya sinasabi dahil siguro pinapahalagahan niya ang friendship namin. Pero ikaw talaga ang mahal ko eh. Sayo lang ako sasaya."

Pinahid ko ang luha ko. Inayos ang sarili pero maluha luha pa rin akong pumasok sa gym. Nagulat silang dalawa at parang nakakita ng multo.

Dinampot ko ang envelope ko, inirapan si Angeli at sinampal ko ng malakas si Nash. They are still in the state of shock at nanginginig ang buo kong katawan.

"Shar... Let me explain!"

Tumulo na naman ang luha ko at tumakbo ako palabas. Narinig ko naman na sinusundan ako ni Nash.

"Honey... Please wait! I'm sorry!" Naabutan niya ako. He grabbed my arms and hinarap niya ko sa kanya.

"Manloloko ka! Sinungaling! Rebound lang pala ko sayo! Taksil ka na, manggagamit ka pa! Napakasakit ng ginawa mo sakin Nash. All this time alam mo pala na may nararamdaman ako sayo pero binestfriend mo pa rin ako! I did everything to please you!Lahat ng pinapagawa mo sinunod ko. Kinalimutan ko ang sarili ko para sayo!!! Laging ikaw ang inuna ko. Pati pagsisinungaling sa parents ko nagawa ko dahil sa lintik na pagmamahal ko sayo!"

Nakayuko lang siya at hindi makatingin sakin. Pero hindi pa ko tapos. Sasabihin ko pa lahat ng gusto kong sabihin, dahil sa 3 years, ngayon lang ako nagkalakas ng loob.

"Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nagpapakatanga! Ikaw na ang sentro ng mundo ko. Pag kailangan mo ko laging Oo Nash, Sure Nash, Para sayo Nash, Basta Ikaw! Pag sinabi mong pumunta ko sa ganito, ilang minute lang dumarating ako! Kapag sinabi mong wag kong gawin hindi ko ginagawa. Pero alam mo ba kung bakit nasasaktan ako ngayon? Kasi pinilit mo kong mahalin pero hindi mo nakaya! Si Angeli pa rin diba? Siya pa rin yang laman ng puso mo!"

Sinubukan niya akong yakapin. Pero umatras ako.

"Akala ko kaya ka nagkakaganyan kasi there is something wrong with me. Pero hindi sakin Nash, sayo! Something's wrong with you, coz you're still in love with her. The way you kissed her tells it all. Nakita ko kung gaano ka kabaliw sa babaeng iyon!"

Nakikita ko ang awa at guilt sa mata niya ngayon. Pero nadistract ako ng biglang lumabas si Angeli na nakataas ang isang kilay.

"Shar... I'm so stupid for hurting you." Hinawakan niya ang kamay ko pero lalo lang nag stir up yung galit ko para sa kanya.

"Yes you're stupid. From now on, pinuputol ko na ang kahit anong connection natin. Hindi na kita boyfriend at lalong lalo nang hindi na kita best friend! Go to hell cheater!"

Tumakbo na ko palayo.

Ang tanga tanga ko!

Sinasabi ko na nga ba eh. Ginagamit lang ako ni Nash na taga gawa ng assignments at project, pero pag naigawa ko na siya, tapos na ang papel ko sa buhay niya.

Hindi ko alam ngayon kung saan ako magsisimula.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon