Chapter 11: The Ritual

562 123 10
                                    

Chapter 11: The Ritual

Hahanapin ko na sana sa palibot ko kung sino ba ang naunang tinawag nang mapansin kong unti-unting dumilat ang katabi ko saka bumuntong hininga.

Inulit ng tawag si Beatrix Vixen kaya tumayo siya't nilagpasan ang kinauupuan ko nang walang lingon-lingon sa akin kahit na mismo sa ibang studyante. Diretso lamang ang tingin niya at kahit bakas na kaba'y hindi ko makikita mula sa kaniya.

Kita ko ang katangkaran niya. Aninag ko rin mula dito sa likod ang mahaba't matuwid niyang kulay tsokolate na buhok na hanggang bewang. May kurba rin ang katawan niya, iyong tipong mala coca cola body.

Napaawang ang aking bibig. Ang astig niyang tingnan lalo na nang paglakad niya pababa papunta sa gitna kung nasaan naroon ang matandang dalubhasa na siyang gagawa sa ritual. Para bang wala lang sa kaniya ang posibleng mangyari. Baka nasanay na siya at hindi na bago ang ganito para sa kaniya.

Pagkatapak palang ni Beatrix sa gitna ay sinuri agad siya ng matanda. Umikot ito sa kaniya habang nakatukod ang staff nito sa sahig. Tinitingnang mabuti ng matanda ang bawat parte ng katawan nito.

Nakakabingi ang katahimikan ng buong bulwagan. Halata na nakatuon lamang ang atensiyon ng karamihan sa unang transferee na siyang unang susubok sa ritual. Tanging ang tunog lamang ng tungkod ng matanda ang naririnig ko.

Napansin kong nagsalita ang matanda pero hindi ko makuha ang mga salitang sinasabi nito. Pero, nakita kong tumango lamang si Beatrix saka kinuha sa pahabang mesa ang isang kumikinang na kulay gintong kutsilyo. Kunot noo akong napatutok dahil sa kalituhan at katanungan kung para saan ito.

Nagulat ako sa sunod na nangyari. Hindi lamang ako kun'di pati na rin ang mga kasama kong bagong studyante sa akademyang ito.

Biglaan niyang sinugatan ang kaniyang pulso gamit ang kutsilyo saka pinatulo ang dugo sa mangkok na may tubig. Napansin kong napangiwi ang bahaging bibig ni Beatrix habang pilit na pinapaagos ang kaniyang dugo mula sa sugat na natamo nito. Lahat ay nakatingin lamang sa gitna, hinihintay ang susunod na mangyari.

Ilang minuto ang lumipas ay napatakip ako sa aking mukha dahil lumiwanag sa lugar kung nasaan naroon ang ginagawang ritual. Habang lumalaki ay gano'n din ang pagsigaw ni Beatrix na siyang tinig lang ang niya ang maririnig namin sa buong silid. Napakalakas na para bang kulang nalang ay malalagutan na siya ng hininga. Kinakabahan na rin ako. Hindi ko alam kung bakit.

Unti-unting nawala ang liwanag. Bago ito mawala ng tuluyan, pumorma ang liwanag ng isang simbolo.

Isang simbolo na sa gitna nito ay may malaking kulay asul na may apat na linya at hinahati ang bawat isa upang makabuo ng kurba sa dulo. Sa gitna ng mga linya na ito ay may parisukat at sa loob naman ay maliit na bilog. Pinalibutan ang malaking simbolong kulay asul ng mga maliliit na bilog na nagliliwanagan ng iba't ibang kulay. May kulay pula, berde, dilaw at iba pa. Pagkawala ng simbolong ito, nakita kong may lumiwanag sa bandang braso ni Beatrix at naaninag kong umukit pala dito ang simbolong lumabas kanina lang.

"Another member of Elementals and has the elemental power of Ice. Let's welcome, Beatrix Vixen!"

Hindi nga ako nagkamali na ang simbolong iyon ay simbolo ng Elementals na mga nilalang. At ang asul na nasa gitna ay ang main ability niya which is Ice. Nagtayuan ang mga grupong nabibilang dito at agad naman siyang ni-welcome nila pagkapunta agad niya sa kanilang lugar.

Nagpalakpakan din kami at pagkatapos ay tinawag na ang sunod na baguhang studyante na gagawa ng ritual. Gano'n pa rin ang nangyari at ang sumunod ay napunta sa mga Gods and Goddesses.

~*~

Tningnan ko ang aking palibot at tatlo nalang kaming naiiwan na mga transferees. Sa mga oras na nagdaan, unti-unting nauubos ang mga upuan dito sa likurang banda ng buong silid. May tinawag na naman, isang lalaki kaya dalawa nalang kaming naiwan.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon