ENTRY #34: ANG MAY KASALANAN BY ANINGNESS (LATE ENTRY)

1.7K 17 1
                                    

Title: ANG MAY KASALANAN
Author: aningness
Genre: Adult Fiction
Date Submitted: September 1, 2016
Word Count: 1,554

STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

A riot of sensation assaulted her as she saw Desiree and Eugene coming. They were holding hands while walking and talking with each other.

Putang ina.

Boyfriend niya si Eugene at walang karapatan si Desiree na maging ganyan kalapit sa pagmamay-ari niya.  Tatayo siya at susugurin sila. . . Kunwari. Iyon ang nasa isip niyang gagawin kung boyfriend nga niya si Eugene.

Muntik na kasi. Ngayon ay nangangarap na lamang siya ng gising.

"Hi, Vika!" Magiliw na bati ng binata pagkakita sa kanya. Malaking ngiti ang sinukli niya. Kumaway ito pati na rin sa kanyang mga kasama.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang makapwesto ang mga ito sa kabilang table.

Buti pala kasabay niya ang teammates ngayong lunch dahil kung mag-isa siya, makiki-share ang mga ito sa table. Nangyari na iyon minsan at hindi maganda sa pakiramdam. Okay sana kung si Eugene lang.

"Jealous?" panunudyo ng teammate niyang si Ywa.

Nagtawanan ang tatlo niyang kasama. Hindi kasi lingid sa mga ito ang pagkagusto niya kay Eugene at ang pagkagusto rin nito sa kanya... noon.

They could have been it. Noong hindi pa dumadating sa kompanya si Desiree.

Hindi siya nagseselos. Of all the shits, jealous is an understatement. Mula nang dumating si Desiree, siya na ang nakikita ng lahat. Maganda, matangkad, makinis, mukhang anghel at ayon sa iba, napakabait. Ngunit sa obserbasyon niya, snob ito. Pati si Eugene na siya ang kinukulit at pinupuntahan sa department ay nabaling sa babae.

Maganda rin naman si Vika - iyong simple ang ganda. Ngunit kung ikukumpara, na siya ring iniintindi niya, walang-wala siya sa artistahin at sexy na dalaga.

Nakangiti si Eugene habang pinagmamasdan si Desiree na kumain.

Nakakainggit ang puta.

Binaling niya sa pagkain ang atensyon. Nasasaktan siya at gusto niyang malunod sa pagkabusog ng tiyan kaysa mamatay na sa pagkabusog sa sama ng loob.

"Akin na lang?" tukoy niya sa hindi pa nauubos na pagkain ng mga kasama.

———

Eugene didn't know how long they were curled against each other on the couch, silently kissing.

Natatawang tinulak ni Desiree ang binata na gumugusto pa. "Nangangawit  na ako."

Ngumisi si Eugene at pinaglaruan ang mga daliri ng dalaga. "Tara sa kwarto."

Malanding humagikhik si Desiree at tumakbo sa kwarto. Agad niya itong sinundan sa kasabikan. Sa buong magdamag ay sinamba niya ang pinakamagandang dalaga.

There's a girl, she's amazing and she's okay.

Habang hinihintay sa lobby ang nobya ay namataan ni Eugene si Vika. Kumabog ang dibdib niya sa imahe nitong may yakap na supot ng mga pagkain. Gusto niya lumapit sa dalaga. Na hindi pwede.

Sinundan niya ng tingin ang babae na siyang nakasalubong ng hinihintay niya. Magarbong nilampasan ni Desiree si Vika.

"Let's go, Eugene."

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon