Si Angelica ay isang magaling na manunulat sa kanyang henerasyon, marami na syang naisulat patungkol sa mga kababalaghan, Fantasy, at higit sa lahat Romance.
Ngunit kahit sya ay isang magaling na manunulat parang feeling nya laging may kulang kahit na marami na syang tagahanga parang iniisip pa rin nya kung bakit hindi pa sya makuntento kung ano ang ibigay sa kanya..
"Alam mo bes kung ano kulang sayo? Love life" nakangiting sabi sa kanya ng kanyang kaibigan na si Jenifer.
"parang hindi naman, siguro dahil sa mag isa lang ako sa condo ko kaya ganun" sabi nya, tinaasan lang sya ng kilay ng kaibigan nya kahit saan kasi magpunta si Angelica dala dala nya pa rin ang laptop nya para magsulat.
"bes lovelife nga yan, pano naman kasi mo mai-entertain ang mga boylets mo kung pagpipindot mo diyan ang inaatupag mo"
Napatingin naman si Angelica sa sinabi nito, siguro iyon ang mali sa kanya masyado na syang nalalayo sa totoong mundo kaya hindi na niya nakikita ang mga nakapaligid sa kanya.
"bes payo ko lang ha, kahit isang araw mag ayos ka, tingnan mo nga sarili mo, dinaig mo pa ang maraming anak sa suot mo ngayon" sabi ni Jenifer nag aalala kasi siya sa kaibigan niya dahil, hindi na maasikaso nito ang kanyang sarili.
Alam nya kasing mag isa na lang ito sa buhay, dahil sa biglaang pag iwan ng pamilya nito sa kaibigan nya.
"ok pa naman ang suot ko wah, kung ano nakikita ng mga lalaki sa akin yun ako, wala akong itago sa kanila, kung mamahalin nila ako na ganito ako, salamat, kung hindi ok lang" sabi pa ni Angelica, kaya napabuntong hininga na lang si Jenifer sa tinuran ng kanyang kaibigan.
Pero ang hindi alam ni Jenifer napaisip nga sya sa sinabi ng kanyang kaibigan, siguro ito nga ang dahilan kung bakit wala pa syang lovelife.
Lumipas ang mga araw at napagdesiyunan na ni Angelica na magpaganda ng kanyang sarili, at balak sana nyang surpesahin ang kanyang kaibigan.
Nagpunta sya sa mall kung san namili sya ng mga damit na aangkop sa kanya, nagpunta na rin siya sa isang sikat na salon para magpaganda.
Palabas na sya ng mall at takaw pansin ang kanyang kagandahan, aakalain mong isa syang artista, lahat ng tao ay hindi maiwasang mapalingon sa kanya.
Pumunta na sya ng parking lot para makapunta sa kanyang kaibigan.
"bes papunta na ako diyan, may maganda akong balita sayo" masayang sabi ni Angelica. Mula sa cellphone
Um-ok na lang ang kanyang kaibigan na parang hindi interesado sa kanya ibabalita.
Napasimangot naman si Angelica dahil kung kailang gusto nyang madiliin ang oras, tsaka pa ito nagbagal.
Napakabagal ng usad ng trapiko at dinig na dinig mo ang mga busina ng mga sasakyan na animoy galit na.
"siguro may aksidente kaya traffic" bulong nya sa sarili..
At tama nga sya ng hinala, dahil nakita nya ang isang pulang kotseng nakapailalim sa isang truck kung titingnan mo ito, aakalain mong hindi makakaligtas ang drayber ng kotse.
Nakita nya ang isang lalaking duguan at halos hindi na makilala, sa tama nitong natamo.
Napatitig sya ito sa lalaki at nakaramdam ng awa. Nagulat na lamang sya na bigla itong napalingon sa kanya.
"kawawa naman sya" sabi pa nya sa sarili.
Kahit papunta na sya sa kanyang kaibigan hindi pa rin nyang maiwasan ang lalaking naaksidente ang kaninang excitement ay napalitan ng pagkaawa.
"bes grabe yung aksidente dun sa may españa" bungad nito sa kaibigan, nagulat naman ang kanyang kaibigan dahil hindi nya mamukhaan ang babae.
Sinuri pa ito mula ulo hanggang paa, nakaramdam pa ito ng insecurity, feeling close pa.
YOU ARE READING
One Shot Story Complete
RandomMy first ever straight short story... Insipired by the movie My Boyfriend is a Ghost