Chapter Seven
Julian Hawthorn Lark
UMAGA pa lang ay masakit na ang ulo ni Queen Diamond. Despite her headache, she still went out with Marcie to breathe some fresh air. Si Marcie na lamang ang isinama niya since marunong din naman itong mag-drive. Akala niya maaalis ang sakit ng ulo niya nang makapamasyal pero lalo lang lumala. Nang makaramdam siya ng pananakit sa lower abdominal area niya, alam niyang dadatnan siya. At kung kailan niya kailangan ng sanitary pad ay doon pa siya naubusan. They stopped in a grocery store para magpunta sa comfort room. Nagpabili pa siya ng sanitary pad kay Marcie dahil naubusan ng ganoon sa vending machine. Siya na talaga ang malas sa araw na iyon.
Bago sila umalis ng store ay si Marcie naman ang nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya bumalik ito sa loob. She was waiting beside the car when she saw somebody staring at her. After she saw him smiling, her world spinned and everything was black.
Nagising siya sa ospital at ang amoy ng naghalong medisina ang unang bumungad sa kanya. Nakita niya ang lalaking nakita niya sa parking lot kanina. May kausap ito sa cellphone.
"Honey, magluto ka muna ng kahit ano na nasa fridge ha? Emergency lang. Medyo matatagalan akong umuwi. Love you, Liz. Bye." Binalingan siya nito. He smiled. Biglang nagpanic ang lahat ng lamang-loob niya. Bakit nakangiti ito?
"Where's Marcie?"
"Ha? Ah, 'yong kasama mo. May ibinilin siya," kinuha nito ang note na nasa bedside table at ibinigay sa kanya. She read the note.
Ate, hinanap ako ni Ethan. Kailangan na naming magpunta sa kasal at ihatid 'yong ibinilin mo. Wala ka pang malay pero sabi ng doctor ay kailangan mo ng pahinga. Mabait naman 'yong lalaking tumulong sa atin at nag-volunteer na bantayan ka muna. Hindi ko muna sasabihin kay Ethan ang nangyari since 'di ko alam kung gusto mo iyong ipaalam sa kanya. Babalik po ako agad at magdadahilan na lang sa asawa ko.
She crumbled the paper and dropped it in the trash bin. Alam na alam ni Marcie ang gusto niya. Kampante siyang hindi mag-aalala ang iba niyang kasama. Isa pa, hindi naman malala ang lagay niya at pahinga lang ang kanyang kailangan.
"I'm Julian Hawthorn Lark."
Binalingan niya ang lalaki. She did her best to conceal all the emotions that might betray her. She face him with her coldest expression ever. "I am not asking."
"Just in case you'll be curious. That's my name."
"I'm all right. Thank you. You can go."
"Wala kang kasama rito. Wala pa 'yong kasama mo."
"Babalik 'yon maya-maya. Sanay akong mag-isa kaya pwede ka ng umalis," matigas niyang tugon. Hindi ito umimik. Tumitig lang ito sa kanya na para bang iniisip na siya pa ang tinutulungan tapos siya pa ang galit.
"Ganyan din ang ugali ng anak ko kapag period niya," sabi nito. "But I can't really leave you alone. Don't worry, 'di naman ako nagmamadali. Kapag bumalik ang kasama mo, saka ako aalis. Pangako 'yan."
Nainis siya pero wala siyang sinabi pa. Tumagilid na lamang siya palayo sa direksiyon nito pero ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya. Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya ay aalis na siya sa lugar na iyon. Hindi niya matatagalan ang presensya nito. Kukunin niya sana ang kanyang cellphone pero hindi niya mahanap ang kanyang bag.
"Eto ba ang hinahanap mo?" tanong ng lalaki saka iniabot sa kanya ang bag niya. Kulang na lang ay tumalon siya mula sa hospital bed huwag lang itong mapalapit sa kanya. Tila nagtaka ito sa ikinilos niya. She gathered her composure and took the bag. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-text kay Marcie. Ayaw niyang tumawag dahil siguradong kasama nito si Ethan at baka mang-usisa pa 'yon. "Miss."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...