Chapter 2: When They Meet..

29 3 0
                                    

Miu's Point of View

    "MIURI MIHARU!!" sigaw ni Mats.. Aish!! Ayan na naman siya. Tsk.

        "Babangon na!" sigaw ko pabalik sa kanya. Ang hilig sumigaw! Aish.. 

   Hindi na tuloy natuloy yung panaginip ko kagabi. Pisti naman kasi! Ginawa ko na ang dapat gawin saka ako bumaba. Nakita ko na si Mats na naghahanda na ng plato namin. Syempre, dahil isa akong mabait na kaibigan, umupo ako at hinintay ang pagkain ko.

Napaka-helpful kong kaibigan no? I know that! Joke! XD

    "Bilisan mo ang paglafang ha? Twenty minutes na lang." kalmadong sabi niya. Tumango ako sa kanya at pinaspasan ang pagkain.

    "Grabe, para kang baboy kumain!" kumento niya.

        "Pano pinagmamadali mo akong kumain!" sabi ko na medyo naiinis. Uutusan kang bilisan ang pagkain, tapos kokomentuhan kang para kang baboy kumain! Sinong hindi maiinis niyan diba?!

    "Hehehe.. Actually.." sa sinabi niyang yan, napatigil ako sa pagnguya.

    "Isang oras pa bago magsimula ang school.." sabi niya at bahagyang ngumiti.

   'Nak ng paking tape! Nilunok ko muna lahat ng nasa bibig ko..

        "Bwiset ka! Alam mo bang hindi ko nanamnam yung pagkain?! Bwiset ka! Makaalis na nga!!"

~At Lebeth Academy High~

   Bwiset talaga na babae yun! Gutom pa tuloy ako. Tsk.. Packtape! Sabihan ba naman na bilsian ko ang pagkai -- *BOOOOOOGSSSSHH!!*

        "Oh my golly!! Sorry!!" sabi ko dun sa nabunggo --

     "IKAW?!" sabay naming sabi at sabay pa naming tinuro ang isa't isa.

   Anak ng poching malambot oh! Sa dinami-rami ng pwede kong makasalubong, SIYA PA!! Ito yung lalaking nilapit yung mukha niya sakin sa National Book Store! Arghh!! First day of school pa naman!! Kapag minamalas ka nga naman oh!

     "Anong ginagawa mo dito?!" sabay ulit naming sinigaw.

     "Mag-aaral malamang!" sabay po ulit kami..

     "Wag mo nga akong gayahin!" nagkasabay po ulit kami. Nakakaasar na ha! Siya nga tong gaya ng gaya sakin eh!!

     "Ano ba?!" sabay po ulit. ANO BA HA?! MAY SABAYANG PAGBIGKAS BANG NAGAGANAP?! SABIHIN NIYO LANG!!

     "Sabi nang wag mo akong gayahi --" bago pa namin maituloy yung sasabihin namin, may lalake nang humarang sa pagitan namin.

    "Whoa.. Easy there you two.. Wag kayong gumawa ng eksena sa first week. Nakakahiya kamo kayo. First day palang you're gonna cause trouble. Tsk tsk.." sabi nung lalaking humarang sa gitna namin. Mas matangkad siguro siya ng five or four inches dun kay Cocky Man. CM for short. Ang haba eh, paikliin na lang diba?

        "Teka sino ka ba, ha?" tanong ko dun sa lalaking pumigil samin na magbangayan.

    "Bestfriend ako ng lalaking kaaway mo." sabi niya. Grabe sinabi niya yung pangalan niya.. Tss.. Pero wait, mag-bestfriends lang sila eh magkamukhang-magkamukha sila! May part rin na may pinagkaiba yung mukha nila, pero kung titignan mo, para silang magkapatid.

    "Eh ikaw, sino ka ba?" tanong nung bestfreind ni CM.

        "Miu Villaflores is the name. Ano ba pangalan niyo?!" nakakairita na ha!

I'm Just a DREAMER {On-going Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon