PROLOGUE

35 1 0
                                    

*BOOOMM BOOOMM*

"MAGHANDA KAYO NG MARAMING SANDATA!!" sigaw ni Ama sa mga kawal

"OPO!" sagot ng mga kawal

"INGATAN NYO ANG REYNA. HINDI NILA PWEDENG MAKUHA ANG AKING ASAWA!"

Nagkakagulo ang lahat habang umaatake ang mga taga kabilang panig na kung tawagin ay mga Dark Sorcerers.... Kami naman ang mga White Sorcerers. ..

Natataranta ako sa mga nangyayari... Napaatras nalang ako sa kinatatayuan ko dahil ang dami ng namamatay dito na White Sorcerers.... Tumakbo nalang ako ng mabilis saka pumunta sa kwarto ni Ina. Hindi ko kaya ang mga nangyayari sa paligid ko...

Pumasok ako sa kwarto ni ina at nilock kaagad ang pinto

"Myka, a-anak" sabi ni Ina.

"Ina.. Sinasalakay na tayo ng Dark Sorcerers" nanginginig na sabi ko.

"Mga masasama! Napakasama talaga ng kapatid ko" sabi ni ina na may bahid ng galit sa boses nya

Masasama talaga sila

"Ina. Dito lang kayo ah lalaban ako, tutulong ako kila ama" ako.

"Anak wag!. hindi pa sapat ang kakayahan mo para lumaban sa mga kalaban" nagaalalang sabi ni Ina

"Pero ina.. Kaya ko na ang sarili ko alam ko ng gamitin ang mahika ko ina" ako

Gusto ko talagang makatulong.

"Anak hindi mo pa alam ang tunay mong kapangyarihan maaaring ikaw ang nagtataglay ng kapangyarihan ng limang mahiwagang kristal dahil ikaw ang nakatadhang reyna ng White Sorcerers" sabi ni ina

"Ina. Pano kung nasaakin nga? Edi mas madali ko silang malalabanan" natutuwang sabi ko.

"Hindi ganun kadali yon Myka" may pagbabanta sa boses ni ina

"Pero----"

"Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang paggamit ng limang kapangyarihang iyon. Dahil kung hindi mo napagaralan ng mabuti ang limang kapangyarihan ng kristal ay pwede mong ikamatay"

Bigla naman akong natakot sa sinabi ni ina.

I-ikamatay?

Marami pa akong pangarap.

"I-ina----"

*BOOOGSH*

"Buksan nyo tong pinto!!!"


Naalerto naman ako dahil kinakatok nila ang pinto.

Bubuksan ko na sana kaso...

"Anak w-wag"

"Bakit po ina?"


"W-wag mong bubuksan iyan"



"Pero bakit po?"

"Kampon yan ng aking traydor na kapatid"

"MAHAL NA REYNA, BUKSAN MO ITONG PINTO!!!" rinig kung sabi ng kawal sa labas.


"I-ina ano na ang gagawin natin?"

Natatakot na ako.

"T-teka.. Kuhanin mo yung hugis bilog d-doon sa aparador.. Yung k-kulay asul"

Nagtungo naman ako kung saan yung aparador at nakita ko ang hugis bilog na bagay na kulay asul.. Agad ko naman itong kinuha.

"Akin na iyan"

Binigay ko naman yun. At tinutok naman ni ina yung bagay na iyon sa ding ding ng kwarto at nagsalita ng kakaibang lengwahe

"Aspeto gradesia ferolio"

Pagkatapos naman nun... Nagulat ako dahil unti unting nagkaroon ng isang malaking bilog sa ding ding at mayroong kakaibang kulay sa loob nito.

"K-kailangan mong makatakas anak"

"Ina? Hindi! Hindi kita iiwan".

Kung tatakas ako dapat kasama si ina at si ama

"BUKSAN NIYO ITO!!!"

Patuloy parin ang mga kawal sa pagbukas ng pinto.

"Anak dalian mo.! Pumasok kana dyan sa malaking hulma ng bilog maganda dyan. Marami kang pwedeng matutunan dyan pagpasok mo"

"T-talaga po ina?"

"Oo kaya dalian mo!.. Pumasok kana.. Makakabalik ka din dito"

"Totoo po bang makakabalik pa ako?"

"Oo.. Kaya dali"

Nabalutan naman ang ng tuwa dahil sa nadinig ko.

Huminga ako ng malalim bago ako humakbang palapit sa kakaibang bilog.

"Mag-ingat ka anak... Mahal na mahal kita"

Ngumiti naman ako saka tumango bago ako humakbang papasok....

..
.

.
*later*

The Missing PrincessWhere stories live. Discover now