Gusto mo ba?

229 11 3
                                    

A/N

Hello! This is a One-Shot Story.  Sorry sa typos. Hope you like it.

***
Mikaela's POV

To: Jacobabe<3
"Good morning Jacob. Eat your breakfast before you go to school. See you later!"
*message sent*

Hay nako! Sana pansinin na niya ako sa school. Katagal ko na siyang tinetext. Minsan nga tinatawagan ko pa siya pero expected ko naman na hindi niya sasagutin. Alam ko naman na kahit kelan hindi niya ako mapapansin. Di hamak lang naman niya akong tagahanga. Langit siya lupa ako. Pero di naman ako obsessed na obsessed sa kaniya, slight lang haha.

Bago ko pa makalimutan, ako nga pala si Mikaela Jane Rafael. Isa akong sophomore. Yung tinext ko kanina yun si Jacob Athan Mendrez. Siya ang kaisa-isang crush ko sa campus. Heartthrob yun kaya madami akong kaagaw sa kaniya. Actually kaklase ko lang siya kaya nga anytime nasusulyapan ko siya hihihi.

Pagkapasok ko sa classroom una kong hinanap si Jacob. At himala maaga siyang pumasok ngayon. At may suot pa siyang headphone habang nakapikit.

Lumapit ako sa kaniya. *poke**poke*
"Hi Jacob, eto pala oh mogu mogu. Gusto mo?"

Tinignan niya ako sabay pikit uli. Bumalik ako sa upuan ko ng matamlay. Sino ba naman kasing hindi? Araw araw ko siyang inaalok pero lagi niya lang ako tinatanggihan.

Naiinip na ako. Feeling ko ang tagal tagal ng oras.

**
Pagkabell agad na lumabas yung mga kaklase ko para makipag-unahan sa canteen.

Napansin kong lumapit yung barkada ni Jacob sa kanya. "Oy Athan, di ka ba sasama" sabi nung isang barkada niya.

"Di na muna. Dito na lang ako"
"Sige. Maiwan ka na namin" paalam nung isa pa niyang barkada.

Dahil sa narinig ko hindi na rin ako lumabas. Minsan ko lang kaya siya makasama ng kaming dalawa lang. Nasa baba na kasi lahat ng kaklase namin kami nalang dalawa naiwan.

Nakita ko na sinuot ulit niya ung headphones niya saka pumikit. Siyempre pagkakataon ko na yun para tingnan siya este titigan. Haha kalandi ko.

Habang nakapikit siya ang amo ng mukha niya. Alam niyo ba yung feeling na yung crush mo kapag gising ang gwapo gwapo tapos kapag nakapikit naman mukhang anghel? Yun yun eh.

*ting*(tunog ng bright idea)

Nilabas ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko saka ko nilagay sa may camera. Alam niyo naman na siguro yung naiisip ko diba? wahahaha.

Pagpindot ko biglang tumunog yung shutter. Ghad! Napansin kong napadilat si Jacob. Sino ba naman kasing hindi eh nakatido pa pala yung sounds. Tapos nakita ko na nakatingin siya sa hawak ko. Nalaman kaya niya na siya yung pinipicturan ko? Binaba ko na lang yung cp ko saka nilagay sa bulsa ko saka humarap uli sa kaniya.

"Ah-eh hahahaha. Huwag ka mag-alala di kita pinipicturan. Nag-nagseselfie lang ako. Kaya wag kang assuming" gosh nag-i-sttuter pa ako. Tapos nasabi ko pa na wag siyang assuming. What the! Bad Mika bad.

Nkahinga ako ng maluwag ng pumikit na lang uli siya. Ano ba yan muntikan na ako dun ah.

**

Pagkatapos ng klase nag-uwian na yung iba.

"Uy Mika di ka pa uuwi?" Tanong ni Angela isa sa kaibigan ko.

Gusto mo ba? (One-Shot)Where stories live. Discover now