Chapter 7 - Nakaraan

69 0 1
                                    

PAALALA: MAY MASESELAN PONG EKSENA SA CHAPTER NA 'TO.

"AAAAAAHHHHH!!!!" Hindi ako makagalaw, tanging sigaw nalang ang lumabas sa bibig ko.

Nagulat ako nung nawala bigla yung sasakyang sasagasa sa akin. Ano ang nangyari sa'kin? Tumalikod ako at nakita ko yung sasakyang patuloy na umaandar palayo.

"BAKIT WALANG NANGYARI SAKIN? NANANAGINIP BA AKO??!!"

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Para akong nasisiraan na ng bait sa mga pangyayari. Naisipan kong tingnan yung cellphone ko...

6:66 PM, June 6, 6666

"Sira na yata tong cellphone ko. Bwisit na buhay to!" Gusto ko ng ibalibag yung cellphone ko. Pero kinabahan ako nung nakita ko yung unread messages ko.

665 unread messages

"S-sino naman kaya ang may gawa nito?"

Kinikilabutan ako nung binasa ko yung mga text messages.

"Hello Divine"

Puro ganito yung text sa akin.

Sender: 06666666666, 6:66 PM, June 6, 1666

"Sino ba 'to?!"

May nagtext ulit sa akin pagkabasa ko.

"WALANG IWANAN DIBA? SAMAHAN MO 'KO DIVINE."

Nagulat ako nung biglang may lumitaw na picture sa screen.

ISANG BABAENG NAKAHIGA AT DUGUAN SA MISMONG KINATATAYUAN KO.

"Shhhhh---------------!!!!!!!!!" Binalibag ko yung cellphone ko at agad akong tumakbo papalayo sa kinatatayuan ko.

"HUWAG MO KONG IWAN DIVINE, DIBA MAGKAIBIGAN TAYO??" May umiiyak at malakas na boses akong naririnig. Papalakas ng papalakas habang lumalayo ako.

"TIGILAN MO KO!! DAPAT LANG NA MANGYARI SA'YO YAN!! DEMONYO KAA!!!!!." Hindi na ako nakapagpigil. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang niya ako. Nilakasan ko na ang loob ko at bigla ko itong naisagot.

"HAHAHAHA. BUTI NAMAN AT NAAALALA MO PA LAHAT NG MGA GINAWA MO DIVINE! 'WAG KANG MAGMALINIS! HINDING-HINDI MO MATATAKPAN LAHAT NG GINAWA MONG KAHAYUPAN!" Nagpakita sa akin ang babaeng duguan. Nakakapangilabot ang itsura niya. May dugong tumutulo mula sa kanyang anit at manipis na buhok. Halos malaglag ang kanang mata niya at wasak ang kanyang bibig hanggang pisngi. Ang mga braso niya ay butas-butas na may lumalabas na malalaking insekto. Putol ang kanyang dalawang binti pati na rin ang kamay niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong.

"KILALA MO PA AKO DIBA?" Bumuka ang kanyang wasak na bibig, na halos umagos ang dugo sa kanyang katawan. Pinilit kong isara ang aking mga mata ng ngumisi siya.

"SUMAGOT KA DIVINE!" Inilapit niya sa akin ang mukha niya.

"O-OO! IRVINE!! I-IKAW SI IRVINE!!!!" Halos dikit na dikit na ang mukha namin. Sumagot nalang ako.

"BUTI NAMAN AT KILALA PA AKO NG AKING KAIBIGAN, MASAYA KA BA AT NATUPAD NA ANG MGA PLANO MO???"

Nagimbal ako sa kanyang sinabi...

--------------------------------------------------------------

A/N: Sorry po kung nabitin kayo nung last chapter >< Busy po kasi.

Support lang po kau, at ittry ko pa rin mag update.

♥ Vote

♥ Comment

♥ Share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon