-Venus' POV-
Tahimik akong nakaupo sa veranda ng hotel ko. Napangiti ako ng may lumapit na paru paru sakin.
"Ang ganda."- napalingon ako sa likuran ko kung saan nangagaling ang boses napatayo ako ng makita ang isang hindi pamilyar na lalaki.
"Sino ka??"-tapang na tanong ko. Biglang uminit ang ulo ko ng makita ko na ngumisi lang ito.
"Relax miss, hindi ako masamang tao."-ani niya habang palapit ng palapit sakin habang ako atras ng atras lang.
Napatigil ako ng maramdaman na nakadikit lang ako sa pader. "Pano ba yan?? Wala ka ng kawala.."-sambit niya at hahawaka na sana ang pisngi ko ng may biglang sumigaw..
"Thunder!!!"-napalingon ako sa may bandang pintuan at dun nakita si Ice na ang sama ng tingin sa lalaking kaharap ko.
Napatingin ako sa lalaking nangangalang Thunder nagtaka ako ng ngumingisi lang ito habang lumalayo sakin.
"Hey Boss!"-bati ni Thunder kay Ice. Napatingin ako kay Ice pero nagsisi ako ng makitang nakatingin din ito sakin. " Anong ginagawa mo dito Thunder?"-diing tanong ni Ice sabay tingin kay Thunder kay napatingin din ako.
Hindi sumagot si Thunder pero alam kong kailangan nilang mag-usap na dalawa lang sila kaya..
"Kukuha lang ako ng meryenda"-saad ko sabay talikod sa kanila pero ng dumaan ako sa gawi ni Ice hinawakan niya ang braso ko.
"Did he hurt you?"-nagtaka ako sa tanong niya. "Bakit naman niya ako sasaktan??"-balik kong tanong sa kanya sabay bawi ng braso ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya pumunta nalang ako sa kusina.
Pagkalipas ng ilang minuto nahanda ko na ang meryenda nila ni Ice at ni Thunder kaya pabalik na sana ako ng di sadyang marinig ang usapan nila kaya napatigil ako.
"We need you Boss in this fight!"-diing sambit ni Thunder. " You know that i'm already stop on this thing"-malamig na ani ni Ice.
" But boss, si Krishna na ang nakataya dito!"- ani ulit ni Thunder.
Krishna??? Sino namang babaeng yun??? At ano ang fight na tinutukoy ni Thunder???? Di kaya???
"Pag-iisipan ko muna."-sambit naman ni Ice.
"Okay boss, hihintayin namin ang tawag mo. At hihintayin namin ang pagbabalik mo."- makahulugang sambit ni Thunder. Mukhang umiinit ang usapan nila kaya umepal na ako.
"Meryenda"-napalingon silang dalawa sakin. "Oh bakit ganyan kayo makatingin?"-tanong ko sa kanya dahil sa kakaiba nilang aura at tingin.
"Wala.. Hehe.. Ang ganda----"-naputol ang pagsasalita ni Thunder ng bigla siyang siniko ni Ice.
"A-ang g-ganda ng tanawin dito noh! Oh mukhang masarap yan hah!"-sambit ni Thunder tsaka kinuha ang tray. Umupo naman ako sa upuang nakaharap kay Ice.
Napatigil kami ng biglang nag-ring ang phone ni Ice kaya nag-excuse muna ito.
Ano kaya ang tinutukoy ni Thunder na babalikan ni Ice??? Di kaya ang pagka-gangster nito??? Sana mali ang iniisip ko... Sana wag na siyang bumalik sa dilikadong buhay na meron siya noon...
BINABASA MO ANG
Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018
RandomMasaya na kaming dalawa ng taong mahal ko, almost perfect na nga eh pero dahil sa katangahan ko nagbago lahat. Naging parang roller coaster ang buhay ko na humantong sa pagiging sampid ko o pagiging kabit sa buhay ng taong mahal ko. Pero nagbago ako...