All rights reserved ©2016 by LoveMishap
"May mga taong galit sa malalandi, pero pag sila ang nilandi, abot langit ang ngiti."
— Unknown
⚜⚜⚜
(Clarisse/Rissy's POV)
"Rissy, anjan na ang sundo mo!" tawag ni manang mula sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Naka blue jean short lang ako at plain white tee top then black flipflops. Kinuha ko ang black kong Dior sling back at isinuksok ang atm cards ko at cellphone.
"Anjan na manang," sagot ko habang papalapit sa pintuan. Wala na si manang ng lumabas ako. Dali-dali ko namang tinungo ang hagdanan at nakangiting bumaba. Nang makababa ako sa pinakahuling step saka ko napansin ang likod ng lalakeng nakatayo at nakatingin sa frame na nakapatong sa grand piano na minana pa ni daddy sa lolo ng lolo nito.
"What are you doing here?" inis kong tanong. At papanong nakapasok ito na hindi alam ng kuya ko?
Hindi ito ngumingiting lumingon sa akin. Inignora ko rin ang biglang pagrigodon ng puso ko. He was just wearing a short sleeve shirt with three buttons undone, paired it with navy blue chino short and a a black loafer.
Nang tumingin ako sa kanya, naniningkit ang mga mata nito at madilim na madilim ang mukha. Hindi maipinta ito sa sobrang pagkakunot ng noo at ang mga labi, iisang linya.
"What are you doing here?" tanong ko ulit.
Biglang dinaluhong nito ako at walang sabi-sabing binuhat ako at parang sakong isinukbit sa kanyang balikat. Bigla naman akong napasigaw sa gulat. Nakita ko ang isa naming katulong na ngumingiti habang paalis ito.
Bumalik ang atensyon ko sa satanas na nakabitbit sa akin. "Walanghiya ka talaga!" sabay pukpok sa likod nito pero parang pumukpok lang ako ng bato. "Ibaba mo ako, isa?" nagbabantang sabi ko.
*pak*
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng maramdaman ko ang palad nito na lumagapak puwitan ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko dumaloy sa pisngi ko sa biglang hiyang naramdaman ko. Hindi ko inalintana ang parang milyo-milyong pinong kurot na dala ng pagpalo nito sa puwit ko.
"Demonyo ka talaga!" galit na galit kong sabi sabay panay sipa at suntok ko sa likuran nito. Pati ilong ko pakiramdam ko umuusok narin sa galit at inis.
"I told you, I don't want you wear too revealing clothes!" matigas na parang bakal na sabi nito sa malamig na tono.
Bigla naman akong tumigil sa kakasipa at saka napagtanto nasa kwarto ko na ako. Maingat akong ibinaba nito sa kama ko at parang sarili nitong kwarto na dumiretso sa closet ko. Bumaba ako ng kama at nag-aalangang sundan ito sa walk-in closet ko. Maya-maya, lumabas itong may bitbit na blue jeans. Hindi parin maipinta ang mukha nito na lalo kong ikinainis.
"I'm not wearing that! Ang init kaya sa labas kaya hindi ko gagamitin iyan!" matigas kong pagprotesta na lalong ikinasingkit ng mga mata nito. Tinitigan ako nito ng taimtim at unti-unti ng nabubuwal ang pagtanggi ko. Kung nakakamatay lang sana ang tingin, pinaglalamayan na ako ngayon.
"Would you rather want me to change you, or you would do it yourself?" mahina ngunit matigas at madiin nitong tanong. Ang mga mata nito nagbabadya ng matinding inis.
Napalunok ako. Alam kong hindi ito nagbibiro.
"Argh!" inis kong hinablot ang pantalong hawak niya saka inalis ang sling bag ko at itinapon ito sa dibdib niya na mabilis naman nitong nasalo saka ko siya tinaliman ng mata bago nagmartsang patungong washroom.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...