Pasilong

21.1K 296 34
                                    

All Rights Reserved 2013

Written by: IamMarr

- - - - - - - - - -

"Listen, class. Maaga ko kayong papauwiin dahil may bagyo ngayon. Please, dumiretso na kayo sa mga bahay niyo." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Ms Roque sa amin, naghiwayan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya pati narin ang katabi kong si Emerald ay sayang saya na nabalitaan niya.

Napailing ako. May bagyo na nga, masaya pa.

Sa bintana lang ako nakatingin habang pinapanuod ang unti unting pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Umalis na si Ms Roque pero patuloy parin sa pagsasaya ang mga kaklase ko at nagbalak pang maligo ng ulan mamaya o di kaya ay mag inuman sa tindahan ni Aling Bebang doon sa kanto.

Hindi ko masisisi ang mga kaklase ko sa gusto nilang gawin. Pati ako ay gusto ding maligo ng ulan kapag lumakas ito pero kailangan ko pang umuwi kasama ang mga libro ko kaya dapat hindi sila mabasa sa pag uwi ko.

"Sinong sasama sa akin sa mall?!"

Narinig kong sumigaw si Emerald sa buong classroom kaya napalingon ako sa kanya. May bangs at may pagkasingkit ang kanyang mata, may mala rosas na balat at balingkinitang katawan. Maraming may gusto sa kanya kaya nagsitaasan ang mga kamay ng mga lalaki upang sumama sa kanya sa mall.

"Nako, joke nga lang!" Tanggi niya sa lahat at kinalabit ako. Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. "Sa mall tayo?"

Agad akong umiling. "Magrereview pa ako sa darating na finals, Em, magreview nalang tayo."

Ngumiwi siya at nagkibit balikat. "Wala ako sa mood magreview tuwing malakas ang ulan. Minsan kasi nagbablack out dahil sa mga kidlat, eh, kaya useless lang."

Tumango ako at nilingon ulit ang bintana bago tumayo, inayos ko ang mga libro ko at ang iba ko pang gamit bago lumabas sa classroom. Sabay kaming bumaba ni Emerald pero nag iba din kami ng dereksyon dahil may pupuntahan pa daw siya sa kabilang building. Pagkadating ko sa ground floor ay niyakap ko ang mga gamit ko na nasa loob ng plastic envelope bago binuksan ang malaking payong kong kulay pink at sumabak sa malakas na ulan.

Puno ang jeep pati na rin ang bus, mataas din ang pila sa terminal ng mga ito at mababasa lang ako kapag naghintay pa ako kaya naisipan kong maglakad pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin at mas makakatipid pa ako ng bente pamasahe.

Hindi pa ako nakalalayo sa paaralan namin nang may biglang sumisid sa payong ko.

"Uy! Pasilong!"

Nagulat ako na naging dahilan sa pagkahulog ng plastic envelope ko. Ngali ngali ko itong pinulot mula sa putikan at pinahiran ng panyong hawak ko. Tinignan ko ng masama ang lalaking biglang sumisid sa payong ko kanina.

"Oops, sorry." Nagpacute pa ito at nagpeace sign.

Umirap ako dahil kilala ko siya. Siya si Rain, kaklase ko pero minsan ko lang nakakausap. Kilala siya ng lahat ng mga schoolmate namin dahil MVP siya sa basketball at soccer na sports, mataas din ang marka niya kaya siya ang ginagawang pambato ng paaralan namin kapag may kompetisyon.

Bumuntong hininga ako at hinampas sa kanyang tiyan ang plastic envelope na nahulog sa putikan dahil sa kanya.

"Ikaw magdadala niyan!"

Tumawa lang siya at buong pusong niyakap ang plastic envelope na may konting putik pang natira. Sumilong siya sa payong ko at salamat naman dahil malaki ito na tama lang para sa aming dalawa. Tawang tawa pa siya dahil sa reaksyon ko kanina, biniro niya ako pero di ko siya pinansin.

PasilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon