Hello...Goodbye

51 0 2
                                    

"Omygod. She is so nerd. I thought yung unang pasok niya magiging katulad natin siya.. but.. hindi pala."
"Oo nga eh. Ugly nerd Hahaha!"
"That's perfect! Ugly nerd! Hahahaha"
Yan ang mga sinasabi ng mga babae sakin. Hindi kasi ako nakikipag-usap sa iba. Hindi kasi ako mahilig makipagfriends. Kasalanan ko ba kung ganto ako at hindi tulad nila?

*ring *ring

Nasa bahay nanaman ako. Feeling ko tuloy wala ng mabuting tao ngayon, miski mga magulang ko walang pake sakin at ang nakikita lang nila ay yung mga flaws ko.

Pagpasok ko sa loob ay bumuntang agad sakin ang isang malakas na pagbagsak ng isang babasaging baso. Malamang nag iinuman nanaman sila. Lagi naman silang ganyan kapag umuuwi ako, minsan nga nakikita ko pa silang natutulog sa sahig na mga nakaundies lang sila.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama. Depressed na depressed na talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Ang tanging alam ko lang na solusyon dito ay ang umiyak. Umiyak ng umiyak.

"Wag ka ng umiyak." Nakaramdam ako ng isang kamay sa balikat ko. Isang lalaki na nag aalay ng kamay niya sakin.

Kinuha ko iyon at tumayo. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Ngayon lang may pumansin sakin, ngayon lang may kumausap at naging mabait sakin.
May kimuha siya mula sa bulsa niya. Isang kwintas. Isinuot miya ito sakin at laking gulat ko ng biglang nag-iba ang damit at itsura ko.

Hinila niya ako papunta sa isang lugar kung saan ang laman lang ay isang pinto.

"Magkita ulit tayo." Nagtataka akong bumitaw sa kanya. Hindi ko alam kung ano tong mga nangyayaring to. Nilingon ko siya at nakita kong masaya siyang nagpapaalam. May mga ngiti sa kanya mga labi at mata. Binuksan ko ang pinto at paglabas ko...

"*gasp*" isang magandang panaginip lamang iyon?

(Next day)

Umalis ako ng bahay na may pagtataka sa aking mukha. Pumasok ako sa school at hindi naman nagbago ang pananaw nila sakin. Binubully padin nila ako, wala namang magbabago dun.

Everday routine na nila ata ang bulihin ako, at ako naman, pasok-aral-kain-magpabully-aral-kain-aral-aral-magpabully-uwi. Yan lang ang everday routine ko.
--

Habang naglalakad ako pauwi ay bigla naman akong nakabunggo ng isang lalaki.

"Sorry po." Tumingin ako sa lalaki. Matangkad siya at mapuyak ang mga mata. Parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan.
Hindi siya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ganun din ang ginawa ko.

Pagbukas ko ng pinto ay madami nanamang kalat sa sahig. May mga damit na nakakalat sa lapag at sa hagdan.
Umakyat na ako sa kwarto ko at gumawa na ng mga assignments. Bumaba muna ako saglit para kumuha ng pagkain at umakyat na din.

"*sigh* nakakapagod na.." sabi ko sa sarili ko at natulog na.

"Nandito ulit ako." Tinignan ko ang damit na suot ko. Ito yung huling suot ko ng pumunta ako dito.

"Nagkita ulit tayo." May nakita akong bulaklak sa harap ko. Sinundan ko ang kamay na yun at nakitang nakangiti siyang nakatingin sakin. Nilagay niya yung bulaklak sa buhok ko.

Ang dami naming ginawa na nagpasaya sakin.
Narealize ko na, sa panaginip lang ako sumasaya. Na sa panaginip ay may mabuting tao akong nakilala.
Sa huli, ay bumalik kami sa pinto kung saan, babalik ako sa realidad. Babalik sa masalimuot na buhay ko. Kung pwede lang na dito nalang ako habang buhay ay gagawin ko. Kung pwede lang na matulog nalang ako habang buhay para makasama siya ay gagawin ko. Pero hindi pwede yun.
Lumabas ako ng pinto na may ngiti sa akong mga labi at may saya sa aking puso.
--

The Rendezvous (one shot)Where stories live. Discover now