Part 1

33 3 0
                                    


Hetoo naaa! Basahin niyo please. I hope you like it.










*Mich

"Hi. Ako po pala si Alexandra Michaela Fernandez. From University of St. Peter, 18 years old Philippines!" pag i-introduce ko sa klase with confidence and I waved my hands.

"Ang panget mo naman!" Sabi ng isang lalaki sa likod. Sabay tawa ang buong klase.

"Class, stop it! She's our transferee and we should welcome her right and treat her with respect. Wag natin ipamukha kay miss Fernandez na ang mga Estudyante ng Xavier university ay mga bastos" Saway ni Mrs. Gonzaga.

Di naman kasi talaga ako maganda. Ang dami kong tanim sa mukha ko at oily pa. Kaya nga ang taas ng self confidence ko para mabawasan ang kaba ko, pero heto parin ang mga tao, parang di tanggap ang mga pangit sa lipunan. Kaya umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa likod. Doon pa talaga sa mga lalaki. Jusko!

"Miss, bat ang ganda mo?" Tanong sa akin ng lalaking akala mo nama'y Hindi nakaka umay ang mukha. Bakas sa kanyang mga salita ang pagiging sarkastiko.

"Kuya please, don't me." Pag tataray ko.

"Hala si miss akala mo maganda. Hahaha! Feel na feel eh!" Sabi nung lalaking kanina pa nang aasar.

Abay! May problema ba 'to sa mga alaga ko? Sumosobra na yata tong mokong na to eh!

"Wag mo kong pag nasaan please." Sure na ako sa sagot ko. Alam ko namang pinag nanasaan ako neto eh. Akala niya di ko mahahalata? Psh! Matalino yata to.

"Naka droga ka ba miss? I'd rather die than to make fantasies about you. You're assuming miss."

Hindi ba? Well I don't care. Basta ang alam ko sexy ako. Yun nga lang, sexy lang ako.

Nakinig na lang ako sa teacher ko. I'm a transferee here kasi umalis kami dun sa lumang bahay namin kaya lumipat na rin ako ng school dahil malayo na yung luma kong school at magastos na masyado. Actually, ang pinoproblema ko ay wala akong kaibigan. Nasa kalagitnaan na kasi ako ng school year na pumasok dito kaya ang hirap mag adjust. Habang iniisip ko kung paano ako makaka hanap ng kaibigan, bigla ba namang may tumapon ng lukot na papel sa ulo ko! Aba bastos to ah! Pag bukas ko ng papel, mas uminit ang ulo ko sa nabasa ko.

HIPON!!!

Sino ba namang matutuwa diyan? Jusko po. Patatawarin!

"HOY!!!! YOU HAVE NO RIGHT TO BULLY HER!! SHE SEEMS NICE." sabi ni ate girl sa mga boys at naka fierce pa ang mukha. Or should I say, Fears? Woah. She's so damn gorgeous! I mean, she's stunning! Ang gara ng damit ni ate ha.

After what she did, tinigilan na ako ng mga boys at nag sorry sa akin. Why? How did she? She's good ha. Ang tapang. She tamed the ugly beasts.

She came near me and smiled at me. "Are you alright?" She asked me nicely.

"Opo. Actually, kaya ko naman eh. If I know, nagagandahan at naseseksihan lang sa akin ang mga yan ayaw lang umamin. I'm fine, thank you ha." I said while trying to be nice .

"I like you. You're funny!" She said while laughing.

"Alin sa mga sinabi ko ang nakakatuwa?" I asked her with confusion.

"You're really funny! By the way, I'm Chloe Marquez" she said while extending her arms and waiting for me to shake hands with her.

Is this lady kidding me? Like duh my hands might get dirty. Alam mo naman, ang linis linis ko sa katawan. No wonder I'm pretty like this.

"I'm Mich" so inabot ko na lang yung kamay ko kahit you know, madumihan. I do have alcohol naman eh.

"San ka nga pala galing na school?" Tanong ni Chloe. Naka smile pa siya. Aba! May topak yata tong babaeng to. Mukha bang katawa-tawa ang pag mumukha ko?

"I came from University of St. Peter. Lumipat ako rito kasi dito na kami permanently naka settle kasi may new house na kami." Sinadya kong mag kwento para mainggit siya.

"Ah I see. But I didn't ask you why did you transferred." She said while laughing

Bobita sinadya ko nga e diba?

"Ah. Hehe. Ano work ng parents mo, Chloe?" Tinanong ko siya, malay mo dukha pala.

She smiled. "My parents own the Marquez Empire around the world. We do make wines, and other beverages" ang humble niya. Infairness.

Howmaygad! Kaya naman pala ganyan siya manamit, pokpok pala siya sa bar nila na puno ng wines and other beverages. Char! Hahaha mas dukha pa pala ako.

"Okay"

Yan lang nasabi ko.

Akalain mo? Pinainggit ko pa siya kanina ng so called new house ko. Pero actually, bahay kubo lang talaga yun na bagong patayo ni Lola. Kainis naman. Siguro yung refrigerator nila, yun na yung kabuuang laki ng house namin. Oo, house para sosyal. Ang pangit kaya ng kubo. Imagine, pano kung sinabi ko kanina na "dito na kami permanently nakasettle kasi may bagong kubo na kami" like ew?

Biglang nag ring yung bell kaya dismissal na. Niyaya ako ni Chloe sa cafeteria raw kamo.

"Ha? Cafeteria? Di ako umiinom ng kape." I said in disapproval.

She kept on laughing. Nakakahiya tuloy. Pinag titinginan kami ng mga tao sa sobrang lakas ng tawa ng babaeng to.

Di ko po to kilala.

"You're really funny! Tara na nga." She said while she sabay sabay me on my walk.

Abnormal.

Nakarating na kami sa paroroonan namin. Nagulat ako! Kasi ang cafeteria no to ay kakaiba. Matanong nga si Chloe.

"Chloe, akong klaseng cafeteria to? Puro pagkain pero walang kape? How could this be possible?" I asked her curiously.

She just laughed and bought foods. Plenty of foods, rather. Libre niya ba ako? Nuxx. Mayaman nga to siya. Okay best friend ko na siya.



-----------—

So how was the first part? Pag pasensyahan niyo na ho si Mich at masyado siyang feelingera. Pangit na babae ho talaga ang role niya rito sa istoryang Ito. Hahaha continue reading! Enjoy. :)

Love Is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon