Chapter 15: Realization

172 3 1
                                    


" I hope this is not the last, and I'll make sure of that." Narinig kong sabi nya habang nakapikit ako. Naramdaman ko na lang n may lumapat na mainit sa noo ko. He kissed me on my forehead!

Pagdilat ko nakalayo na siya sakin at ang lint*k! Nakangisi!

" You expect me to kiss you on your lips? Don't hurry too much sweety darating din tayo jan.*winked*"

" Walanghiya ka talaga kahit kailan!" I yelled at him. Pakiramdam ko pulang pula ang muka ko sa kahihiyan.

Sweety you're blushing! Lalo ka tuloy gumaganda!" Nakangiti pa rin siya! Grabe! Nahihiya ako!

Papasok na sana ko sa gate namin ng pigilan nya ulit ako.

" Ano nanaman ba yon Kiann!?" Inis kong sabi.

" Are we friends?" He asked. Am I right? He look nervous.

Tiningnan ko lang siya. Ano ba isasagot ko?

" Please Aeries answer me.... " Pagmamakaawa nya.

"*sigh* Oo na! Basta huwag mo n kong aasarin ulit!hmmphf!" Tama ba ko? Makikipagkaibigan ulit ako sa playboy? But I'm happy. I think I feel happiness.

I saw relief in his face.

" Promise aasarin lang kita pag in good mood ka." Walanghiya talaga tong lalaking to! Pero nadala na rin ako sa tawa nya.

" Sige na Aeries pumasok ka na sa loob. It's getting late." Seryoso na ulit siya.

" OKay...ingat sa pagdadrive.." Paalam ko sa kaniya.

Hinintay nyang makapasok ako sa gate namin ng tuluyan tsaka ko narinig yung makina ng kotse nya. Gentleman pala siya.

Pagpasok ko sa bahay namin nadatnan ko si mommy sa living room na nagbabasa ng magazine,hinihintay nya siguro ako o si Daddy.

" Oh Aeries anak anjan kana pala. Ikaw ba yung hinatid nung kotseng natanawan ko kanina sa bintana?" Tanong ni Mommy while I'm kissing her in her cheek.

" Yes mom. A certain friend of mine. Sumama lang ako sa kanya para mamasyal." Yes! Kino consider ko na siya as my friend. Ang bilis lang eh no!?

" Si Andrei ba yun? (umiling si ako) Oh eh bakit di mu muna siya pinapasok para makainom ng kahit ano at maipakilala mo siya sakin."

" Next time na lang mom. Gabi na kasi masyado tsaka may gagawin pa siya." I lied. Ang totoo hindi ko na naisip gawin yun dahil sa pagkapahiya ko kanina. Yung about sa supposed to be kissing scene namin! Leshe ka Aeries!

" Ah ok..."

" Sige po ma akyat na po ko sa room ko. Good night! I love you!" Ganon ako ka sweet sa mommy ko. Bestfriend ko rin kasi yan alam nyo ba?

Pagdating ko sa room ko ginawa ko na lahat ng rituals ko bago matulog. Half bath,toothbrush,then for my face and skin. Tsaka ako humiga sa kama ko, tinatamad akong tumingin sa mga social sites ko dahil feeling ko pagod talaga ko kaya pumikit na lang ako.

Sh*t! Bakit ba yung mukhang yun ang nakikita ko? Yung moment pa na hinalikan nya ko sa noo! Naiisip ko tuloy siya.

Naiisip ko yung mga moments namin together sa mall. Talented nga talaga siya but what surprised me the most ay nung nandon kami sa park. Grabe lang eh no? Isang super duper yaman n lalaki at unico ijo pa huh? Malalaman mong mahilig pala sa street foods. He's also a kindly hearted man to kids malinis man sila o hindi. Now I'm starting to realize na may pagkakapareho pala kami when it comes to children and social life. Hindi ako pasosyal at simple lang rin siya. So meaning bagay pala kami! Haha! AERIES! Nagsisimula ka na naman.

Biling baligtad na ko sa kama ko pero di pa rin ako makatulog. Ano ba talaga nangyayari sakin? Bago lahat ng nararamdaman ko ngayon,even kay Axel di ko naramdaman yun.

ANd speaking of Axel! Haha!1point na ako! Napahiya ko siya by leaving him at the court at sumama ako kay Kiann. Pero bakit ganon? Nung maalala ko yung muka nya bago kami umalis parang ang lungkot din ng pakiramdam ko. Parang seeing him hurt makes me cry. Buti na lang talaga nalibang ako ni Kiann. Basta! I will grab every chance i get to humiliate him tapos!

I closed my eyes with my perfect smile.

Kiann's P.O.V

Nakakailang tayo higa na ako sa kama ko pero di pa rin ako dalawin ng antok. Iba talaga epekto sakin ni Aeries.

Sobrang saya ko na nakasama ko siya ng isang buong araw! Kahit pagalitan pa ko ni coach bukas sa di ko pagpapractice worth it naman! Naisama ko siya s The Other Side kung saan mga special na tao lang sa buhay namin ng tropa ang nakakapasok. Kahit pa sabihin tambayan ng mga elite at high class society ang mga nagpupunta dun special pa rin samin yun lugar n iyon dahil doon namin nagagwa at naiipon lahat ng mga hindi namin pwedeng gawin at iba pang mga talent namin na hindi namin maipakita sa iba.

Nakakatuwang isipin na madali akong nagets ni Aeries lalo na yung forte ko sa pagkuha ng mga litrato. Lalo n yung pagkain namin ng fishball, sobrang saya non! Hindi siya maarte at matapobre hindi katulad nung iban anak mayaman na mandidiri agad sa mga batang kalye. Pero si Aeries,marunong siyan magmalasakit sa kapwa. Bagay talaga kami! Haha!

Hindi rin maalis sa utak ko yung nangyari bago siya pumasok sa bahay nila. Gustong gusto ko na talga siyang halikan sa lips! Namnamin kung gaano kalambot yun pero sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang maiwasan ko yung mapanukso niyang mga labi. Damn! She's so hot in her simpliest way. Kaya kahit anong kagustuhan kong gawin yun iniwasan ko pa rin dahil ayokong magalit nanaman siya sakin at isiping tama talaga yung iniisip nya sakin.

Ayoko ng pakawalan pa yung opportunity na maging lalo kaming maging malapit sa isa't isa. Ngayon pa na pumayag na siyang maging magkaibigan kami. Gagawin ko lahat para ipagkatiwala nya sakin ang puso nya. I know it will be hard but for Aeries I will do anything kahit pa pumasok ako sa butas ng karayom. Ngayon pa na mas nakikilala ko na siya? HIindi ako susuko.

I closed my eyes with a smile in my face.

        Sorry for typo errors and grammars! Starter pa lng po ang inyong lingkod. Hope you like my story. FRee for your comments! Any comment will do! Thank you for reading hope support nyo po ako. Salamat po!😊😊😊

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now