Nilalaman

292 6 2
                                    

“Ako si Filipino at ito ang aking kwento”

Ako ay may kaibigan
Juan dela Cruz ang kanyang pangalan
Matangkad, moreno, maganda ang mga mata
Masunurin, masipag at magalang sa mga matatanda
Kami’y masaya
Laging magkasama
Lalangoy sa dagat
Kakain ng itlog na maalat
Lahat
Sa lahat ng ginagawa ko
Sa lahat ng mga pinapangarap ko
Nakikita kong siya ang aking kasama
Kahit hindi niya alam na siya’y aking sinisinta
Pinigil ko, pinigil ko dahil ayoko siyang mawala
Ngunit sa aking pagtatago
Siya ay nakatagpo
Ng ibang nagsanhi ng kaniyang pagbabago

No’ng dumating siya, ako’y kanyang nakalimutan
Lahat ng aming pinagdaan
Tila hindi na niya pinahahalagahan
Gusto ko siyang pigilan
Harangan
Pero naalala ko, wala nga pala akong karapatan
Pilit akong ngumingiti kahit ako’y nasasaktan
Sinasabi kong ‘ayos lang ako’ kahit hindi naman

Nakakapagod maghintay
Nakakapagod umasa
Nakakapagod isiping baka pwede pa
Nakakapagod magtago
Nakakapagod tumakbo
Pero kahit ganoon,
Hindi ako tumigil sa paghabol sayo

Hindi ako yoyo,
Na sa oras na ibato mo ay agad na babalik sayo
Hindi ako aso,
Na hihintayin ka maghapon at pupwesto sa harap ng pinto
Pero paano mo malalaman,
Eh hindi ko naman sinabi sayo

Bingi ka ba?
O hindi mo lang ako pinakikinggan?
Hindi mo ba talaga ako makita?
O ika’y nagbu-bulag bulagan lamang?
Manhid ka ba talaga? O wala ka lang pakialam?

Minsan, gusto kong sabihing ‘ako na lang,
Ako na lang ang piliin mo
Ako na laging naririto sa tabi mo
Gusto kong tanungin ka, para lahat ay maging klaro
Pero hindi ko tinuloy dahil alam kong
Siya ang pipiliin mo at hindi ako

SIya
Lagi na lang siya
Kaya sa pagmamahal ko sayo ako’y nagmumukha nang tanga
Iniibig kita habang puso mo’y hawak na ng iba
Gusto kong sumigaw, ‘Una kang naging akin
Una kang lumigaya sa aking piling
Pero ngayon,wala ka na
Isa ka na lamang ala-ala
Ala-alang ipinagdadasal ko sa bituin
Na sana aking muling makapiling

Juan, kung nasaan ka man
Ako ay iyong pakinggan
Ngayon, ako ay nagsisisi
Na ika’y aking pinakawalan
Pasenya na rin kung hindi kita ipinaglaban
Natakot lang ako na baka ako’y masaktan
Pero maniwala ka, maniwala ka. Juan
Hindi ako tumigil sa pag-iisip ng dahilan
Kung paano tayo magkakaroon ng pagkakataon na sumilip ng sabay sa liwanag ng buwan

Juan, pakinggan mo
Ang mga salitang ibinibigkas ko
Pagmasdan mo ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko
Lahat ng ito ay iniaalay ko sayo

Juan, may tanong ako
Ako ba’y naaalala mo?

Ako si Filipino
At ito ang aking kwento

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako si Filipino, at Ito ang Aking KwentoWhere stories live. Discover now