EYA’S POV
“WHAT IF I TELL YOU THAT…”
Nag-pause siya sa pagsasalita.
“YOU ARE PREGNANT!”
WTF! Anong pinagsasasabi ng Memo na to? Ako, buntis? Napaka-impossible, virgin pa kaya ako! Maybe isa nga akong Casanova Princess pero never akong nakipagtalik sa ibang boys. It’s a big DUH?
“What do you mean? Are you out of your mind?” I asked.
“Nope, I’m just telling the truth.” He smirked.
“You don’t have any proof. Wala naman akong natatandaan na nakipagtalik ako sa isang lalaki. Isa lang itong malaking kasinungalingan.”
“Hindi ako nagsisinungaling Eya.”
“Bakit mas may alam ka pa sa akin? Matres mo ba tong nasa akin?”
“Hahaha, you’re such a fool Eya. Hindi mo ba natatandaan nung…”
Ngumiti siya tapos nag-iba yung way niya ng pagtitig sa akin.
“Nagpunta ka dito sa bahay ng may dalang alak?”
Ako? Nagpunta dito ng may dalang alak? OHMAYGHAD, naaalala ko na, pero hindi ko matandaan na nakipagtalik talaga ako.
“Ano naman meron nung gabing yon? Wala naman akong natatandaan na may nangyari.”
“Oo, wala kang natatandaan kasi nga Lasing ka nung mga oras na yon! Totoo ang sinasabi ko Eya, buntis ka, at alam mo kung sino ang ama?”
“S-Sino?”
“Walang iba kundi AKO!”
HUWATTTTT!!??!!?? NO WAY! THIS CAN’T BE HAPPENING. PINAGLOLOLOKO LANG ATA AKO NI MEMO!
“Memo ano ba! Hindi na ako nakikipaglokohan sayo, ayoko ng mga ganitong biro! Tigilan mo na nga ako.”
“Tigilan? Wow, ikaw nga itong nagpasimula diba? Mahiya ka naman sa sarili mo.” Sabi niya habang may mayabang na tono. Yung tipong Memo na dati kong nakilala.
O____________O
“W-Wait, bakit nagiging ganyan ang tono mo?”
“Tsk tsk tsk. HAHAHAHAHA!” Tumawa siya ng tumawa sa harap ko. “Eya, kawawa ka naman. Hindi ba obvious? Pinaglalaruan lang kita. Akala ko matalino kang babae, pero katulad ka rin pala nung dati na madaling paglaruan! Kung inakala mo na kaya mo ang paglaruan, nagkakamali ka. Alam ko lahat ng mga plano mo. Sinakyan lang kita para hindi ka maging kawawa. Hahahaha.”
Nakikita ko sa aura niya ang pagiging Evil. Yung Memo na dating nambastos at nagpahiya sa akin ay parang ang Memo na nasa harapan ko. Ano ba tong ginawa ko? Feeling ko ako na ang pinaka-tanga sa mundo! Eya nakakainis ka!!!! Hindi mo man lang inisip na kayang gawin ni Memo yon?
Hindi ko alam ang gagawin ko, naiiyak na lang ako dahil naaawa na ako sa sarili ko. Bakit ko ba ginawa to? Para lang ba makapaghiganti sa kanya? Ganun na ba ako kadesperada para gawin yon? Dahil sa ginawa ko, nagkaroon pa ako ng isang mas malaking responsibilidad, yun ay ang maging ina. Wala na ang pinakamagandang regalo ko sa lalaking pakakasalan ko, yun ay ang VIRGINITY ko. Naaawa na talaga ako sa sarili ko. Wala akong ibang alam na gawin kundi ang umiyak sa mga oras na to.
“TAMA NA!!!!!!!! OO, TALO NA AKO! TALO NA NAMAN AKO! ANG GUSTO KO LANG NAMAN TALAGA AY ANG SUMAYA! ANG GUSTO KO LANG AY ANG MAAYOS NA ANG LAHAT! BAKIT MO BA KASI GINAWA YUN SA AKIN? ANO BA TALAGANG MOTIBO MO? ISA LANG NAMAN AKONG HAMAK NA YAYA NI CROSS DATI PERO NAGAGAWA MO PA RIN AKONG PAGLARUAN! WALA KANG AWA MEMO! DARATING ANG ARAW NA KAKARMAHIN KA!”
BINABASA MO ANG
"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}
JugendliteraturCasanova si Girl, Casanova din si Boy. Ano? Niloloko lang nila ang isa't-isa? ================== Property of ThatNiceGuy. ALL RIGHTS RESERVED!