Chapter 8

43 2 0
                                    

Chapter 8

Rence's Pov

Madaming tao sa funeral homes, halos wala kami mapagparkingan dito. Kaya after our driver drop us sa may lobby and naghanap nalang siya ng pay parking sa malapit.

Naunang pumasok si Dad at kasabay ko naman si Mom, inalalayan ko pa ito. Hindi pa kami nakakapasok agad bumungad sa labas ng pintuan ang mga bulaklak from different companies and individual.

Fronteras Electronics is one of the leading company in-terms of electronics, supplier sila ng electronic part ng malalaking company ng gadgets sa bansa. Kaya hindi nakakapagtakang bubuhos ang pakikiramay sa kanila.

Dumeretso naman kami sa harapan at pinagmasdan ang nakahimlay na katawan ni Tito Harry. Bata pa ito para mamamatay, siguro kaedad lang ito ni Dad na on his late 40's

Tahimik namin pinagmasdan ang mga labi nito.

"Greg Villamarced?" Isang boses ng matandang babae ang pumukaw sa atensyon naming tatlo. Agad kami humarap at nakita ang asawa ni Tito Harry na si Tita Vivian.

"I sorry for what happen to Harry" Agad nitong niyakap si Tita at bigla naman itong humagulgol sa iyak. Lumapit na din si Mom at hinaplos ang likod nito para pakalmahin.

Close friend sila bago pa magbase dito ang pamilya ni Tito Harry. Hindi na kami nagtagal sa harap at inupo na ni Dad si Tita sa couch sa harap.

Nagkwentuhan sila about sa nangyari kay Tito, My brain tumor pala ito and he suffered from it for more than 2 years. 

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para maglibang, dapat dinala ko nalang ipad ko para hindi ako masyadong mabored dito.

Pag unlock ko ng phone ko tumambad agad ang text ni Patrick sa akin.

Patrick Tan: Henry is arriving tonight at baka magtagpo kayo dyan.

Sumikip ang dibdib ko pagkabasa ko ng text ni Patrick. Parang gusto ko na hilahin ang parents ko pa uwi. Wrong move pala ang hindi ako nagdala ng sasakyan.

Hindi na ako nagtaka kung paano at saan na sagap yan ni Patrick, he is very resourceful at magaling magpredict ng pwede mangyari sa future. kaya malamang nagresearch na yan.

"Excuse lang po, labas lang po ako sandali" Paalam ko kay tita at sa parents ko. Bakas sa itsura nila ang pagtataka pero hindi na sila kumontra.

Sandali kong kinalma ang sarili ko at dinail ang number ni Patrick, gusto ko lang my makausap para mawala kaba ko.

"Rence?" Napatigil ako nung my malamig na boses na tumawag sa akin, sure akong hindi yun sa phone ko galing, dahil hindi pa nga nagriring ang number niya.

Dahan dahan kong nilingon ang tumawag sa akin, Nakangiti ito lumapit sa sakin and spread his arm. 

"Bro, buti andito ka" mahigpit itong yumakap, ramdam sa mga yakap niya ang bigat ng nararamdaman niya. Bestfriend ko siya nuon at alam kong kelangan niya ng kaibigan ngayon.

Pero agad naagaw ang attensyon ko sa babaeng nakasunod sa kanya, wearing a simple white dress. "Abby" un lang ang nasabi ko at unti unti akong napakalas sa pagkakayakap ko kay Henry. Nanigas ang buong katawan ko at halos hindi ako makagalaw at makapagsalita.

Natauhan lang ako ng biglang nagring ang phone ko. Goddamn it, life-saver ko itong tawag na ito. Agad nag flash sa screen ko ang name ni Patrick Tan.

"Excuse me. I have to take this call" paalam ko sa kanila at bahagyang lumayo sa kanina.

"D.amn bro. Salamat sa pagtawag, you're such a hero." Bungad ko dito

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon