I'm Inlove with a Fictional Character

60 3 6
                                    

Ako si Ayesha Aburidongbata at isa akong operator ng Character sa isang storya sa Wattpad. Di ko rin alam kung paano ako napasok sa bagay nato. Basta ang natatandaan ko lang ay minessage ako ng isang Author sa Facebook at tinanong ako kung gusto ko bang mag operate. Pinaliwanag niya sakin ang mga rules, mga kailangan kong gawin. Naguluhan ako kasi sabi niya gagamit ako ng ibang pangalan at mukha, eh diba poser yun? Pero nag try ako. Dito ko nagagawa ang mga di ko kayang gawin sa totoong buhay.

"Ayesha Aburidongbata!" Sigaw ng teacher kong pulang pula na sa galit.

"Po?"

"Nandito ka sa classroom ko pero sa iba lumilipad yang walang laman mong utak!" Sigaw ni Ma'am Dimakaiskor

Feeling niya naman kanya tong classroom tsk. Palibhasa kasi di siya makaiskor sa asawa niya at ilang taon na siyang tigang este di tinatabihan ni Mr. Dimakaiskor

"Sorry po"

Yan ang laging eksena sa room dahil sa lagi akong nahuhuling nakatulala o kaya naman ay tulog. Di ko alam pero na simula ito nung napasok ako sa Fictional Character World. Mundong pwede ang lahat. Malaya kang gawin ang gusto mo. Ang saya doon. Kahit sino pwede mong maging kaibigan. Walang snob at lahat kayo peymus. Di ka masasabihang peymwer pag nag hanap ka ng Boyfriend

One time, nung nag open ako sa account kong "Grytyll Mich Zacchelli Ayala" na siyang ino-operate ko, may nag chat sakin.

Kiel Alexander Lee Harrisson: Hi.

Nagulat ako syempre. Kasi ang madalas kong nakakausap ay mga babae. Di ko alam kung anong irereply ko kasi baka maturn off siya at iwasan ako.

Grytyll Mich Zacchelli Ayala: Hmm hello
Kiel Alexander Lee Harisson: May tanong ako.
Grytyll Mich Zacchelli Ayala: sure sure ano?
Kiel Alexander Lee Harisson: Hmm may activity kasi kami sa Family. Kailangan namin maghanap ng babae na pwedeng ayain sa RS (Relationship) for one week.
Grytyll Mich Zacchelli Ayala: Hmm? May nahanap ka na? (Kinikilig na ako that time kasi feeling ko aki yung yayayain niya)
Kiel Alexander Lee Harisson: Yun nga eh. Magpapatulong sana ako sayong kausapin si Nicolle Switchkie (bespren ko sa fc). Gusto ko sana siyang yayain eh.
Grytyll Mich Zacchelli Ayala: Ah si Nics? May boyfriend na yun eh. (Badtrip. Umasa ako eh). Hanap ka nalang iba. Bye
Kiel Alexander Lee Harisson: ay ganon ba? Ikaw meron ka na ba?
Grytyll Mich Zacchelli Ayala: wala pa.
Kiel Alexander Lee Harisson: ikaw nalang pwede?
Grytyll Mich Zacchelli Ayala: sure sure.

Nag send siya ng relationship request at in-accept ko naman. Sa one week na yun naging sobrang saya ko. Papasok ako sa school ng ganado at magmamadali namang umuwi para makapag online. Kaya nung Last day na, feeling ko nababasag na ako. Kasi last day na to na magiging boyfriend ko siya. Kahit pa sabihin niyong sa facebook lang ito at Fictional lang ito. Walang feelings na involve. Pero nagulat ako sa sinabi niya.

Kiel Alexander Lee Harisson: Babe, Last day na to pero ayoko pang tapusin. Pwede bang totohanin na natin to? Can you be my girlfriend for real?

Excited akong nag reply ng oo naman. Kaso biglang message not sent please connect to the internet ang lumabas. Sobrang badtrip ako non kasi yun na eh! Inaya niya na ako tapos walang net! Dalawang araw walang internet sa buong barangay namin kaya dalawang araw din ako di nakapag open.

"Aburidongbata sama ka?" Tanong sakin ni NenePurokuto

"Saan?"

"Birthday mamaya ni Dimakatae kaya magpapa-party siya sa bahay nila. Punta tayo."

Napaisip ako bigla. Wala si nanay at tatay sa bahay kaya wala rin akong tinapay. Wala rin si ate at kuya kaya walang magtitimpla sakin ng kape. Lahat ng gusto wala sa bahay. Kailangan kong pumunta sa birthday ni Dimakatae para may malamon ako ngayong araw. Pero paano si Kiel. Wala pa akong sagot doon sa tanong niya. Hayaan na nga, kakain lang naman ako tapos uuwi na eh.

"Sige ba."

"Daanan nalang kita sa bahay niyong sira sira mamaya ah." Sagot ni Nene Purokuto habang kumakamot sa ulo.

Pumunta kami sa bahay nila Dimakatae at biglang umatake yung sakit kong patay gutom dahil sa rami ng handa nila. Busog ako dahil nakailang round ako ng letson at ibang pagkain. Kaya umuwi na ako. Sobrang excited na ako kasi finally masasagot ko na si Kiel pero nagkamali ako. Nakita kong In a relationship na ang status niya, kanina lang uwian namin ang oras. Anak ka nga naman ni aling Lilia na mataba at maitim ang batok na may putok oh! Kung dumiretso ako agad ng uwi sana kami parin ni Kiel mylabsosweet eh! Tinignan ko yung messages niya.

Kiel Alexander Lee Harisson: Oy. Sige seen mo lang.
Kiel Alexander Lee Harisson: Gryt naman eh. Ayaw mo ba?
Kiel Alexander Lee Harisson: Di ka na nag online tsk.
Kiel Alexander Lee Harisson: sabihin mo kung ayaw mo hindi yung bigla ka nalang iiwas.
Kiel Alexander Lee Harisson: sige di na kita kukulitin. Pakasaya ka nalang ah

Nagulat ako tapos nung mag rereply na ako biglang "You cannot reply with this conversation" yung lumabas kasi binlock niya na pala ako.

Di ko tanggap na dahil lang sa pagkain ko sa birthday ni Dimakatae ay naging back to single nanaman ako. Letseng Dimakatae yan oh, bat ba kasi niya kailangan mag birthday? Napurnada tuloy yung lablayp ko. Ang sarap niyang ihambalos sa pinto sabay sara eh.

Bat ba kasi umalis si nanay at tatay, pati si ate at kuya! Bat lahat ng gusto ko di nasusunod?! Ang sarap nilang pingutin sa tenga ng paletter T A N G A.

Ilang araw akong tulala at di mag sink in sa utak ko na wala na kami. Bigla akong naiiyak sa tuwing naiisip kong may iba na siya. Doon ko nasabing I'm inlove with a Fictional character. Worst case pa nito bumagsak ako sa subject ni ma'am Dimakaiskor kasi nalaman niyang sinabi ko na ang tagal nang di napapasukan ng saging ang monay niya.

Ako si Ayesha Aburidongbata, 17 years old, may sakit na patay gutom, nag aaral sa Pusang Kinalbo Walang Pake Highschool, nag ooperate sa account na "Grytyll Mich Zacchelli Ayala" ay tanga tangang nainlove sa FC. Mashakit promish.

P.S
Pinatawag ako sa Faculty room ni ma'am Dimakaiskor at binulong niya sakin na nakakain na ulit siya ng hotdog ni Mr. Dimakaiskor. Tengene di ko tanggap.

I'm Inlove With a Fictional Character (One Shot)Where stories live. Discover now