Christina’s POV
Monday na naman. Handa na akong pumasok, nagising ako dahil sa tawag ni ella sakin na nauna na silang pumasok ni julie dahil may practice daw sya sa dance troupe ngaun, si julie naman ay sumabay sa kanya dahil gusto daw makita ng maaga si lucy.
Pagkalapas ko ng bahay nakita ko kaagad si Alex na kalalabas lang din ng bahay nila. Nakauniform sya ng makita ako. Ang ganda nya talaga! Kaso naka cap padin.
“alex!” sigaw ko.
“Chris.” Saad nya. Nanlaki ang mata nya ng makitang parehas kami ng uniform. “Pareho tayo ng school sa fuentes ka din?” tanung nya.
“oo. Anung course mo?” Nakabungisngis na saad ko.
“mass communication ako ikaw?”
“waaaaaaaaah ganun din teka, patingin ng COR mo.” Saad ko, inabot nya sakin ung COR nya.. Nanlaki ang mata ko at napapalakpak sa harapan nya. “clasmates tayo. Tignan mo.” Utas ko.
“talaga? Buti naman atleast may kakakilala na ko..”
Sabay na kaming naglakad papuntang school, panay ang kwentuhan naming dalawa, kung di lang daw sya nagstop ay naungasan na nya ako. Kung hindi lang daw sya tinamad magaral. Ang kaso talagang pinanganak daw syang tamad. Natatawa ako sa kanya. Masarap kausap si alex kahit na para talaga syang lalaki kumilos, sobrang ganda nya.
“pst.” Sino yun?Napatingin ako kay alex di nya narinig?
“pst.”
Sino bayun?
“alex narinig mo” tanung ko tapos bumaling sa kanya. Nagkibit balikat sya sakin,
“ang alin? Wala naman ahh” Tae, minumulto naba ko nung ipis na napatay ko kaninang umaga? Waaaaaah wag po! Wag po!
Akmang lilingunin ko sana si alex ulit ng may biglang humablot sakin. Tinakpan nya ang bibig ko gamit ang isang panyo. Pamilyar sakin ang amoy na yun. Teka. Wait a minute!!! Dapat mahihimatay nako diba? Kasi dapat may something ung panyo nya? Deym! Halos mapatalon naman ako ng maramdaman ang nakatututok na something sa tagiliran ko. Napa-sign of the cross ako bigla ng makitang baril iyon.
“waaaaaaaaaaaaah. Anung kaylangan mo? Pera? Wala na kong pera, bente pesos lang ang pera ko dito. ” sabi ko sabay abot sa kanya ng bente pesos sa bulsa ko..
“Hahahahaha. Di ko kaylangan ng bente pesos mo. Madami ako nyang dollar pa.”
“tss! ang yabang mo namang kidnapper.” Nakasimangot ako, Di ko alam na may dalang hanging yolanda tong taong to.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...