Textmate

4.8K 89 6
                                    

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, salamat kay Jairus.

Sana nga makalimutan ko na si Nash. I think I need to catch up on the things that I neglected just because I was crazily in love with my bestfriend.

Una na dun ang makipagkaibigan sa iba, tama si Jairus, baka naman may ibang tao na gustong maging parte ng buhay ko pero I cant let them in because I'm too focused being that "perfect" bestfriend for my Nash, kahit alam ko unattainable yun at alam ko na hindi naman nya rin masusuklian.

I finished up my assignments in Geometry nang biglang tumawa si spongebob.

*nyahahahahahahah*     (imagine na lang po yung tawa ni spongebob dahil yan po ang ring tone ni Shar sa story)

From: 098738353203958465380

Message: Bloated ako. T_T pero thank you for the foodtrip! Sana I can eat with you always.

Shocks! Si Jairus ba to?

To: 098738353203958465380

Message: Jairus?

From: 098738353203958465380

Message: The one and only! :) Sleep ka na.

Siya nga. Ok I'll save his number.

Add Contacts: 098738353203958465380 changed to NewFriend.Jairus

Napangiti ako.

To: NewFriend.Jairus

Message: Jai, salamat sa lahat! Sa libre at pagsama sakin. Teka pano mo nakuha ang number ko?

From: NewFriend.Jairus

Message: Secret! Goodnight pretty! See you tomorrow! I'm praying that you'll be healed soon.

To: NewFriend.Jairus

Message: Wow! Thank you talaga ah! Oh sige po sleep na tayo.

From: NewFriend.Jairus

Message: Wait Shar, may knock knock pala ko pampa good-vibes lang bago matulog!

Natawa naman ako sa text ni Jairus. Kanina kasi habang kumakain kami, tawa lang ako ng tawa sa mga sobrang korning jokes niya.

To: NewFriend.Jairus

Message: Tantanan mo na yan Jai! Alam ko namang waley na naman yan!      

From: NewFriend.Jairus

Message: Grabe ka talaga. SIge na! Isa lang! Knock knock!

Pagbigyan na nga natin si Boy Waley!

To: NewFriend.Jairus

Message: who's there?

From: NewFriend.Jairus

Message: Tocino! :-P

To: NewFriend.Jairus

Message: hahahahahaha! Tocino who?

From: NewFriend.Jairus

Message: Tocino sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako, at kung saan saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako. Ako na lang sana. Tayo na lang dalawa. By Zia Quizon. Good night ulit! :))))

Hahahhahahahahahahahah! Ayos.

Nakangiti pa rin ako habang natutulog.

Kinabukasan, gumising ako ng hindi na ganun kabigat. Parang gusto ko na nga ulit pumasok sa school katulad ng dati.

"Anak, tumawag kagabi si Nash, tinatawagan ka daw sa phone mo di mo sinasagot kaya sa landline sya tumawag. Nag-aaway ba kayo?"

Tanong ni mama. She knows me so well and alam niya na si Nash lang ang kaibigan ko at alam din niya kung ano ang totoo kong pagtingin dito.

"No ma! Medyo busy lang po ako sa pag gawa ng assignment."

Bakit kaya tumatawag yung kumag na yun? Baka magpapatulong gumawa ng assignments. Hmp! No way! Neknek nya noh! Hinding hindi ko na sya kakausapin ever.

"Ma, pasok na po ako."

Nakangiti kong sabi.

"Pa, hindi na po ako sasabay sa inyo, mauuna na po ako."

"Ingat anak!"

Pagdating ko sa school, it is still early. There is this one person that my eyes long to see, nasan na kaya sya?

"Shar...."

A soft voice called my name kaya napalingon ako.

At di ako prepared dito........

Si Nash...

Umiiyak..

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Lumapit sya sakin.

"Sharlene, please forgive me." Patuloy pa rin sya sa pag iyak. I can see pain in his eyes. Bakit kaya? Gusto ko syang i-comfort pero di ako makapagsalita.

"I need a friend." Sabi niya sakin.

Grabe, iba talaga ang epekto nitong lalaking to sakin! Sarap saksakin. Pinahid ko ang mga luha niya tsaka ko sya niyakap.

Oo, alam ko! ANG TANGA TANGA KO NA FOR DOING THIS!

Pero anong magagawa ko eh sa kailangan ako ni Nash ngayon eh. Tatlong taon ko rin naman nakasama to. Di ko itatapon ng ganun ganun lang! Siguro galit lang ako sa mga nagawa niya sakin.

"What happened?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Umalis na si dad sa bahay. Tuluyan na niya kaming iniwan. Yung hinala natin noon, totoo lahat!"

"Ohmygoodness! May babae si Tito?"

Hindi sya sumagot. Umiyak lang sya, at habang yakap ko sya ay parang unti unting binubura lahat nun ang galit sa puso ko at lahat ng ginawa nya sakin, kahit gusto ko syang sumbatan at ipamukha sa kanya na di nya kayang mabuhay ng wala ako, napalitan lahat ng awa. Ganito ba pag nagmamahal ka? Kakalimutan mo ang pride mo? Kakalimutan mo kung pano ka ginamit at ginawang tanga? Ewan. Bahala na.

"Tahan na, bestfriend! Maayos din ang lahat!"

Kumalas sya pagkakayakap sakin.

"Sharlene, salamat. Sige, magcr lang ako. I'll fix myself up bago ko pumunta sa classroom."

Umalis na si Nash...

At pagkatalikod ko, bigla akong natigilan sa nakita ko.

Si Jai, nakatingin samin. Expressionless ang mukha niya at diretso lang syang naglakad, hindi nya ako pinansin, dinaan nya lang ako at nauna na syang umakyat papuntang room namin.

For some strange reason, bigla akong kinabihan at parang gusto kong magpaliwanag kay Jairus kahit alam ko na hindi ko kailangan iexplain ang sarili ko kahit kanino. 

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon